Heartbeat 42: Love and Fear

8.4K 302 74
                                    

Honey Bella for you :) Thank you nak! Love you always :)

Enjoy Reading everyone! :)

------------

Joel's POV

KANINA ko pa napapansin ang pamumula ng mukha ni Young. Marami-rami na din syang naimom, epekto lang siguro ng alak. Pero habang tumatagal, hindi na nagiging maganda ang kulay ng labi nya. Kaya naman nilapitan ko na sya at tinapik sa balikat pero laking gulat ko nang lumapat ang kamay ko sa balat nya.

"F*ck Young! Ang init mo pare!"

"Okay lang ako Sunog, wag kang masyadong caring dyan baka ma-fall ako sa'yo." biro pa niya kahit pa kapansin-pansin na sa mukha nya na may iniinda syang sakit.

Napansin na din ng iba pang Jaguars ang itsura ni Bata.

"Sigurado ka bang okay ka lang Ke------"

"Damn!"

"Shit"

"Tangina Bata!"

Halos sabay sabay na mura namin nang bigla na lang syang mawalan ng malay.

"Dalhin natin sa ospital!" sigaw ko sa Jaguars. Mabilis namang kumilos ang lahat kahit pa may mga tama na din ng alak ang iba.

Isinakay ko si Young sa kotse ni Howard.

"Drive fast Howard!"

"Bakit ba kapag ganitong may emergency, ako lagi ang nagdadrive wengya." reklamo pa nya bago tuluyang pinatakbo nang mabilis ang sasakyan. Sumunod na lang din ang iba pang Jaguars.

Pagkarating sa ospital agad namang dinaluhan ng mga doktor si Young. Damn! Nagsimula na naman syang magkaganyan simula nang muling magkatagpo ang landas nila Frella.

Noong mamatay kasi si Freya, hindi na masyadong pumupunta ng bar si Bata dahil nasa isip nya ang mga anak nya na naghihintay sa kanya pagkagaling nya sa trabaho.

Teka, speaking of mga anak ni Young. Nasaan pala si Ken at Fren? Inilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan si Tito Kenver nang may mahagip ang mga mata ko.

Isang ginang na panaka-naka ang pagsilip sa isang kwarto. Nilapitan ko sya dahil hindi ako maaaring magkamali. Siya ang ina ni Young.

"Excuse me po." mukhang nagulat ko yata sya dahil muntik na syang mapatalon.

Tiningnan naman ako ni Tita.

"Kung di po ako nagkakamali, kayo po ang ina ni Kevin?"

Inagaw nya ang tingin sa'kin at muling sumilip sa may pinto ng kwarto.

"Oo ako nga. Kaibigan ka ng anak ko hindi ba?" tumango ako bilang sagot at tiningnan din ang direksyon kung saan sya nakatingin. At halos manlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Fuck!" mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto.

Si Fren, nakahiga sa hospital bed, walang malay at may mga nakakabit sa kanyang kung ano-ano.

Naramdaman kong bumukas ang pinto, nilingon ko kung sino ang pumasok. Akala ko nurse o doktor pero ang ina ni Young ang pumasok.

"A-Ano pong nangyari kay Fren?" nanginginig na tanong ko. Shit! Hindi pwedeng may mangyaring masama sa mga anak ni Young. Masyado ng maraming pinagdaanan sa buhay ang kaibigan namin.

"Wag kang mag-alala. Malayo na sya sa kapahamakan. Hinihintay ko lang dumating ang mommy nya bago ako umalis." malungkot na sabi ng ginang. Di ko napigilang hindi mapakunot ang noo dahil sa sinabi nya.

"Mawalang galang na po, pero matagal na pong patay ang ina ni Fren at Ken." sabi ko and this time sya naman ang nakakunot ang noo sa'kin.

"Ano bang pinagsasabi mo hijo? Umalis lang sandali ang asawa ng anak ko, pero babalik din daw sya."

Beats of HeartΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα