❤️chapter 7❤️

7.3K 377 19
                                    

Red eyes

Fia pov,

ANG MALAS ko naman. Parati nalang ako napag titripan sa paaralang ito.

Una si fidget, sunod si jeneil. Sino pa?

Pero hindi yan dapat ang problemahin ko, dahil alam na ni spade na ako si dragon warrior. Pano kung pinagsabi niya na yun?

Hindi ko pa puwede e patanggal ang tattoo ko dahil hindi pa ito alam ng ka gangmates ko. Isa sa mga batas namin na mga gangster na bawal patanggalin ang tattoo sa oras na gusto mo. Kamatayan ang kapalit non. Ibig sabihin, isa parin akong gangster habang may simbolo pa ako.

Pinunasan ko ang basa kong buhok. Umabot na ito hanggang beywang. Hindi ko napansin na humahaba na pala ito.

Katatapos ko palang maligo dito sa shower room sa gymnasium. Nilagay ko sa plastic bag ang basa kong damit at binitbit ito.

Paglabas ko ng shower room tumambad sa'kin ang buong section 1-A . Wala na rin naglalaro ng basketball dito. Masyado silang tahimik, ewan kong bakit bigla nalang sila nagkaganito.

Siguro nilason sila sa restaurant na kinainan nila kanina.

Hindi nila ako napansin dahil sa sobrang tahimik nila pati ang kanilang esperito lumipad. Sumalangit nawa.

"Ba't kayo nandito?" Sinara ko ang shower room. Humarap ulit ako sa kanila. Naghihintay sa sagot.

"Hinihintay ka." Alex.

"Hindi niyo na'ko kailangan hintayin."

"Mimi galit ka pa ba samin?"

Oo.

"Hindi."

"Pinagtripan ka na naman raw ni fidget sabi ni rhea." Rinig kong sabi ni Thor sa likod. Huminto ako sa paglalakad.

Bakit ayaw sabihin ni rhea na siya ang pinagtripan ni fidget at nadamay lang ako?

Hinarap ko si thor, na kinabigla niya. "Thor, may problema ba si fidget sa girlfriend mo?" Tukoy ko kay rhea.

Naguguluhan naman itong tumingin sa'kin. "Wala, bakit?"

Sasabihin ko ba?

Tama, kailangan kong sabihin para matigil na itong kababalaghan ni fidget.

"Nadamay lang ako sa gulo nila rhea at fidget." Umupo ako sa bleachers, na sinundan naman nila.

"Paki explain." Aba't inutusan pa ako ng gago.

Nakita ko rin si Francis at Carl kumakain ng popcorn. Seryoso?

"Ganito kasi," panimula ko. Lahat sila tutok na tutok sa sasabihin ko. Gusto kong tumawa pero baka batukan nila ako kaya nagseryoso ako. "Kumakain ako nun sa canteen, tas nakita ko nalang na sinampal ni fidget si rhea at sinabing 'porket jowa mo si Thor, akala mo hindi kita papatulan huh?' tas hindi nako naka tiis kaya pumunta ako sa kanila at sinampal si fidget kaso gumanti ang clown binuhusan ako ng juice syempre hindi ako papatalo kaya binuhusan ko rin siya ng juice. Sasampalin ko ulit sana siya kaso hinila na'ko ni Chloe paalis sa canteen. The end."

Tiningnan ko si Thor na umiigting ang panga sa galit. Diyos ko, may sinabi ba akong masama?

"Sinampal ang princessa ko ni fidget?"

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon