Heartbeat 36: Six Years Later

10.1K 330 120
                                    

Kevin's POV

"What is my schedule for this day?" I seriously asked my secretary through phone call. I'm in the middle of preparing breakfast for my---------

"I'm ready!" Napalingon ako sa anak ko.

"Good. How about your brother?"

"I'm done." Tiningnan ko si Ken dahil seryoso na naman sya.

"You okay?" I asked. At tinulungan silang makaupo ng maayos sa hapagkainan.

"Ah okay naman po ako sir at about po sa schedule nyo----"

"I'll call you again Rose" I said at ibinaba na ang tawag.

Nilagyan ko ng pagkain ang pinggan ng mga anak ko.

"Who will be the one to fetch us this time?" Tiningnan ko si Ken, he didn't even bother to look at me. Nakatingin lang sya sa pagkain nya. 

"I will." I answered at ipinagtimpla sila ng gatas.

"Talaga daddy?" Masayang tanong ni Fren. Ibinaba ko ang baso na may lamang gatas sa harap nila.

"Yes. But I can't promise that I'll be there on time." Tinapunan ako ni Ken ng tingin. Nauunawaan ko naman ang mga anak ko. Alam kong nagtatampo sila. Ilang beses na kasi akong pumalya sa oras ng pagsundo ko sa kanila sa school dahil na rin sa dami ng trabaho. Bukod sa business na ipinamana sa'kin ni dad ay ako na din ang namamahala sa Jaguars' Corporation.

Its been 6 years. At anim na taon ko ng pinipilit ang sarili kong mabuhay. Anim na taon ko na ding inuubos ang oras ko sa trabaho at sa pag-aalaga sa mga anak ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Ken sa kamay ko.

"Eat up dad. You have a long day to fight again." Nginitian ko sya. Di ko alam kung kanino ba nagmana itong panganay ko.

Ginulo ko ang buhok nya at sinabayan silang kumain.

Inayos ko na din ang baon nilang pagkain.

"Go brush your teeth. We will leave in five minutes." masigla silang tumayo. Pumunta naman ako sa kwarto para ayusin ang sarili.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

You're doing a great job self.

Inayos ko ang suot kong long sleeve. Since my wife left me, I didn't bother to wear necktie anymore.

"Dad let's go!" Malakas na sigaw ng anak ko sa labas ng kwarto

"Yeah! I'm coming!" Sagot ko at dinampot ang susi ng kotse.

"Daddy you know what. We have a new classmate." Fren informed me. Nasa kahabaan na kami ng kalsada.

"Yeah? So what's his name?" I asked.

"I don't remember but I think he's nice."

Mabilis kaming nakarating sa school. Masayang bumaba ang mga anak ko ng sasakyan.  Hindi ko na pinansin ang pagpapa-cute ng mga kababaehan na naghahatid din sa mga anak nila.

Hinatid ko si Fren at Ken sa classroom nila.

"Good morning po Teacher Venus." Bati ko sa guro ng mga anak ko.

"Good morning din po Mr. Young."

"Kayo na po muna ang bahala sa mga anak ko." Bilin ko at sinipat ang wrist watch ko. I have an early meeting.

"Makakaasa po kayo." Nginitian ko sya at muling binalingan si Ken at Fren. Ginulo ko ang buhok nila at saka nagpaalam.

Nakarating ako ng Jaguars' Corporation on time.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now