Heartbeat 38: Her Smile

7.6K 255 15
                                    

Kevin's POV

"Come on dad!" malakas na sigaw ni Fren at tumalon talon pa sa kama. Nagtakip ako ng unan sa mukha.

"We're getting late!" mabilis nyang kinuha ang unan na nasa mukha ko at di pa sya nakuntento nang bigla nya akong sakyan sa tiyan.

"It's still early." I groaned.

"Early? Are you kidding me? We are obviously getting late because of you. Its family day. You promise to us that we are going to attend together. Remember?" I rolled my eyes and I forced myself to get up from bed.

"Yeah. I remember. Wait me outside I'll gonna fix myself." I told him and he gave me a big smile.

"Make it fast." paalala pa nya. Mukhang hindi maganda ang epekto ng Jaguars sa mga anak ko. Nagiging bossy na din sila kung minsan.

Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. I wore casual attire. Its family day sa Montereal Academy and I promised to my kids that we will attend.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa living room pero wala ang mga anak ko. Tumuloy ako sa dining area nang makarinig ako ng ilang ingay na nagmumula doon.

"Yo!" Agad na bati ni Spencer nang mapansin nya ako. Nilapitan ko sya at nakipag-fist bump.

"Kamusta?" Bati ko sa kanilang mag-asawa saka ako naupo sa tabi ni Ken na tahimik lang na kumakain.

"Ayos lang kami Bata. Napadaan lang kami dahil may inasikaso ako sa kumpanya."

"Ganun ba? Salamat sa almusal." I smiled dahil ang dami nilang dalang pagkain which is good dahil di ko na kailangan magluto ng breakfast.

"Wala 'to, namimiss ko lang kasi itong dalawang bulinggit na 'to." Ani ni Rea.

"Akala namin nasa condo ka buti na lang tumawag muna ako kay Dela Cruz at nalaman ko na nandito nga daw kayo sa bahay nyo." Kwento ni Spencer habang kumakain kami.

"Minsan lang kami tumitigil sa condo, kapag ginagabi lang ako ng uwi at hindi ko nasusundo ang mga bata."

Mga ilang minuto pa kaming nagkwentuhan bago tuluyang nagpaalam ang mag-asawa.

"Salamat ulit Tita Rea sa masarap na pancake." Nahihiyang sabi ni Ken. Ginulo ko ang buhok nya.

"Bye Tito and Tita, sa susunod po ulit mas mahabang kwentuhan na, may lakad po kasi kami ngayon." Imporma ni Fren na ikinatawa naman ng mag asawa.

"Oo nga eh, wrong timing." Natatawang sabi ni Rea.

Hindi naman nagtagal at umalis na sila. Pagkatapos ayusin ang mga sarili ay umalis na din kami ng bahay.

Pagkarating sa school ay nagsisimula na ang program. Naupo kami sa reserved seat na para sa amin. Nagsasalita ang Director ng school. Inilabas ko naman ang cellphone ko at nagtext sa secretary ko ng ilang mga bagay habang wala ako. Naramdaman ko na may tumabi sa tabi ko pero hindi ko pinansin 'yon dahil abala ako sa pagtetext.

Nag-angat lang ako ng tingin nang magpalakpakan ang mga tao. Mukhang magsisimula na ang main event. Nang lingunin ko ang kambal, napakunot ang noo ko nang mapansin ang isang batang lalaki na katabi nila. Parang pamilyar sya sa'kin.

"Mom!" malakas na sigaw nya. Biglang akong napatingin sa kaliwa ko dahil doon nakatingin ang bata.

"Hey!" nakangiting bati nya. Di ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. Pero sa huli mas pinili kong ngumiti na lang dahil baka mahalata nya ang kawirduhang nararamdaman ko.

Inabot sya sa anak nya ang tubig. Nanuot sa ilong ko ang amoy nya.

Damn!

"Kamusta?" maya-maya ay tanong nya. Muli kong binalik ang atensyon sa cellphone ko.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now