Heartbeat 46: Love is Forgiveness

8K 259 13
                                    

Hannah's POV

"Miss Adaipmil!" Agad kaming sinalubong ng mga doktor nang makarating kami dito sa Adaipmil Hospital.

"Please! Do your best to save him." Umiiyak na pakiusap ko sa mga doktor. Mabilis na dinala sa emergency room si Ken. Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng buong katawan ko dahil sa sobrang takot.

Napapitlag ako nang maramdam ang pag-vibrate ng cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko. Wala akong pakialam kahit puro dugo ang damit at mga kamay ko.

Sinagot ko ang tawag at hindi ko napigilan ang hindi mapahikbi.

"Fvck! Wife, are you alright? What happened?"

Hindi ko magawang magsalita dahil sa sobrang pag-iyak. Madaming beses akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili.

"S-Shield...." ramdam ko ang panginginig ng boses ko.

"Damn! Hannah your killing me."  Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala nya.

"S-Shield si Ken..." napahagulhol na naman ako ng iyak.

"What happened to him? Please wife, calm down. You're scaring me."

Hindi na ako nakasagot dahil may biglang yumakap sa akin.

"Wright, this is Drake Adaipmil, I'll report everything to you later. For now papakalmahin ko muna itong pinsan ko. Nahihirapan na sya sa paghinga dahil sa sobrang pag-iyak." Halos hindi ko namalayan na naagaw na pala nya sa'kin ang cellphone. Hindi ko narinig ang isinagot ni Shield.

Muli akong huminga ng malalim. Inalalayan ako ni Drake na makaupo. Hindi ko alam pero iba ang epekto sa'kin ng nangyari kay Ken.

"Tinawagan ako ni Tina at pinapunta dito." Ani ni Drake. Tumango naman ako dahil nanlalambot ang buong sistema ko.

Napatingin ako sa bottled water na nasa harapan ko, tumingala ako para alamin kung sino ang may hawak no'n. Ngumiti ako ng bahagya kay Rea. Halos nalimutan ko na kasama ko nga pala sya.

Naupo din sya sa tabi.

"Katulad mo takot na takot din ako kanina. Pero hindi ito ang oras para panghinaan tayo ng loob." Maikling paliwanag nya. Tumango naman ako.

Muli kaming napatayo dahil biglang nagkagulo ang mga nurse at doktor sa emergency room. Mabilis kaming lumapit sa kanila, nahigit ko ang hininga ko nang makitang ginagamitan na nila si Ken ng defibrillators. God! Please, no!

Pakiramdam ko unti-unting nanghihina ang pandinig ko dahil sa nakikita kong pag-aagaw buhay ni Ken.

Lord, please! Hindi pa nya nakikilala at nayayakap ang tunay nyang ina. Please save him.

Wala akong ibang kayang gawin sa mga oras na ito kundi ang magdasal.

-----------------
Kevin's POV

DAMN! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa mga anak ko.

Niyakap ko ng mahigpit si Freya dahil kanina pa syang umiiyak, simula nang ibalita sa amin ni Captain na nasa ospital si Ken.

Ayon sa kanya nasagasaan daw ng taxi ang anak ko. Fvck! Wala bang katapusan ang pagsubok sa buhay ko at sa buhay ng pamilya ko?

Sakay kami ng private jet ng mga Adaipmil, pabalik sa Pilipinas. Wala akong ibang hiling sa mga oras na ito kundi ang kaligtasan ng anak ko.

"K-Kevin...." tiningnan ko si Freya. Shit! Pakiramdam ko doble doble ang sakit sa dibdib ko lalo na dahil nakikita kong umiiyak at nasasaktan ang asawa ko. Marahan kong inangat ang mukha nya at masuyong pinunasan ang mga luha nya.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now