Heartbeat 7: Friends or Enemies? (PART 1)

25.3K 951 45
                                    

Kevin's POV

"Young!!" tinatamad pa akong umalis sa kama pero may gagong kumakatok at sumisigaw sa labas ng pinto ko.. Nandito na kami sa condo unit na kinuha namin..Lumabas ako ng kwarto ko at binuksan ang front door bumungad sakin ang bihis na bihis na si Howard.. 

"Wengya bata di ka pa rin bihis?" tiningnan ko ang sarili ko, nakaboxer short lang ako.. 

"Mukha ba akong nakabihis na sa paningin mo?" 

"Bihis ka na ba ng lagay na yan? Eh ano pang hinihintay mo? Tara na!" napaface palm na lang ako.. 

"Mauna na kayo.." sabi ko na lang at akmang isasara na ang pinto..

"Sa unit ni Dela Cruz ang breakfast meeting.." sabi nya, tumango na lang ako at sinara na ng tuluyan ang pintuan.. Agad akong nagshower para mawala ang katamaran na bumabalot sa buong sistema ko.. 

Di ko napigilan na di isipin ang babaeng yun, kahit pa alam kong kinamumuhian na nya ako ngayon.. di pa rin mawala sa isip ko ang sakit na nakita ko sa mga mata nya.. may bahagi sa pagkatao ko na sumisigaw na di ko dapat sya ininsulto.. 

Mabilis ko ng tinapos ang pagligo dahil baka sugurin na ako ng jaguars.. Pagkatapos ko magbihis at makontento sa suot ko ay lumabas na ako ng unit ko at tumuloy sa unit ni Dela Cruz.. 

"Good morning Kevin.." tumango lang ako kay Greshel.. Medyo mabigat ang pakiramdam ko, di yata nagtagumpay ang tubig sa pag alis ng katamaran na nararamdaman ko ngayong umaga..

"Yo! Young.." naupo ako sa couch sa tabi ni Burns.. Mukhang di lang ako ang tinatamad ngayong araw, halatang inaantok pa din ang ibang jaguars, yung iba naman wala pa dito.. 

"Di pa ba tayo kakain?" reklamo ni Howard.. 

"Manahimik ka Howard baka palayasin tayo ni Dela Cruz dito, kanina pa nagluluto si Greshel at nag aalala na ang kaibigan natin dahil baka daw mapagod ang babe nya.." bulong ni Fisher pero pakinig din naman namin.. 

"May kumikilos ba na di napapagod?" tanong ni Howard.. Walang nagsalita samin.. Hayaan nyong isipin nya ang sagot sa sarili nyang tanong para naman mapractice nya ang ulo nya.. Ulo na lang ha, di pa kasi confirmed kung may utak nga talaga ang taong yan... 

Bumukas ang front door ng unit ni Dela Cruz at sabay na pumasok si Turner at Spencer.. 

"Morning.." -Turner

"Alam namin na morning di mo na kailangan sabihin.." sagot ni Miller.. 

"Gago.." 

Tumayo si Howard at bigla na lang binatukan si Spencer.. 

"Aray ko, hayop ka bakit bigla ka na lang nambabatok?" 

"Wengya ka, para yan dun sa sinabi mo na brainless ako.." himutok ni Howard..

"Ha? Taena nung isang buwan ko pa sinabi sayo yun ah.."-Spencer

"Oo nga, pero kanina ko lang nagets.." sagot ni Howard.. Di ko napigilan ang sarili ko, hinubad ko yung sapatos ko at binato kay Howard.. Si Gray naman akmang ibabato yung lamp na nasa tabi nya pinigilan lang ni Montereal..

"Pffft hahahaha buti nagets mo pa yun Howard.." pang aasar ng ibang jaguars.. 

Langya kabobohan overload.. 

Mga ilang minuto pa ay nagtawag na si Dela Cruz.. Nagtayuan kami at pumunta sa kusina.. Pero agad din kaming bumalik sa living room ng marealize namin na di pala kami kasya sa kusina ni Dela Cruz..

"Mukhang di magandang ideya ang makikain dito tuwing umaga.." komento ko.. 

"Palagay ko din, dahil walang space para sa atin.." sabi naman ni Montereal.. 

Beats of HeartWhere stories live. Discover now