Heartbeat 21: The Decision

18.2K 665 109
                                    

Kevin's POV

Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas sya mula sa loob ng banyo.

"Damn!" agad kong nilapitan si Freya. "You okay?" Kanina pa akong nakatayo dito sa labas, gusto ko na ngang pasukin ang loob ng c.r kanina pinigilan ko lang ang sarili ko. Kala ko kung ano ng nangyari sa kanya.

Di ko napigilan na yakapin sya.  Ngayon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Aishi ilayo mo ako dito," naalarma ako sa sinabi nya. Tiningnan ko sya sa mata. Hilam yun ng mga luha. Fvck!

"Why? What happened?" tanong ko at agad kong pinunasan ang luha na kumawala sa mga mata.

"Just please," pagmamakaawa nya. Di na ako nagdalawang isip pa.

"Let's go," agad kong hinawakan ang kamay nya at di na nagtanong pa. Habang sakay ng elevator tinawagan ko si Dela Cruz at sinabing umalis muna kami. Di

na ako masyadong nagpaliwanag pa, dahil alam kong nauunawaan nila ako.

Pagdating namin sa parking, agad ko syang pinag buksan ng pinto ng kotse.

Natigilan ako ng makitang nanatiling nakatayo lang sya. Nilapitan ko sya at hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Kung ano man yang gumugulo sa isip mo nandito lang ako," I whisper.

She smiled. Hinaplos ko ang mukha nya.

Bakit ganito? Bakit di nagwawala ang puso ko?

Niyakap ko sya. Pero wala pa din. Kanina bago kami pumunta sa party ni Greshel, ang lakas ng kabog ng puso ko, dahil malapit lang sya sakin at hawak ko ang kamay nya, bonus na ang ganda ng ayos nya ngayon.

Pero ngayon?

Bakit ganito?

——————————————-

Freya's POV

Pumara ako ng taxi, halos hindi ko matandaan kung paano ako nakalabas ng building dahil sa sobrang pag iyak. Halos pagtinginan ako ng mga nakasalubong ko at nakasabay ko sa elevator kanina.

"Saan po kayo ma'am?" tanong ni manong driver. Agad kong sinabi ang address ng bahay namin. Wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon. Ang sakit, parang tinutusok ng milyon milyong karayom ang puso ko. Lalo na sa kaalaman na kasama na ni Frella ang lalaking mahal ko.

"I'm sorry Kevin," I utter.


Flashback

"Its time," Frella said. What does it mean?

"A-anong ginagawa mo dito?" ang lakas ng kaba ng puso ko.

"I'm here to get your happiness," hinarap ko sya.

"Sorry, but I can't allow you," nakapag isip na ako, hindi ako makapapayag sa gusto nya.

"You're late, nakausap ko na si dad, at pumayag na sya," nakangiting sagot nya sabay lapit sa salamin at inayos ang buhok nya.

"P-pumayag si dad?" di makapaniwalang tanong ko. Hinarap nya ako at tiningnan ng deretso sa mata.

"Yes, at palagay ko, may mahalagang bagay kang dapat gawin," napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Go home, and find it out, baka nga pasalamatan mo pa ako sa pag take over ko ng pangalan mo kapag nalaman mo ang ibig kong sabihin," makahulugang sabi nya.

Magkapatid ba talaga kami? Bakit ganito? Bakit ang layo layo nya sakin, kahit na abot kamay ko lang naman sya.

Umiling ako, tanda na hindi ako naniniwala sa kung ano man ang gusto nyang iparating sa'kin.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now