❤️ chapter 12❤️

6.5K 326 6
                                    

Part 2 of flashback

Fia pov,

NGAYON NA ang announcement kung sino ang rank one sa gangster world pero syempre, alam kong hindi kami yun dahil natalo ako. Hindi ko pa rin nasabi sa mga gangmates ko na natalo ako. Mamaya na lang pagdating ni James. Si Reich kasi ang inutusan namin na tumingin sa bulletin board kung pang ilang rank na kami. Andito kaming apat sa kwarto ni kuya jasfer.

Dumaan lang kami ni Stephanie sa bintana dahil hindi puwede ang babae sa dorm ng mga lalake. Kasalukuyang kumakain kami ng cookies na binake ni james.

Bumukas ang pinto. Iniluwal nito si Rein na hinihingal pagdating.

"Anong balita?" Stephanie.

"Anong rank na tayo?" James.

"Answer it." Kuya jasfer.

Pinaupo ko muna si Rein sa sofa at pinainom ng tubig.

Ininom niya muna ito bago sagutin ang tanong nila. "Guys." Malungkot niyang panimula. Mukhang malalaman na nila na natalo ako. "Rank one na tayo." Sumigla ang boses niya at nagtalon talon sa sofa.

Namilog naman ang mata ko. Pano kami naging rank one? Eh natalo nga ako ng leader ng dark bullet gang. May mali dito.

"Yes."

"We win."

"We are know the most powerful gangster."

Habang nagsasaya sila. Ako naman nag tataka. Napansin siguro ni Stephanie kaya nilapitan niya ako. "Hindi ka ba masaya? Nanalo tayo!"

Sasabihin ko naba? "Stephanie. Mali to eh! Natalo ako sa laro." Bulong ko

Nagulat rin siya sa sinabi ko. "Isipin mo nalang na nanalo tayo. Make it our secret." Tumango naman ako. "Let's call this an celebration. Pupunta tayo sa bar." Sigaw niya pa.

♥♥♥

"Sa counter lang ako." Paalam ko kila kuya jasfer.

Tumingin naman siya sa'kin. "Mag iingat ka hindi lang gangster ang andito, may mga mafia member rin." Walang ganang tumango ako.

Nasa ANGEHELL BAR kami ngayon. Kung nakakatakot sa fun academy mas nakakatakot sa bar na'to. Kung puwede nga lang hindi huminga ginawa ko na sa takot. Sobrang sikip ng hangin dito sa loob. Lalo na pag nasayo ang paningin ng walang buhay na mata ng mga tao dito.

Umupo ako sa mataas na stool at nag order ng margarita.

Umupo si James sa tabi ko. "Bakit hindi ka masaya? Nanalo tayo dapat masaya ka." Tanong niya.

Minanmanan ko kasi kanina si yuwence at si jasmine. Nakita ko sila sa tapat ng village ni yuwence nag hahalikan habang may kumukuha ng litrato sa kanila sa labas ng gate. Mabilis akong bumaba ng puno baka mahulog kasi ako. Wala pa namang sasalo sa'kin.

"Masaya ako." Magtatanong pa sana siya kaso hinila na siya ni Rein, dahil may chicks daw doon sa dance floor. Napailing nalang ako. Mga babaero.

Nakilang margarita na ako hanggang sa vodka na ang inorder ko. Kingina! Ang sakit sakit sa dibdib. Hayop ka talaga yuwence!

Pakiramdam ko sasabog na ako sa galit kaya mabilis akong lumabas ng bar para makalanghap ng sariwang hangin. Napadpad ako sa likod ng bar. May lake dito. Umupo ako sa tabi ng lake at kumuha ng maliliit na bato.

Hinagis ko yun sa tubig. "Hayop ka yuwence! Isa kang malaking tarantado! Masyado kang gago! Pano mo ako nagawang ipagpalit sa dalawang buwang relasyon niyo ni jasmine? Samantalang magtatatlong taon na tayo." Unti-unting humina ang boses ko. Ginawa kong pang suporta ang tuhod ko at nilagay ang kamay ko doon. Yumuko ako.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon