Heartbeat 16: Love Behind Secrets

23.9K 723 27
                                    

Kevin's POV

Nakarating kami ng school at kapansin pansin ang pananahimik ni Freya..

"Ok ka lang?" I asked at hinawakan ang noo nya.. Tiningnan nya ako deretso sa mata. Di ko mabasa kung anong iniisip nya, parang may gusto syang sabihin base sa mga tingin nya.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Tara sa clini--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"Pwede bang ito na ang una at huli mong pagsundo sakin sa bahay?"

I frowned.

"Why?" I asked and suddenly feel the nervousness. Is she rejecting me?

"I can't explain, just please" iniwas nya ang tingin sakin. "don't fetch me again.."

Gusto kong magalit, but seeing how sad she is.. Di ko napigilan na yakapin na lang sya..

Bigla akong nagkaron ng mga tanong na gustong kong itanong, ang dami kong gustong sabihin pero di ko masabi. Damn!

I know she's holding back. Kailangan ko na lang magtiwala sa kanya.

Tulad ko, alam kong may mga bagay din sya na ayaw pag usapan. But until when?

Until when we will hide our secrets? Di ba mas makabubuti kung pag uusapan namin ang lahat?

I think, I should wait the time that we will share our secrets to each other.

"Ok, I won't ask anything about that and I will not fetch you again, pero pwede bang sabihin mo sakin na pwede pa din kitang ligawan?" I tell her. Bigla kasing bumaba yung confidence ko langya, I'm seeking for assurance right now.

Lumayo sya sakin ng bahagya, and gave me a weak smile.

Damn! Parang di ko yata kayang makita sya na ganito? Nahihirapan at pinipigilan ang sariling kaligayahan.

"Oo naman.." she answered.

"I'm not convinced," I said.

"Oo, pwede ka pa din pong manligaw, baka kasi makaiyak ka pa dyan, kasalanan ko pa.." she tries to kid around.

"Sure? Or you want me to stop--"

"No!" mabilis nyang sagot.

I smiled.

"Kala mo naman isusuko kita agad?" sabi ko at nag umpisa ng maglakad.

Sa ngayon, pagbibigyan ko muna ang kahilingan nya, but after then I'll start to find answers in every questions she puts in my mind.

***

Pagpasok namin sa room nandito na ang jaguars,

"Yo! Young, Freya!" bati ni Burns.

"Morning" I greet.

"Aga mong umalis ng condo wengya di tuloy ako nakasabay," reklamo agad ni Burns ng makaupo kami.

"Ipakilo mo na kasi yung bulok mong kotse," biro ko at pasimpleng tiningnan ang babaeng nasa tabi ko ngayon. Tahimik pa din sya.

Ano bang pwedeng gawin para mapangiti ko sya at maipaalam sa kanya na kaya kong maghintay hanggang sa kaya na nyang sabihin sakin ang lahat.

"Naisip ko na nga din ipagbili na lang tapos sayo na lang ako lagi sasabay.." narinig kong sabi ni Burns.

"Kapal din ng mukha mo eh 'no?" nilingon ko si sunog.

Napakunot ang noo ko ng mapansin na nakatingin sakin ang lahat ng jaguars..

Nginuso nila sakin si Freya. Halatang nagtatanong kung bakit tahimik ito.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now