❤️ chapter 19❤️

6K 314 23
                                    

Kim

Fia pov,

YUNG FEELING na habang papalapit ka kay kamatayan, triple ang kaba na nararamdaman mo, sumasabay pa ang malakas na pintig ng puso, hindi dahil inlab ka kun'di dahil alam mong katapusan muna.

Sobrang sama ng tingin sa'kin ni kamatayan---este ni kuya Mar habang papalapit ako sa kaniya. Naka suot siya ng business suit  habang pasimpleng tumitingin sa relo niya. Hinanda ko na ang tenga ko sa sermon niya.

Sasabihin niya na naman ang katagang, late na naman ako dahil sa kagagawan mo! At grounded pa ako. Huhuhu.

"Saan ka natulog kagabi? Bakit ngayon kalang umuwi? Bakit hindi ka muna nagpaalam sa'kin? Huh? You should be thankful, dahil hindi alam nila Lolo ang tungkol dito," Pinaulanan niya agad ako ng tanong habang nakapameywang.

"Sorry," Yumuko ako.

Umiling naman siya. "Your grounded for today," Sabi na nga ba eh! "...no more motorbike and car for a week and last give me your credit card!" Nilahad niya ang kamay niya.

Ang malas ko naman. Kakakuha ko palang ng credit card ko, kukunin na naman. "Kuya ayok---"

"Give. me. the. card." Madiing sabi niya.

Wala akong nagawa kundi ibigay iyon sa kaniya. "Oh! Pano naman ang baon ko ngayon?"

"Maghanap ka ng plastic tas may kanin doon sa kusina---"

"Kuya naman eh!" Nagpadyak padyak pa ako. "Daig mo pa ang pulubi sa pinagagawa mo sa'kin. Grounded na nga ako ngayon, kinuha mo pa ang credit card ko ta's one week na---"

"Oh! Ayan." Binigyan niya ako ng 5 thousand.

Himala. Si kuya binigyan ako ng limang libo, na baon sa isang araw lang. "Kuya anong nakain mo?" Kumunot naman ang noo niya. "Hulog ka talaga ng langit. Wag kang mag aalala, kuya hindi ko Ito mauubos ng isang araw lang. Magtitira pa ako."

Ngumisi naman si kuya. "Talaga lang dahil pang-one month mong baon yan."

♥♥♥

*Tok tok tok

"Fia, dalian mo!" Rinig kong sigaw ni Blake sa labas ng kwarto ko.

"Wait lang," Hindi ko na nagawang suklayin ang buhok ko, inipit ko na lang Ito ng buo. Ayaw kong iwan ni Blake, sa kaniya kasi ako ngayon sasakay.

Kailangan ko kasing tipirin ang limang libo na binigay ng kuripot kong kuya, kaya ayaw kong magku- cummute,bawas pera lang yun. Akala ko nga kanina nag sisinungaling lang siya na baon ko iyon pang isang buwan. Depotaa! Tinutoo niya.

Pag bukas ko ng pinto nakita ko sa gilid neto ang pinsan kong unggoy, kumakain ng saging.

"Tara na."

Hindi man lang niya ako pinansin at nagsimulang maglakad papunta sa Mercedes-Benz niya.

"Nasaan pala sila tita jennalyn at si Blaine?" Tanong ko nang pinaandar na niya ang sasakyan.

"In our house. You want to visit them?"

"Mamaya nalang siguro." Tumango naman siya.

♥♥♥

"Bye!" Kumaway pa sa'kin si Christian bago mag lakad paalis.

Nasa parking lot pa kasi ako, saktong nakita niya ako kaya naki pag chikahan pa siya sa'kin. Nung nag ring ang bell, doon palang siya nag paalam sa'kin.

Pag-pasok ko sa classrom namin, agad akong tinanong ng mga ugok.

"Fia. Totoo ba ang sabi ni xharles na natulog ka sa kwarto ni spade kagabi?" Francis.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon