AGTTAG 17

462 19 0
                                    

*
   napansin ko na puro si Luke at Charlene lang ang may POV so nag decide ako na lagyan din sila.


[Margarette POV]


"Mom ! your here ! I miss you" tapos niyakap ko siya ... Miss na miss ko na si Mom ang tagal nung huli niya akong dinalaw

"bitaw." - Mom ... puno ng awtoridad niyang sabi wala akong nagawa kaya tinanggal ko ang yakap ko sa kanya

"upo ka Mom. what do you want ? juice—"

"sumaglit lang ako dito para alamin kung ano ng balita sa pinapagawa ko sayo" - Mom

"Mom—"

*pak*

   Napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit na yung ina ko lagi na lang akong pinagbubuhatan ng kamay.

"akala ko ba kayo na ulit ha ?!" - Mom ... tapos dinuro duro niya yung noo ko ... pinipigilan kong hindi tumulo yung mga luha ko pero hindi ko magawa nasasaktan ako

"Mom ayoko sa kanya intindihin niyo naman po ako" iyak kong sabi pero nakatanggap na naman ako ng isang malakas na sampal ... hinawakan ni Mom yung panga ko hindi ko mapigilang mapangiwi

"si Justin lang ang pwede sayo naiintindihan mo ba yon !" - Mom

"Mom ayokong pilitin yung puso ko na magustuhan siya kasi kahit anong pilit ko si Red pa rin !"

*pak*

"si Red ?! yung anak ng doctor na dahilan ng pagkamatay ng Dad mo ha !" - Mom

"hindi kasalanan ng Dad ni Red kung talagang mamatay na si Dad !" sa muling pagkakataon sinampal niya na naman ako

"kasalanan niya ! kung hindi niya itinigil ang operasyon tyak buhay pa ang ama mo naiintindihan mo ba yon ha ?!" - Mom ... lumuhod ako at niyakap ang binti ni Mom

"Mom kaya tinigil ng Dad ni Red ang operasyon dahil hindi na kaya ng puso ni Dad. Ako na ang humihingi ng kapatawaran Mom please mahal na mahal ko po si Red" pero isang malakas na sipa ang natanggap ko dahilan para mataob ako

"isa lang ang dapat mong mahalin at si Justin yon hindi si Red ! ang pamilya na lang ni Justin ang makakatulong sa kumpanya natin para maka ahon tayo !" - Mom ... lumapit si Mom sakin at muling hinawakan ang panga ko "kung ayaw mong itakwil kita bilang anak ko sundin mo ang gusto ko ! gawin mo ang lahat para makuha si Justin kahit ibigay mo ang lahat ng sayo gawin mo !" binitawan niya ng malakas yung panga ko at tsaka umalis

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now