❤️chapter 29❤️

4.9K 275 5
                                    

Lunch

Fia pov,

PAGKATAPOS KONG mag agahan, dire-diretso akong pumunta sa living room at kinuha ang bag ko. Sumunod naman ang gagong si Yuwence.

Walangya talaga! Plinagplanuhan 'to nila kuya. 'langya!

"Ako na sa bag mo,"

Pilit kinuha ni Yuwence ang bag ko. Tinabig ko naman ang kamay niya. Kingina! Ang rupok ko!

"May kamay ako Yuwence," inirapan ko siya.

Ang gago, ngising-ngisi na pinagbuksan ako ng kotse niya. Tangina! Sabing may kamay ako eh!

Tahimik lang kami sa buong biyahe. Hindi kami close para mag chikahan. Hindi rin siya mahilig sa music kaya masiyadong tahimik sa loob ng kotse. Parang langit lang. Ay mali, nasa empyerno pala ako pag kasama ko ang gagong 'to.

Sa totoo lang, kinakabahan ako pag nakapasok na ako sa gate ng RIHS. Hupa na naman yung issue na yun pero natatakot ako sa mga estudyante na parang halimaw kung makatingin sa'kin. Kala mo naman makakain ako ng pamatay nilang titig.

Pano kung pag pasok ko sa gate palang ng skul may bumuhos na sa'kin ng isang baldeng tubig? Baka isang baldeng putik na may uod pa. Tapos may mag hahagis sa'kin ng mga basura at pag sisigaw sigawan ng masasakit na salita. Ta's may babato na naman sa'kin ng itlog---

Sige fia, takutin mo pa ang sarili mo. Sige lang. Tingnan natin kung hindi ka mahimatay sa kaba pag pumasok ka na sa empyerno este sa RIHS.

Malapit na rin pala ang festival. Sa lunes na. Three days yun. Chi-nat ako ni khanz kagabi na ngayon daw magme-meeting kaming lahat para sa booth, pageant at singing and dancing contest.

Excited ako na Ewan. Basta feel ko mamamatay na'ko ngayon. Bwahahahahaha charot lang. Sobrang lakas ng pintig ng pesteng takot na puso'ng 'to.

Kalma lang fia. Hindi ka naman kakainin ng mga estupidyante sa RIHS. Karatehin ko nalang kaya pag may lumapit sa'kin? Kingina, bak ma expel na'ko nun.

"Don't pressure your self to much,"

Bumuntong hininga ako. Pano nalaman ng gagong 'to na kinakabahan ako? "Anong pinagsasabi mo diyan?"

"In every three second you let out a heavy sighed, tell me. Isn't it to obvious that your trying to calm yourself but ended up nervously?"

Walangya maka detective ang isang 'to ah. Kaya pala class A agent detective ang gagong 'to. Pahinge naman ng IQ.

"Edi ikaw na ang matalino," bagwisan kita diyan eh!

"Kung inaalala mo na pagpasok mo sa gate ng paaralan niyo, ay kakainin ka ng mga estudyante. Then you're wrong. I won't let that happen. Ihahatid kita mismo sa classroom niyo---"

Kingina, term ko yung ginamit niya. Mind-reader ba ang isang toh? "Ay depotaa, 'wag na 'wag mong susubukang ihatid ako sa classroom namin. Hindi ka lalabas ng sasakyang Ito pag hinahatid mo ako. Maliwanag?"

"No, binilin sa'kin ng kuya Mar mo na bantayan kita. That's my job. Kaya kelangan kong gawin yun."

"Pektusan kita diyan eh! Sabing 'di puwede. Kulit ng hayop na'to."

"Minumura mo ba ako, Naomi?"

"Oo at hindi Naomi ang agnay ko. Fia. Fia."

"Endearment ko yun sayo. Kaya 'wag kang makialam. Naomi."

"Kingina. Sabing Fia eh!"

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon