❤️chapter 37❤️

5.1K 282 12
                                    

Corny Spade

Fia pov,

"Kumusta na ang tiyan mo? Masakit pa ba?" Tanong ni Nick ng makapasok sa clinic.

Tumango ako. "Walangya masakit pa rin." Buti nga sa tiyan lang ang tama ko, dahil si Mican dinala sa malapit na hospital dahil may bali ang buto niya sa braso at malala ang mg pasa niya na hindi nakayanan ng nurse dito sa clinic.

"Masakit daw tas nagmumura." Wika ni Zy. Sinamaan ko siya ng tingin samantalang tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng gago dito sa clinic basta paggising ko naka-upo na siya sa silya malapit sa kama.

"Bakit kasi si Mican ang napili mong kalabanin?" Sabi ni Nick habang umiinom ng kape sa disposable cup. "Anyway, ito kape mainit pa." Nilagay niya sa table ang kape na iniinom niya! Seryoso? Papainumin niya ako diyan?

"May laway mo na kaya huwag mong ibigay kay Fia." Sabat ni Zy.

Tumawa ng bahagya si Nick. "Okay lang naman yun kay Fia. Sa baso ko nga siya noon uminom ng alak nung pumunta kami sa mansion nila."

Nanlaki ang mata ko. Baso niya yun?! Haiyst. Hindi ko naman kasi alam kung kaninong baso yung ininoman ko bukod sa can on beer!

Pinanliitan ako ng mata ni Zy bago bumaling kay Nick. "Utos ni Spade kaya sinusunod ko lang."

Utos?! Ano naman ang naisip ni Zy na magsinungaling?! Mag kaaway nga sila ni Spade dahil kay Katrina tapos u-utusan siya?!

"Ah si Spade." Pinitik ni Nick ang daliri niya. "I remember him, siya yung lalaking humalik sayo dahil nagselos kay Yuwence ng hinawakan ka sa baywang. Anyway, kailangan kong tawagan si Yuwence para sabihin ang kalagayan mo-"

"Don't. Ayaw din ni Spade na may lumalapit kay Fia, especially Yuwence." Mariing sabi n Zy.

"Hindi ko alam na may bodyguard na pala si Fia." Medyo iritadong sabi ni Nick.

"Your just her friend kaya hindi mo na kailangan malaman pa."

"Bakit ikaw ano ka?"

"Tao."

Sinamaan ko ng tingin si Zy. Ano bang pinuputok ng buchi nila?

"Anyway may class pa ako. Bibisitahin nalang kita Fia mamaya. See you." Ani Nick habang nakatingin sa relo.

Ngumiti ako. "Take care." Tumango siya at umalis.

"Tsss. Kahit hindi ka na bumalik." Bulong ni Zy pero narinig ko parin.

"Ano bang kinagagalit mo diyan?"

"None of your business." Narinig kong may binulong pa siya pero hindi ko iyon maintindihan.

"Anong sinasabi mo?"

"It call language, incase you don't know."

Sinamaan ko siya ng tingin. "May klase ka pa. Huwag kang mag-di-ditch." Paalala ko.

Ngumisi ang loko. "Salamat sa paalala, Nay." Sarcastic niyang sabi at kinuha ang bag. Pa-ika-ika siyang lumabas ng clinic.

Natawa ako ng malaman ang dahilan kung bakit siya nagkaganiyan. Sabi niya kanina, hindi daw siya puwedeng pumasok sa clinic ng walang sugat kaya ayan, tumalon siya sa galing sa second floor. Magkagalit kasi sila ng nurse kaya bawal siya sa clinic puwera nalang kung may sugat siya.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon