Wala sa sariling kinuha ko ang kamay kay Mama at doon marahang kumagat. Napaiyak ako kasi wala akong maramdamang sakit, namanhid na ata ang katawan at puso ko.



"Sheena." tinig ni Mama, nilingon ko siya, napaawang ang labi ko sa talas nang kaniyang titig. Bumaba ang tingin niya sa kinakagat ko na agad ko namang sinundan.




Bumagsak ang aking balikat sa tindi nang tawa ni Caleb. Nakuha pa kaming kuhanan ng litrato gamit ang dslr na bigay sa kaniya ni Juan. Huhuhuhu.




Dahan-dahang kong pinakawalan ang kamay na hindi naman pala akin. Ngumiwe pa si Mama nang gawin ko iyon, tila ba nasaktan siya ng sobra sa ginawa kong pagkagat sa kamay niya.




"Hehehehe", ngiwe kong hagikhik. Ngumuso ako ng mas taliman pa ako ng titig ni Mama. Huhuhuhu. Kinuha niya ulit ang kamay ko matapos utusan si Caleb na bumili nang ice-cream kina Aling Josephine Store. Iika-ika itong umalis.



Lumunok ako ng marinig ang pagkaputol ng aking kuko, hindi ko inaasahan na magsasalita si Mama.




"Ang ibon ay kilalang lumilipad na hayop. Karamihan sa kanila ay malaya, ang iba ay inaalagaan nating mga tao, at ang iba naman ay ginagamit pang aliw sa perya."



Ano naman ang kinalaman nang ibon sa kuko ko. Alam ko namang lumilipad ang ibong maya, natural ibon iyon.



"Tuwing umuulan lahat sila ay umiiyak, sapagkat taggutom na naman, kailangan nilang sumilong, magpahinga at maghintay kung kailan titila ang ulan." kusang dumaos-dos ang luha sa mata ko sa hindi malamang dahilan. Nitong nakaraan ay napakadali nalang saakin na umiyak.



Papasa na akong artista. Hihihihi.



Bumuntong hininga si Mama, kung ano-ano kasing pinagsasabi niya, hindi ko tuloy maiwasang matakot na baka nababaliw na ito. Kinuha niya ang isa ko namang kamay at iyon naman ang pinagdiskitahan.




"Hindi nabigo ang mga ibon, tumila ang ulan, natapos na ang paghihirap nila. Oras nanaman para maglayag at maging masaya." sininghot ko ang sipong namuo sa ilong ko, sa taas tumingin para hindi tuluyang malunod sa larawang namumuo nanaman sa aking isipan.



Bahala si Mama magsalita diyan, hindi ko naman siya inaano huhuhu.




"Sa paulit-ulit na buhay ng mga ibon, may pagkakataon talagang hindi maiiwasang huminto at magluksa sa daluyong na kinahaharap nila, ngunit isa lang ang sigurado." may diin sa tinig ni Mama dahilan para lingonin ko siya. Patuloy lang ito sa pagputol ng mahaba kong kuko.





"Matatapos din lahat. At sa oras na iyon, alam kong magiging masaya kana." kumibot-kibot ang labi ko at tuluyan na ngang bumuhos ang aking luha, nabarahan nang kung anong bagay ang lalamunan ko dahilan para hindi ako makalunok ng maayos.






Tahimik akong humihikbi habang pinagmamasdan ang nanlalabong imahe ni Mama dulot ng aking luha. Walang yakapan o haplusan ang nanyari pero damang-dama ko ang pag-ibig niya. Kakaibang pagmamahal, ganito kaba talaga kalakas?




Nagmadali akong pahidan ang aking luha nang marinig ang mga yabag at sipol ni Caleb na nakauwi na agad. Hindi nawala ang bigat na nakabinbin sa dibdib ko pero dahil sa sinabi ni Mama sapat na iyon para mabawasan ito.





"Oh ayan ice cream! 'Yan ang kainin mo hindi 'yong daliri ni Honey HAHAHAHAHA!", pameywang ni Caleb sa harap ko sabay pakita nang dala-dala niyang isang galong  ice-cream, masiyado akong nadala sa sinabi ni Mama para bigyan siya nang pansin.





Umirap lamang ako at pinagmasdan ang aking Ina na madali nang matapos sa ginagawa niya.




Hindi naman ako ibong maya pero nagawa kong makarelate sa sinabi niya. Ito ata ang dulot nang pagiging broken. Titus kasi! Kasalanan mo 'to huhuhu. Malagasan ka sana nang isang buhok!




