❤️ chapter 35❤️

Comenzar desde el principio
                                    

*BOOOOM

Nagulat kami sa biglang may sumabog sa labas. Nataranta ang mga tao at nagtutulakan sa paglabas ng building. Ni-hugot ko ang baril ko at nilapitan ang mag-asawa.

"Stay. Huwag kayong a-alis sa tabi ko. Kayo ang pakay ng nag-pasabog. Stay." Sabi ko. Kabadong tumango ang dalawa. Tumawag ako kay Yuwence para sabihing kailangan ko ng tulong niya dito sa dinning hall.

Maya-maya pa may narinig na kaming barilan sa labas. It's the agent na kasama namin laban sa mga taong gustong pumatay sa mag-asawa. May back-uo na dala din ang loko.

Lumapit samin si Yuwence at ang ibang agent.

"Protect the senador and his wife." Utos ko at sinunod nila iyon. Pinabilugan nila ang mag-asawa at naging alerto ang baril nila. Lumabas kami ng building at sa may puno banda nag-stay.

Si Yuwence ay sumugod na malapit sa kalaban samantalang binabaril ko naman ang mga gustong pumuntirya sa senador. Bawat tunog ng baril ay sumisigaw naman ang ginang at umiiyak.

"Ahhh." Sigaw ng ginang ng may natamaan na isang agent. Hinanap ko ang bumaril sa kasmahan ko at binaril iyon sa ulo.

Tinulugan ng ibang agent ang nabaril na pigilan ang pagdaloy ng dugo sa braso nito.

May nakita akong papalapit kaya binaril ko iyon. "Protektahan niyo sila. Maliwanag?"

Tumango ang mga agent. "Maliwanag!" Sabay-sabay silang sabi.

Tumakbo ako palapit kay Yuwence ng makitang nakikipag suntukan nasiya at hindi na baril ang gamit niya. Bawat humaharang sa daanan ko na kalaban ay binabaril ko, kung hindi sa ulo, sa puso.

Kinuha ko ang baril ni Yuwence sa buhanginan at nilagyan iyon ng bala. "Yuwence! Catch!" Hinagis ko papunta sa kaniya ang baril. Tumalon siya at sinalo iyon, he pull the trigger sa ulo mismo ng kalaban niya.

Patuloy kami sa pagbabaril ng mga kalaban ng bigla nalang ako hinigit ni Yuwence at kasabay nun ang putok ng baril sa likod niya.

"Yuwence!"

Tumulo ang luha ko. Ganito din ang nangyari kay Kuya Markier. Napatingin ako sa bumaril sa kaniya. Nasa chopper iyon at paalis na. Siya rin ang bumaril kay kuya!

Ramdam kong nag-init ang mata ko. Tinutok ko ang baril sa lalaki na nasa chopper and then, I pull the trigger. Next thing I knew, nahulog ito sa dagat at sumabog ang chopper na sinasakyan niya.

Humingi ako ng tulong para madala si Yuwence sa hospital. Binuhat ng mga agent si Yuwence at pinasakay sa chopper na sinakyan namin papunta dito.

♥♥♥

Pinasalamatan ako ni Mr. and Mrs. Asuncion dahil sa pagligtas ko sa kanila kanina. Andito kami sa labas ng operating room kasama ang mga ugok. Si Jack lang ang tinawagan ko pero andito lahat ng ugok. Akala daw nila ako ang nabaril.

Kuya Markier is in already in the house. Ligtas na siya per si Yuwence naman ang pumalit. I hate my life.

Sinabi ko rin kay Jack na i-sama niya ang ate niya. Napatingin ako sa babaeng namumugto ang mata at pinanlisikan ako ng mata.

"How's my boyfriend?" Tanong ni Jasmine kay Khanz.

Lumabas na ang doktor kaya ito ang sumagot sa tanong niya. "He's okay. Natanggal na ang bala sa katawan niya. Anyway who's Naomi? Gusto daw siya makita ng pasyente." Tanong ng doktor.

Tiningnan ako ng mga ugok pero hindi ako sumagot.

"Ako po si Naomi. Maari ko na ba siyang bisitahin?" Tanong ni Jasmine.

Class 1-ADonde viven las historias. Descúbrelo ahora