Chapter 1

8.9K 253 57
                                    

SHAUN POV

"Mom, papasok na po ako." pababa ako ng hagdan papunta kay Mom para magpaalam dahil ngayon ang first day of school.

"Kumain ka muna baby." sabay ayos ng mga plato at kutsara.

"Hindi na po Mom, sa school nalang po ako kakain." nakangiti kong saad kay Mommy.

"Okay baby, be safe wag magpapa late umuwi." sabay halik sa aking pisngi.

Siya si Laycee Ramirez-Mendoza ang Mom ko at ang pinaka-magandang babae sa buhay ko, s'yempre ako yung sunod! Just kidding!

Baby ang nakasanayan kong tawag sa akin ni Mommy dahil ako ay binabae, gay o kung ano mang tawag niyo don. Bahala kayo sa buhay niyo.

Tanggap naman nila ako kaya walang problema. Ganoon din ang gwapo kong Daddy na si Shan Mendoza, pangalan palang gwapo na.

Si Daddy naman ay as usual nasa company na. Workaholic, pero isa iyan sa naging dahilan kung bakit marangya ang aming kinagisnang buhay ngayon.

Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Kaya lahat ay ginagawa ko para hindi maging sakit sa ulo niya.

Papasok na ako sa aking bagong paaralan. Ang pinapangarap kong mapasukan balang araw ay mangyayari na. Bata pa lamang ako gusto ko na makapag aral sa Toblé University dito sa Cavite.

'At matutupad na 'yon ngayon! Excited na ako!'

Hindi lang dahil sa maganda ito kaya gusto ko makapag aral. Dahil din sa kumpleto ito sa kagamitan, mga gurong tutok sa estudyante at marami pang iba.

Bigla kong naalala kung paano ako umiyak at tumulo ang sipon ko habang ine-enroll nila Mom and Dad sa Toblé University.

Flashback...

"Baby wake up, may pupuntahan tayo!" panggigising ni Mom sa akin.

'Wala naman akong matandaang occasion ngayon ah? Anong meron?' Kaya sinunod ko nalang ang kaniyang utos.

"Where are we going Mom?" humikab muna ako bago ako tumayo at maghanap ng masusuot sa pag-alis namin.

"Secret, your Dad is waiting downstairs kaya bilisan mo na." dumiretso na ako sa bathroom pagkalabas ni Mom sa kwarto ko.

'Ay may pa-secret? Nae-excite tuloy ako!'

Binilisan ko lang ang paglilinis ng aking katawan dahil baka asarin lang ako ni Mom and Dad na nagsusuot pa ako ng dress.

"Good morning Dad, good morning Mom." bati ko sa kanila pagkababa ko sa hagdanan.

"Good morning baby, let's go?" tanong ni Dad bago kami tumungo sa kotse. Sumakay na ako sa passengers seat at si Mom and Dad naman ay sa front seat.

Higit kumulang twenty minutes ang aming binyahe patungo dito sa kung hindi ako nagkakamali ay parking lot. Sa dami palang na nakapark na sasakyan ay mahahalata mo na. Engot ka kung hindi mo pa din nalaman!

I don't know kung saang parking lot ba ito basta ginala ko na lamang ang aking paningin sa buong lugar.

'Well, maganda ang parking nila, pero mas maganda ako! BYE!'

Pagkababa namin ay naglakad lang kami ng ilang hakbang at laking gulat ko nang tumambad sa akin ang paaralang pinapangarap ko lamang noon.

'Nananaginip ba ako? Pakisampal naman ako now na!'

Nandito kami ngayon sa harap ng mistulang ginto sa sobrang kinang ng gate ng Toblé University.

'Magkano kaya 'to kapag binenta ko?'

Shaun and Blake Where stories live. Discover now