Heartbeat 29: Positive

19.2K 573 93
                                    

Kevin's POV 

Halos hindi ko na mabilang ang mga murang lumalabas sa bibig ko tang*na. Kung bakit ba naman kasi si Howard pa ang inutusan ko na sumundo kay Freya. 

Bumusina ako ng malakas sa sobrang pagka-asar, papunta ako ngayon kung nasaan ang gagong si Howard at ang mahal ko.

Pagkarating na pagkarating ko, agad kong inakbayan si Howard na abala sa pag inom ng palamig. 

"Humanda ka sa'kin hayop ka," bulong ko. Saka sya nilampasan at nilapitan si Freya. 

"Pakainin mo kasi ng maayos yang babae mo!" narinig ko pang sigaw ng gago. 

"Aishi.." parang nagulat pa sya nang makita ako. "Anong ginagawa mo dito? Di ba may meeting ka?"

"I'm just checking you out" pagdadahilan ko, tiningnan ko kung ano ang tinitingnan nya kanina simula nang dumating ako, kwek kwek, parang gusto kong batuhin ng kwek kwek si Howard sa mga oras na ito. 

"Aishi gusto ko talaga nyan," tiningnan ko ang mahal ko, tapos binalik ko ang tingin sa mga kwek kwek, nang dahil dito nabulilyaso ang proposal ko sa kanya.

"Halika na baka sumakit ang tiyan mo, hindi tayo sigurado kung malinis ba yan," hinawakan ko sya sa kamay at marahang hinila papunta sa kotse. 

Tiningnan ko nang masama si Howard nang madaanan namin sya. Ngumisi lang ang gago.. 

Pinagbukas ko ng pinto ng sasakyan si Freya, tahimik lang syang sumakay. 

Hanggang sa byahe tahimik lang sya. 

Plano ko sanang dalhin sya sa isang magandang restaurant ngayon. Doon ko na lang siguro itutuloy ang plano kahit malayo ito sa unang napag-usapan. 

"Gusto ko nang umuwi," napakunot ang noo ko. 

"No Aishi, we're going somewhere, a place we can eat something better" sagot ko. 

"Busog na ako, gusto ko nang umuwi," pagmamatigas nya.

"Freya what's wrong?" 

"Walang mali sakin! Mali na ba ngayon ang umuwi ha?!" sigaw nya na para bang gustong gusto nyang umiyak, bigla akong naalarma, sa halip na tumuloy sa isang restaurant, umuwi na lang kami. Pagkahintong pagkahinto pa lang ng sasakyan sa basement, agad nang bumaba si Freya na ikinagulat ko ng sobra dahil padabog nyang isinara ang pinto. 

May nagawa o nasabi ba akong mali? 

Nakita kong dumeretso na sya sa elevator at hindi ko na inabutan yun, kaya hinintay ko na lang ulit. May problema ba ang mahal ko? 

Pagdating ko sa condo, nakalock ang kwarto namin. 

"Freya? Aishi let's talk! May problema ba?" patuloy lang ako sa pagkatok pero walang sumasagot. 

"Freya!" naalarma na ako ng sobra. 

"Bubuksan mo ba 'to o wawasakin ko na lang?" pagbabanta ko. Nakahinga ako ng maluwag nang buksan nya ang pinto. 

Bigla akong kinabahan dahil ang sama ng tingin nya sa'kin. 

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko. 

"Problema na ba ngayon ang pagkain ng kwek kwek?" 

Oh c'mon this is just about the kwek kwek. 

"Wala naman kaya lang kasi baka sumakit ang tiyan mo dun," paliwanag ko. 

"Bakit pa ibebenta yun kung makakasakit lang pala sa tiyan ng tao?" 

Ano ba? Ito ba ang unang away namin? 

Beats of HeartWhere stories live. Discover now