❤️chapter 37❤️

Magsimula sa umpisa
                                    

Nauhaw ako kaya naglakad ako palabas ng kawarto. May vending machine doon. Pipihitin ko palang ang door knob ng marinig ko ang boses ni Nick sa labas, may kausap siya sa cellphone. Lalabas sana ako kaso narinig ko ang sinabi ni Nick.

"Boss Hulk, andito ako sa clinic sa labas ng kwarto ni Fia. Huwag kang mag-alala hindi na daw masakit ang tiyan niya."

Napalunok ako sa narinig at bumalik nalang sa kama. Bakit niya kausap si Hulk at bakit ako ang pinag-uusapan nila? Hindi kaya membro si Nick sa grupo... Ibig sabihin pinapabantayan ako ni Hulk kay Nick? Pero bakit? Naalala ko tuloy yung araw na tumakas ako sa Fun Academy, siya yung tumulong sa'kin nun at simula nung araw na yun, hindi na kami nagkita. Meron akong address ng mansion niga pero nagda-dalawang isip ako kung pupunta ba ako dun dahil basta...

Kinabukasan, nag-suot ako ng PE uniform kahit sabado dahil maglalaro kami sa open field ngayon ng mga kaklase ko. Alas nuwebe kami maglalaro, pumayag ako dahil mamayang hapon pa naman ang uwi ko.

Nilugay ko lang ang buhok ko at pumunta na sa open field. Andun ang mga kaklase ko pati si Zy na nakabusangot ang mukha. Mukhang napilitan. Lumapit ako sa kaniya.

"Good morning Zy!" Bati ko at umupo sa tabi niya.

"Walang maganda sa umaga." Hindi pa rin siya sa'kin nakatingin. Tumingin ako sa tinitingnan niya.

"Oh? Hindi ba maganda ang tanawin mo?" Sarcastic kong sabi at tumingin din kay Katrina.

Si Katrina. Nakatingin siya kay Katrina na tumatawa kasama ang mga kaibigan nito. Na-awa ako sa kaniya ng maalalang si Spade ang dahilan kung bakit sila nag-break.

"Paki sabi nga kung bakit si Spade ang nagustuhan ni Katrina kaya niya ako iniwan." Malungkot na sabi ni Zy habang nakatingin parin kay Katrina.

"Hindi ko alam..." Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Minsan ko narin yan tinanong sa sarili ko nung na-abutan kong naghahalikan si Yuwence at Jasmine. Bakit si Jasmine? Ano bang meron si Jasmine na wala ako? Landi? Karisma? Wala ako nun eh.

"Wala kang kuwentang kausap." Biglang sabi ni Zy.

"Wow hah! Wala lang akong kuwentang kausap pero ikaw wala ka talagang kuwenta."

Bumaling kaming dalawa sa pinanggalingan ng sigaw at tili ng estudyante. Nalaglag ang panga ko samantalang kumunot ang noo ni Zy ng may labing siyam na sports car na nagprark sa gilid ng field! Grabe, ang bongga ng entrance. May parking lot naman bakit kailangan dito pa sa field mag park? Ang yabang.

Sabay-sabay lumabas ang driver ng mga sports car, naka shade ang mga ito at swabeng tinanggal sa mata ang shade. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang mga yun!

"Waaaah! Andito ang Royal Kings at buong section 1-A ng RIHS!"

"My ghad sis! Ang gwapo nila sa personal!"

"Tara magpa-autograph tayo!"

"Khanz! Buntisin mo ako!"

"Shit! Makikipag-break na ako sa boyfriend ko!"

Napangiwi ako sa mga sinabi ng estudyante dito. Seryoso? Gusto nilang magpabuntis? Para sa mga ugok?! Ang yayabang talaga ng mga ugok na'to.  Teka... bakit sila andito?

"Sinusundo ka na." Nakangisi si Zy pero halatang iritado.

Nataranta ako at tumago sa likod niya. "Itago mo ako." Pinulupot ko ang braso ko sa leeg ni Zy at sinksik ang mukha ko sa leeg niya galing sa likod. Ginulo ko ng kunti ang buhok ko papunta sa harapan para hindi ako makilala ng mga ugok.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon