❤️ chapter 33❤️

Start from the beginning
                                    

Pinaikot ulit nila ang bote. Kay khanz iyon huminto. At ako ang magtatanong.

"Truth or Dare?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya, "the option is lie and dare, fia. Hindi truth."

"Gusto ko eh!"

"Pagbigyan!" Sigaw ng buong ugok kaya napangiti ako.

"Fine, truth."

Ngumisi ako, "Sino ba talaga ang fiancee mo?"

Nanlaki ang mata niya dahil sa tanong ko. "It's a girl."

Gago!

"Alam kong babae pero tangina pangalan ng babae ang tinatanong ko!"

Nagkibit balikat lang si Khanz, "I'd already answer your question." Siya naman ngayon ang nagpa-ikot sa bote. "Lie or Dare?" Tanong niya kay Lawrence.

"Lie." Simpleng sagot nito.

"Bakla ka ba?"

Natahimik kaming lahat sa tanong ni Khanz. Langya! Anong klaseng tanong yun?!

"Fuck you!" Sigaw sa kaniya ni Lawrence ng makabawi sa pagkabigla.

"You're welcome, bro." Sabi ni Khanz.

Ang sarap nila pag-umpugin.

Si Lawrence naman ang nagpa-ikot nun at tumapat ang bote sa hari ng mga ugok. "Lie or Dare?"

"Lie." Aniya at tumingin sa'kin. Inirapan ko ang gago.

"Bakit mo hinalikan si Mimi?" Tanong ni Lawrence.

Patay!

Nagkibit balikat si Spade. "Ewan."

Sa unang pagkakataon, gusto kong makapatay ng estudyante. Anong klaseng rason yun?! I-umpog ko kaya ang ulo ng gago sa pader?

"Lie or Dare?" Tanong ng hari ng mga ugok, kay Jack.

"Dare ang akin. Puro kayo Lie." Bagot na sabi ni Jack.

Ngumisi si Spade. "I dare you to dare Fia."

Ay puta! Patayan nalang, usto mo?!

Tumingin din sa'kin si Jack. "I dare you to say the truth. May gusto ka pa kay Yuwence?"

Potaaa! Potaaa! Potaaa! "H-huh?"

Sige Fia, magtanga-tangahan ka. Napatingin ako sa mga ugok. Tahimik lang silang nakatingin sa'kin, naghihintay ng sagot ko. Si Carl at Francis, nag-a-agaw ng popcorn.

Makiagaw rin kaya ako para malibang sila?

"Answer, Fia." Sabi naman ni Spade

Yumuko ako. "Kunti."

Natahimik silang lahat.

"Gano ka kunti? Isang drum na feelings ba o dosenang drum pa?" Sarkastik na sabi ni Spade bago mag walk out.

Teka lang, anong problema ng lalaking iyon? Dinalaw na naman ata ng sumpong.

♥♥♥

"Labas! Ilang ulit ko bang sasabihin na lumabas kayo? Ha? Alis!" Pangtataboy ng make-up artist kong bakla sa mga ugok na gusto maki-isyuso.

"Ang damot mo naman sa mukha ni Fia, parang titingin lang eh."

"Oo nga! Baka nakakalimutan mo na kami ang nag-hire sayo?"

"Baka nakakalimutan mo rin, Ace na pinilit mo-"

Class 1-AWhere stories live. Discover now