Heartbeat 1: Its You

66.3K 1.2K 62
                                    

Kevin's POV

First day of school and this time 4th year na kami, medyo di pa kami maka get over sa bakasyon grande namin sa jaguars Island. Wengya, di ba pwedeng extended ang bakasyon? Ang aga naman kasi ng pasukan. Di man lang ginawang isang taon para sagad na sagad, halos dalawang buwan lang ang naging bakasyon namin,dahil yung naunang isang buwan yun yung time na bumalik na kaming lahat sa school matapos ang lahat ng insidenteng nangyari sa buhay nina captain.

And speaking of captain, nakaalis na nga pala sya, 3 months ago pa..

"Yo!"- Dela Cruz, kapapasok lang nya sa room, at tulad ng dati, magkakaklase na naman kami sa first subject.. Nakakapanibago dahil wala ang presensya ni captain..

"Ohayo!"- sunod na pumasok si Burns..

"Aba, himala, ang aga nating lahat ah.." pansin ni Ms.Manager, tiningnan ko naman ang lahat. I smiled kumpleto ang tropa.

"Good morning.."-nakangiting bati ni Hannah..

"Good morning.." bati din namin..

*yawn* langya inaantok pa ako..

Tok tok!

Napatingin kaming lahat pati na din ang mga kaklase namin sa may pinto..

"Excuse me, nandito po ba si Miss Adaipmil.." tanong nung lalaki, may dala syang bouquet of tulips..

"That's me, why?" tumayo si Hannah.. Nagtinginan kaming jaguars sa isat isa..

"Langya, walang palya si captain, tatlong buwan na yan.." komento ni Dela Cruz..

"Flowers po ma'am..." pumasok na sa loob yung delivery boy at inabot kay Hannah yung bulaklak.. Tama kayo, araw araw may dumarating na bulaklak para sa kanya..

"Wala bang pizza na kasama?"-Howard..

"Wala po sir" sagot nung delivery boy..

Lahat ng kaklase namin, sa pwesto namin nakatingin..

Pagkatapos magpaalam nung delivery boy, saktong pasok ni prof..

"Everybody settle down.."-prof. said. Agad na umayos ng upo ang lahat..

"Before we proceed, I wan yout to meet your new classmate.." nag umpisang magbulungan ang mga tao dito sa room..

Classmate? Eh ito na ang last term ah, how come, tumanggap pa sila ng transferee?

"Miss Acueza, please come in.." napatingin kaming lahat sa pintuan, at mula dun pumasok ang isang pamilyar na babae..

Napakunot ang noo ko..

"Ayos, chickas.." narinig kong sabi ni Howard,

Pilit kong inaalala kung saan ko sya nakita..

"Please introduce yourself.."-prof

"Hello, I'm Freya Acueza.." nakangiting bati nya.. Pati ngiti nya pamilyar, saan ko ba sya nakita?

"Hello Freya, I'm Elvin Howard.."

"I'm Rosmar Freeman"

"I'm Alfred Gibson"

"I'm Anthony Fisher.."

Sabay sabay na nagtayuan ang mga gago..

"Ang ingay nyo.." komento ko.. "Magsiupo nga kayo.."

"Wengya, dapat sa gym na tayo nagkaklase para hindi kj itong si bata..pigilan nyo ako papatayin ko yan"-tiningnan ko ng masama si Gibson..

"Sige lang Gibson suportahan kita.."- Burns.. Kahit kelan talaga ang kaingayan ng mga gagong ito.. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin..

Naupo na ulit sila..

Beats of HeartWhere stories live. Discover now