Ang pinapangarap kong paaralan ay nasa harapan ko na!

"Mom, Dad bakit po tayo nandito?" hindi ko maalis ang aking tingin sa loob ng school.

"Simula ngayon baby, dito kana mag-aaral." nagtindigan ang aking balahibo dahil sa sinabi ng aking magulang.

'Totoo ba 'to? Dito na ako mag-aaral? Baka naman binibiro lang nila ako. Kailangan ko munang kumpirmahin bago ako maniwala.'

"S-seryoso po ba kayo?" nauutal pa ako sa sobrang kabang nararamdaman.

"Of course! It's your dream right?" tanong sa akin ni Mommy nang nakangiti. Tumango naman ako bilang pag-sang ayon."Let's go, mag eenroll kapa." Naglakad na kami patungo sa loob.

Pagpasok palang makikita mo na sa kaliwa ang napakalawak na soccer field. Sa kanan mo naman ay ang gymnasium na kasing-laki ng dalawang pinagtabing court sa haba.

Pagkatapos naming mag enroll ay halos tumulo na ang aking luha't sipon sa sobrang saya. Ang pinapangarap kong paaralan ay mapapasukan ko na next monday.

May pupuntahan pa daw na meeting si Dad kaya hindi na kami nagsayang oras. Umuwi na kami para maka-alis na si Dad patungo sa meeting niya at si Mom naman para maka-pagluto ng aming hapunan.

End of flashback.

Simula din ng araw na iyon ay hindi na mawala sa aking isipan ang lalaking nagpatibok ng aking puso sa araw din na iyon. Siya ang naka-agaw ng aking atensyon bago kami umuwi sa bahay.

Flashback...

Papunta na kami sa parking lot nang maagaw ng aking atensyon ang itim na sasakyang pinag-kukumpulan ng mga babaeng sa tingin ko ay mga kasing edad ko lamang.

'Kung maka-sigaw naman 'tong mga 'to! Akala artista ang nasa loob! TSE!'

Napahinto ako sa paglalakad ng magsigawan sa kilig ang mga kababaihan sa tapat ng kulay itim na sasakyan.

Bumukas ito at tumambad sa mga babae ang lalaking hindi gaano'ng kaputian ngunit mas maputi sa mga karaniwang balat.

May katangkaran ngunit medyo payat ang pangangatawan. Gwapo, halata naman sa mga babaeng kinababaliwan siya ngayon.

May katangusan ang kaniyang ilong. Manipis na kilay at mapupulang labing bumagay sa kaniyang mukhang perpekto ang pagkakahulma.

'Eng gwapo nemen nye! hihihi.'

Dumapo ang kaniyang paningin sa akin. Naramdaman kong uminit ang aking mukha dahil sa kaniyang tingin. Umiwas na lamang ako at tumingin sa paligid.

Nang ibalik ko na ang aking paningin sa kaniya ay laking gulat ko nang siya ay nakatitig sa akin. Nilabanan ko ang kaniyang titig ngunit sa huli ay sumuko din ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdam sa lalaking iyon. Ngayon ko lang naramdaman ang pag-iinit ng mukha habang nakikipag-titigan sa lalaking iyon.

End of flashback.

"Let's go na po kuya Robert." si kuya Robert ang aking driver simula pa lamang ng ako'y nasa elementarya at hanggang ngayong highschool.

Excited na ako sa unang araw ko bilang isang estudyante ng Toblé University. Sana maging maganda ang takbo ng aking pag-aaral dito.

Nakangiti akong pumasok sa loob ng school. Sobrang saya ko. Sana ay magkaroon ako ng tunay na kaibigan dito sa loob ng school.

At sa hindi inaasahan ay nakita ko nanaman ang lalaking nagpa-init ng aking mukha noong nakaraan. Ang lalaking hindi mawala sa aking isipan.

Nagtama ang aming paningin, uminit ang aking mukha dahil sa pagdapo ng kaniyang tingin sa akin. Dumiretso na lamang ako sa room.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now