Heartbeat 26: Love in Freedom

23.8K 800 133
                                    

Freya's POV

Lumapit ako sa pinto at binuksan yun. Bumangon ang lahat ng takot sa puso ko ng mabungaran ko si Frella, pero agad din yung naglaho ng makita ko ang mga luha nya.

"Ate," biglang tumigil ang puso ko ng tawagin nya ako, kulang ang salitang gulat ng bigla nya akong yakapin.

"Ate, I'm sorry," she cried even more, at hindi ko na napigilan ang luha ko. Is this real? She called me 'ate', ang tagal kong hinintay ang araw na tawagin nya akong ate. Niyakap ko sya.

"Shhhhh tahan na," pinunasan ko ang mga luha nya. "Halika pasok ka muna," aya ko sa kanya at inalalayan syang makapasok sa loob hanggang sa makaupo. Kumuha muna ako ng tubig sa kusina at inabot sa kanya.

"Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.

Tiningnan nya ako na para bang may anghel sa harapan nya.. Di sya nagsalita at umiyak lang ulit. Muli ko syang niyakap at hinayang umiyak, hinaplos haplos ko ang likod nya.

"Bakit ganyan ka? Ang dami ko ng ginawang kasalanan sa'yo but still nagagawa mo pa din akong yakapin at patahanin.." himutok nya ng may kasamang ngiti kasabay pa din ang pagpatak ng luha nya.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Kapatid kita, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan mo papatawarin at papatawarin pa rin kita," sagot ko.

"Napakasama ko, halos kunin ko ng lahat sa'yo pati ang kaligayahan mo, patawarin mo ako ate," di pa din ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya ngayon.

"Alam kong walang kapatawaran ang mga kasalanan ko sa 'yo ate, pero humihingi pa din ako, I'm sorry sa lahat lahat ng kasakiman at kasamaan ko sa'yo, patawarin mo sana ako," hagulhol nya..

Di ko mapigilan ang pagdaloy ng sarili kong mga luha.

"Shhhhh tama na, baka mapa'no ka pa.." saway ko dahil napapansin kong nahihirapan syang makahinga.. "Napatawad na kita, dito sa puso ko kahit ano pang kasalanan mo, paulit ulit pa din kitang papatawarin,"

Nginitian ko sya.

"Pwede ba tayong magsimula ulit?" hiling ko.

Nagulat ako ng bigla nya akong hampasin ng mahina sa balikat..

"Ako dapat ang nagsasabi nyan," nakangiting sabi nya.

"Pwede ba tayong magsimula ulit ate?" tanong nya.. Kulang ang salitang saya sa nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko man alam kung anong nangyari o nangyayari sa kakambal ko pero nagpapasalamat ako ng sobra sobra.. Kung ano man ang dahilan nya sana lang totoo ang lahat ng ito.

Tiningnan ko sya sa mga mata. Mukhang nabasa nya sa mga mata ko ang mga katanungan..

Nginitian nya ako at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Alam kong gusto mong malaman kung bakit bigla na lang akong lumapit sa'yo," panimula nya.

"Hayaan mong ikwento ko sa'yo ang lahat" tumango ako bilang sagot.

"Buntis ako ate," nagulat ako sa sinabi nya. Bigla akong natakot, may nangyari ba sa kanila ni Kevin?

"Alam ko yang iniisip mo, walang nangyari sa'min ng Aishi mo," nagagawa na nyang magbiro kahit may ilang luha pa sya sa mga mata.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Sinong ama?" tanong ko. May idea na ako kung sino pero gusto kong makompirma kung tama nga ba ang hinala ko.

"Si Henry." nag hari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Naalala nyo pa ba kung sino si Henry? Siya yung kaibigan ko noong high School na naging boyfriend ni Frella.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now