   Katatapos ko palang maligo, hirap na hirap na akong magmulat ng mata sa sobrang pamamaga. Inis akong naupo sa kama matapos na hindi makita ang paborito kong damit. Matamlay nanaman akong naghanap ng iba.





"Sheena! May sasabihin daw sayo si Mang Kanor!", nahinto ako sa pagsuklay ng buhok dahil sa sigaw naiyon ni Mama. Ano namang sasabihin sa'kin ni Mang Kanor. Namilog ang mata ko at wala sa sariling inuntog ang ulo sa pader.





Huhuhu ang bait bait ni Mang Kanor, ba't ko naman inisip na baka magtatapat siya nang pag-ibig sa'kin. Pati ba naman si Mang Kanor Sheena.






Huminga ako nang malalim at nagmadaling bumaba, naexcite ako dahil sa namumuong ideya sa isip ko. Tumikhim muna bago nilakad ang distansiya nang hagdanan sa pinto.




Nilapitan ko ang magiliw na ngiti ni Mang Kanor. May edad na ito ngunit hindi parin maitatago ang katikasan nang katawan.





Ngumiti ako sa kaniya na alam kong hindi umabot sa aking mata. "May sasabihin daw kayo Mang Kanor. Hapon na po ah." saad ko rito habang naglalakad upang mas lalong makalapit pa sa kaniya. Nag-aagaw na ang kahel sa langit senyas na malapit nang gumabi.





"Pinauuwi hoh na kayo ni Sir Titus." nagpilantig ang taenga ko sa narinig, kumukurap kurap nang ilang beses ang mata habang lumulunok ng laway sa natutuyo kong lalamunan.




Natuliro ako. Ilang beses na bumuka ang bibig ko, masaya sa narinig ngunit natatakot na baka bawiin nito ang sinabi.



"Naku Ma'am, magagalit hoh si Sir kung magtatagal pa tayo rito", sinabayan ito nang tawa nang matanda. Walang paramdam si Titus sa dalawang araw na iyon, gusto kong magtaka pero ang isip ko ay abala pa sa pagbubunyi.





Hindi na ako nagsalita pa, lumulan agad ako sa loob nang kotse sa likuran at natutulalang tinignan ang harapang daanan. Huli na nang mapagtanto kong hindi pala ako nakapag-paalam kay Mama.





Marahan kong sinabunutan ang sarili dahil hindi ko dala ang cellphone ko. Sa sobrang kaba at pagkamiss ko sa kaniya ay mga bagay na akong nakalimutang gawin! Ngumuso ako, baka kasi mainip siya, mas lalo niya akong hindi pansinin.





Iniisip ko palang na magkikita na kaming dalawa. Nawawala na lahat nang hinanakit ko sa kaniya. Karupukan ba tawag dito? Hindi ko alam. Miss na miss ko na siya, magagawa ko pa bang isipin  'yon?




Tumingin ako sa gilid nang bintana, may liwanag pa naman, parang sumasabay sa paglakbay ang mga punong nakikita ko. Tumingin-tingin ako sa paligid. Bakit parang may mali.




Sinubukan ko ulit na pag-aralan ang paligid kasi baka nagkakamali lang ako. "Mang Kanor, hindi naman 'to ang daan pauwi nang bahay." saway ko sa Driver. Napatingin ako sa kaniya ng hindi ito umimik.





"M-mang Kanor h-hindi talaga ito", nagsisimula na akong lukuban nang takot. Nahigit ko ang hininga at napahawak sa'king dibdib nang magtama ang paningin namin sa salaming nasa taas nito.





Nakakapangliit ang uri nang kaniyang titig, ngayon ko palang iyon nakita. Tumaas lahat nang balahibo ko sa katawan matapos niyang ngumise sa'kin.





Ngise na hindi hindi magugustuhan nino man. Humigpit ang hawak ko sa laylayan nang aking damit nang pasadahan niya nang titig ang buo kong katawan. Nakakilabot ang uri nang tawa na nagmula sa kaniyang bibig, natutuwa sa nakikita niyang takot sa aking mukha.






"Malapit na tayo Ma'am. Easy ka lang diyan, alam kong magugustuhan mo rin ang mangyayari", malutong pa itong humalakhak na ikinahikbi ko. Nangilid ang luha sa'king mata, para akong nanghina , nanginig ang tuhod at kamay ko.





Pikit mata 'kong kinagat ang sariling labi, umaasa na sana hindi mangyari ang iniisip ko. Hindi man ako kumikibot , sa loob ko, sinisigaw kona ang pangalan niya.




T-titus........













RAPE  (Completed) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu