Heartbeat 22: Her messed..

19K 649 24
                                    

Freya's POV
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mataas na building na pag aari ni dad. Nandito ako para i-take over muna pansamantala ang company.

Pinikit ko ang mga mata ko, at pinakawalan ang isang malalim na pag hinga. Sinugod si daddy sa ospital, dalawang oras matapos ang pag uusap namin. Dalawang linggo na ang nakakaraan.

Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko.

Sinuntok suntok ko ng mahina ang kaliwang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"Maging manhid ka na lang please, para di ako nasasaktan ng ganito," bulong ko.

Bumilang muna ako ng tatlo sa isip ko bago ko tuluyang hinakbang ang mga paa ko papasok sa loob.

"Good morning Miss Acueza," bati ni manong guard pero nanatili lang akong seryoso at walang emosyon. Hanggang sa makarating ako sa loob ng opisina ni daddy. Sinalubong ako ng sekretarya ni dad. She smiled. Tiningnan ko lang sya, at ng mapansin nyang wala akong balak ngitian sya pabalik ay nawala ang mga ngiti nya.

Pasensya na, pero ito na yung akala nyo na ako eh. Masungit at walang balak makipag kaibigan.

Anong ibig kong sabihin?

Si attorney ang nagpakilala sakin dito sa kumpanya, at nitong nakaraang araw ko lang nalaman na, hindi pala nila kilala si Frella, gayong lagi naman itong pumupunta dito noon, kinuwento sakin ni attorney ang ginawang pagpapakilala ni Frella bilang ako.

Ginamit nya ang pangalan ko sa di malamang dahilan, itinago nya ang katauhan nya sa likod ng pangalan ko. At ang alam ng mga tao dito sa buong kumpanya, nag iisang anak lamang si Frella na ang pakilala sa sarili ay Freya.

Ibig sabihin, nag eexist ang pangalan ko dito sa kumpanya pero hindi bilang ako kundi bilang si Frella, at nag eexist si Frella bilang ako, at hindi bilang sya.

"Miss Acueza, I am Minerva, your dad's secretary," narinig kong sabi nya matapos kong umupo sa swivel chair.

"I know," I seriously said.

Natahimik sya, tiningnan ko sya.

"What's my schedule for this day?" tanong ko at hinarap ang mga papeles na nasa table.

Natatarantang tiningnan nya ang notes nya. Iba nga siguro ang pinakita ni Frella noon sa mga empleyado dito, dahil pagpasok ko pa lang ng building iba na agad ang tingin na binigay nila sakin.

"Y-you have a meeting with the stock holders exactly at 10 am and a lunch meeting with Mr. Kiel Adaipmil at 12:30 pm," she informs.

I nodded.

"Tawagin nyo lang po ako ma'am kung may kailangan pa po kayo," tumango na lang ulit ako saka isa isang pinag aralan ang mga papeles na nasa harapan ko.

Narinig ko naman ang pagbukas at pagsara ng pinto, hudyat na lumabas na si Minerva.

I sighed.

I'm sorry Minerva. Bigyan nyo lang ako ng konting panahon maipapakilala ko din sa inyo ang totoong Freya, yung Freya na hindi katatakutan ng lahat.

Sinimulan kong pag aralan ang mga nakasulat sa papeles,pero di ko maiwasan isipin ang mga katanungan sa isipan ko na hanggang ngayon di ko pa din nabibigyang kasagutan tulad ng bakit nga ba kailangan na ako ang maglinis ng kalat na ginawa ng kapatid ko?

Bakit kailangang madamay ang taong mahal ko? Bakit kailangang ako ang umayos sa nasirang patas ng buhay ng pamilya ko? Bakit?

Punong puno ng bakit ang utak at puso ko sa mga oras na ito.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now