Heartbeat 47: Happiness is a Choice

9.9K 266 22
                                    

2 YEARS LATER...

Rosmar's POV

"COME ON dude! Why did you do that?" Tiningnan ko ng masama si Ken na ngayon ay nakangisi ng malapad.

"You're too slow for that." nanliit ang mata ko sa sinabi 'nya. Mabilis akong kumilos para tirisin sya pero mabilis din syang nakatakbo. 

"Who the hell told you to kiss my girlfriend?!" sigaw ko habang hinahabol sya. "Kapag nahuli talaga kitang kutong lupa ka, ihahagis kita sa tubig wengya ka!" 

"Hoy Freeman! Tama na na 'yan! Kakain na!" narinig kong sigaw ni Howard sa di kalayuan. Nandito kami sa Jaguars' Island. Hindi kayo maniniwala pero ikakasal ulit sina Freya at Kevin dito mismo, the day after tomorrow. 

"Teka lang titirisin ko lang 'tong kutong lupang 'to!" Sigaw ko pabalik. Nang maabutan ko si Ken ay kiniliti ko sya ng kiniliti.

"Hahahahaha tama na! Hahaha stop Tito Rosmar!" Tinigilan ko naman sya nang mapansing napapaos na sya sa sobrang pagtawa. Nakangiting sinakay ko sya sa balikat ko at lumapit na sa Jaguars.

Nandito kami sa dalampasigan sa ilalim ng puno kung saan may malaking cottage at ilang cottage house na ipinagawa namin last year. Ang glass house ng Jaguars ay nasa may mataas na bahagi nitong isla.

Ibinaba ko si Ken nang tuluyan kaming nakalapit sa lahat. Niyakap ko naman si Jenny mula sa likuran at mabilis na hinalikan sa pisngi.

"I'm addicted to your smell." Bulong ko sa kanya at ibinaon ang mukha sa leeg nya. Naramdam ko naman ang pagkurot nya sa tagiliran ko kaya mabilis akong lumayo habang tumatawa. Inabutan nya ako ng pinggan na may lamang pagkain.

"Ang landi talaga ni Freeman, kalalaking tao ang harot." Tiningnan ko ng masama si Howard na sinusubuan ngayon ni Jane.

"Kesa naman sa'yo masyadong pabebe. Ang laki laki na nagpapasubo pa." Komento ko. Hinila ako ni Jenny.

"Tumigil nga kayong dalawa." Saway nya. Ngumuso lang ako.

"Si Howard naman nagsimula..." sumbong ko pero isang matalim na tingin lang ang binigay nya sa'kin. Tiningnan ko naman si Howard na nakatikim ng sapak kay Jane. I smiled.

Masaya ako dahil pagkatapos ng unos na naranasan ni Young, heto at hawak na nya ang kaligayan nya. Maraming nangyari, but still he choice to be happy with Freya ang with his kids.

Tiningnan ko naman ang kambal, ang laki na nila. Walong taon na sila sa isang araw. Kasabay ng birthday nilang dalawa ang muling kasal ng magulang nila. Kevin and Freya decided to renew their vows.

Pinagmasdan ko ang mag-anak ni Young. Masaya silang kumakain kasabay sina Captain at sina Montereal at ang iba pang jaguars.

------------------
Kevin's POV

"KAIN ka pa." Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko. Kitang kita ko sa mga mata n'ya ang kakaibang saya. How I miss those eyes with full of happiness.

"Dad! Natutulala ka na naman kay mommy!" Natauhan ako sa sinabi ni Fren. Nakangiting ginulo ko ang buhok nya.

Muli kong binalik ang tingin sa asawa ko at hindi nakalampas sa paningin ko ang pamumula ng mukha nya. Fvck! Why I find it cute and sexy?

Pinisil ko ang kamay nya kaya nagtagpo ang paningin namin.

"I love you." I mouthed. She smiled at naramdaman ko din ang pagpisil nya sa kamay ko. I smiled.

"Himala, wala yatang bumabara sa kalandian ni Bata ngayon!" Tiningnan ko ng masama si Gibson.

"Di ka pa nasanay Gibson. Matagal ng malandi ang taong 'yan at isa pa, kapag usapang landian pwedeng pwede si Bata, matagal na panahon ang mawala sa kanila. Two years is not enough. They need life time." Napangisi ako sa sinabi ni Montereal. Good! Because I don't really give a damn kahit pa maging PDA na kami ng asawa ko.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now