Heartbeat 37: Calm down!

8.7K 314 65
                                    

Elvin's POV

"Tito Elvin!" Hindi ko pinansin kung sino man ang sumigaw ng pangalan ko. Kinindatan ko ang babaeng kanina pa napapa-cute sa'kin simula ng dumating ako dito sa Montereal Academy para sunduin ang kambal.

"Tito Elviiiiiiiin!" nilingon ko na ang kumag na si Fren na kanina pa sumisigaw sa pangalan ko.

"Ano?!" asar na tanong ko.

"Ikaw na naman? Ilang beses mo ba kami susunduin? Nasaan na naman si daddy?" reklamo nya.

"Aba parang sa pagkakatanong mong yan parang sawang sawa ka na sa gwapo kong mukha ah!" sagot ko at kinuha ang bag nilang magkapatid. Nagkakamot sa ulo na binigay ni Fren ang bag nya. Tiningnan ko naman si Ken.

"Hoy Ken, baka gusto mo namang magsalita. Napapanis din ang laway baka di mo alam." sabi ko at sabay sabay na kaming naglakad papunta sa parking area ng school.

"Ano namang sasabihin ko?" Walang ganang tanong ni Ken. Huminto ako at nilingon sya.

"Murahin mo ako kung gusto mo o kaya magtanong ka din kung nasaan ang daddy mo. Mga ganun, hindi yung tumatahimik ka dyan na parang walang dila." Pangaral ko sa kanya.

"I know dad is busy, that's why you are here. Again." Matamlay na sabi nya at sumakay na sa kotse ko. Isa pa din 'to na umay na din sa gwapo kong mukha. Sabagay mag-iisang linggo na akong binabayaran ni Young sa paghatid at sundo ko sa mga kumag na 'to.

Sumakay na din ako ng sasakyan at umalis na ng school.

"Tito Elvin meryenda muna tayo bago tayo umuwi." Masiglang suhestiyon ni Fren na ikinatuwa ko naman.

"Sige ba. Saan nyo ba gusto?"

"Sa Jollibee tayo para naman sumaya itong si Ken. Di ba bida ang saya sa Jollibee?" Pang-aasar ni Fren. Tiningnan sya ng masama ng kapatid.

"Tama tama." Pagsang-ayon ko naman. Agad kaming tumuloy sa Jollibee. Tuwang tuwa si Fren habang pumapasok kami sa loob samantalang walang ganang sumusunod lang si Ken sa amin.

"Bigyan mo kami ng lahat ng klase ng pagkain nyo na nandito." Sabi ko sa babae na nakangiti sa'kin. Pagkatapos kong magbayad naupo na din ako kung nasaan ang kambal. Hindi naman nagtagal at dumating na din ang order namin.

"Wow! Ikaw talaga Tito Elvin ang pinakagusto kong kasama pagdating sa kainan!" Bulalas ni Fren habang nilalagay ng mga crew ang pagkain namin na hindi na magkasya sa lamesa kaya kinailangan pa ng iba pang lamesa.

"Syempre! Masarap kumain e." Sagot ko pero napakunot ako nang makita ko ang cokefloat na inorder ko. Tumayo ako at lumapit sa counter.

"Miss pakilagyan ng pulot itong cokefloat ko." Napakunot ang babae sa sinabi ko.

"Sir?" Tanong nya na para bang wala syang narinig.

"Ang sabi ko pakilagyan ng pulot itong cokefloat ko."

"Pulot? Ano pong pulot sir?" Nagtatakang tanong nya. Ano ba naman, pulot lang di pa nya alam?

"Miss yung honey bee. Pulot sa tagalog." naiinis na sagot ko.

"S-sir wala po kaming pulot."

"Anong wala? Naglolokohan ba tayo dito?"

"Sir wala po talaga e." Napapakamot na sagot nila sakin.

"Paanong wala? Ang laki laki ng bubuyog nyo dito tapos wala kayong pulot?" Asar na sabi ko sabay turo kay Jollibee. "Ano? Wala ba talaga?"

"Pasensya na kayo gutom lang 'tong tito ko." Hinila na ako ni Ken pabalik sa table namin.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now