Heartbeat 40: Memory of You

9.2K 326 165
                                    

NAPAGPASYAHAN ni Frella na dalawin ang kapatid nya ngayong araw. Iniwan muna niya ang mga bata sa pangangalaga ng kanyang mga magulang.

Bago tuluyang pumunta sa sementeryo, dumaan muna sya sa isang flower shop at bumili ng mga bulaklak.

Ilang beses na syang dumadalaw sa Ate nya kaya naman alam na niya kung paano pumunta doon. Simula ng bumalik sya ng Pilipinas mula Amerika ay palagi na syang dumadalaw sa kapatid.

Hindi pa man sya lubusang nakakalapit sa puntod ng Ate nya ay natanaw na niya ang lalaking nakaupo malapit dito.

Kitang kita niya kung paano nito halikan ang puntod at tunggain ang  alak na dala nito.

Its Kevin...

She is about to turned her way nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagtatalo pa ang isip at puso niya kung pupuntahan ang lalaki na ngayon ay basang basa na ng ulan. Pero sa huli ay mas nanaig ang kagustuhan niyang lapitan ito.

Dala ang isang payong ay nilapitan niya ito.

"Aishi please kailangan kita ngayon." narinig niya nang  tuluyang makalapit siya dito.

"K-Kevin?" Nanginginig ang boses na tawag niya rito. Bigla naman siyang tiningnan ng lalaki.

"Aishi my life?" unti-unti itong tumayo, nabitiwan nya ang payong na hawak nya nang hawakan sya ni Kevin sa mukha. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay para bang binibiyak ang puso niya sa mga sandaling iyon.

Kitang kita nya kung gaano kamisirable si Kevin sa mga oras na iyon and worst nasasaktan sya ng sobra sa hindi nya maipaliwanag na kadahilanan.

"Totoo ba ito mahal ko?" Halos hindi na niya namalayan na may mga luha na palang kumawala sa mga mata nya. Nalaman lang nya ng punasan ng lalaking nasa harap nya ngayon ang kanyang pisngi.

"Don't cry please. Hindi ako nananaginip mahal ko, hawak kita ngayon hindi ba?"

Alam niya sa sariling hindi tama ito. Hindi dapat niya nararamdaman ang kakaibang dadamdamin na bumabangon sa pagkatao nya sa tuwing makikita niya si Kevin.

"Kevin-----" nahinto ang mga salitang lalabas sana sa kanyang bibig nang bigla na lang sakupin ni Kevin ang kanyang mga labi.

Pakiramdam niya ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Wala syang ibang naririnig kundi ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib.

Bakit pakiramdam nya nangyari na ito noon. At ang mga labing nakalapat sa mga labi nya ay pamilyar.

Ipinikit niya ang mga mata at marahang tinugon ang halik ni Kevin. Bakit ganito ang nararamdaman nya? Pakiramdam nya matagal na niyang kilala si Kevin.

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang matumba ang lalaki at nawalan ng malay. Ngayon lang niya napagtanto na ang taas pala ng lagnat nito.

"Kevin? Kevin wake up!" Parang gusto niyang mag panic sa mga oras na ito dahil sa sobrang takot na baka may masamang mangyari dito.

Mabuti na lamang at huminto na ang ulan at may ilang mga tao ang dumaan sa di kalayuan kaya naman agad niyang tinawagan ang mga ito at nagpatulong na maisakay ang lalaki sa kanyang kotse. 

Inihatid niya si Kevin sa bahay nito. Nagpatulong siya sa ilang security ng village para maipasok at maiakyat ang lalaki sa loob ng kwarto nito.

Matapos magpaalam sa mga security ay mabilis niyang pinalitan ito ng damit. Halos mapaso na siya sa init ng katawan nito. Bumaba siya sa kusina at kumuha ng tubig na malamig para mapunasan ang lalaki.

Pagkabalik niya sa kwarto, nagulat siya nang may biglang mabasag na bote.

"Aishi?" Nahimigan niya ang panginginig ng boses ni Kevin.

Beats of HeartWhere stories live. Discover now