Heartbeat 32: When God Made You

8.1K 290 41
                                    

Freya's POV

"Sigurado ka ba na ok lang na iniwan natin ang Jaguars sa bahay?" Tanong ko kay Kevin. Nagdadrive sya ngayon, papunta kami sa Obgyne ko para magpacheck up.

Ito pa lang ang padalawang beses na magpapacheck up ako sa loob ng ilang buwan. Ewan ko ba pero tamad na tamad akong lumabas ng bahay.

"Ok lang. I talked to Montereal. Ibinilin ko sa kanya ang Jaguars. Baka kasi wala na tayong balikan na bahay kapag tinopak ang mga 'yon" I smiled.

Mabilis naman kaming nakarating sa clinic ni Dr. Magno.

"Iniinom mo ba 'yong mga nireseta kong vitamins?" tanong ni Doctora. Tumango naman ako at ngumiti. Pinahiga nya ako para ma-ultrasound.

"Wow! Hindi ko agad ito nakita noong unang check up mo."

"Ang alin po doktora?" tanong ni Kevin at titig na titig sa monitor.

"Congratulations mommy and daddy, kambal po ang anak ninyo" anunsyo ng doktor, nakita ko ang unti-unting paglabas ng isa pang image sa monitor, mukhang nagtago ang baby ko sa kapatid nya.

Biglang nangilid ang luha ko sa sobrang saya.

"Nasa lahi po talaga namin ang kambal" sagot ko sa doktor.

"That answers everything" nakangiting sabi ni Doktora.

"Pwede po ba kaming makahingi ng copy nitong ultrasound?" Mababakas sa boses ni Kevin ang kasiyahan.

"Yes naman daddy" magiliw na sagot ulit ni doktora.

Matapos ang ilan pang mga bilin ng doktor ay nagpaalam na din kami. Dahil excited itong asawa ko. Mamimili na daw kami ng mga gamit ng baby namin. Hindi na ako tumanggi dahil matagal tagal din akong hindi nakakapasyal.

Mabilis kaming nakarating sa isang mall. Agad kaming tumuloy sa baby section kung saan makikita ang ibat ibang gamit at mga damit para sa baby.

I smiled nang pagmasdan ko ang asawa ko. Tuwang tuwa sya habang nagtitingin ng mga damit.

Hindi naman ako makapag-decide kung anong kulay ang pipiliin ko. Gusto ko kasi ng pink kaya lang sabi ng doktor lalaki daw ang baby ko. Parehas lalaki. For sure hindi naman papayag 'tong si Kevin na bihisan ko anak namin ng pink.

"Cool di ba?" Excited na tanong ng asawa ko. Hawak nya ngayon ang dalawang batman costumes na pantulog.

"Seryoso ka?" Nawiwirduhang tanong ko.

"Panget ba?" Nakangiwing tanong nya, tumango ako bilang sagot at nilampasan na sya. Sinimulan kong maghanap ng sa palagay ko ay babagay sa baby namin.

Chinicheck ko muna ang bawat damit at gamit na mahawakan ko. Kapag sa palagay ko na maganda ang quality kinukuha ko pero kapag hindi ibinabalik ko sa pinagkunan ko.

Hindi ko masyadong napansin ang oras dahil nag eenjoy ako sa pamimili. At laking gulat ko nang lumingon ako para tingnan ang asawa ko.

Ang lawak ng mga ngiti nya habang nakatitig sa'kin. Napabaling ang tingin ko sa mga saleslady na nasa likod nya lahat sila ay may hawak na cart at lahat ng 'yon ay punong puno. Kunot noong nilapitan ko sila at halos lahat ng nandoon sa cart ay ang mga items na nahawakan ko.

Tiningnan ko ang asawa ko ng masama.

"What?" Nakangiting tanong nya.

"What do you think you're doing Mr. Young?" I asked.

"Helping you?" di siguradong sagot nya.

"Ibalik mo lahat yan" sabi ko at itinuro ang mga cart na may lamang items "We are not going to buy those" tinalikuran ko na sya at itinuloy ang pagpili ng mga gamit.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now