AGTTAG 4

821 32 0
                                    

Charlene

Takbo lang ako ng takbo kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala akong maramdamang pagod dahil ang nararamdaman ko lang ay sakit dito sa puso ko.

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Bakit niya hinahalikan si Margarette? Bakit siya nag papahalik kay Margarette? Niloloko ba ako ni Justin? Matagal niya na ba akong niloloko? Anong hindi ko alam?

Maisip ko lang na niloloko ako ni Justin feeling ko mababaliw na ako, ayokong paniwalaan yung mga nakita ko pero mismong mga mata ko na yung nakakita. Even Luke look at me with guilt, ramdam kong may alam siya.

Naupo na lang ako sa isang bench dito sa may park. Alam kong mahal ako ni Justin at hindi niya ako magagawang lokohin, kilala ko siya.

Ngunit talaga bang kilala ko siya? Gaano ako nakakasigurado na kilala ko siya, na alam ko kung anong nakaraan niya? Bakit ba kasi ngayon ko lang naisipan maging curious sa past niya? Naitago ko na lang ang mukha ko sa aking mga kamay, hindi ko na mapigilang mapahagulgol.

"Miss" inalis ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha para makita ko kung sino yung nagsalita "sa tingin ko kelangan mo ito" inabot niya sakin yung panyo pero tinaggihan ko lang iyon, sino ba ito? Hindi sa masungit ako ang awkward lang talagang makipag usap sa hindi mo kilala "ayaw mo?" tumabi siya sakin tapos nilagay niya yung ulo ko sa balikat niya

"Kuya hindi mo kelangang gawin ito, iwan mo na lang ako" inalis ko ang pagkakahilig ng ulo ko sa balikat niya

"Alam kong masakit kaya iiyak mo lang" wala na akong lakas para kontrahin kung ano mang sinabi niya, bumuntong hininga ako at saka hinayaan ang mga luhang kumakawala. Tinignan niya lang ako habang umiiyak, bigla akong na-conscious sa itsura ko kaya pinunasan ko na ang mga luha ko

"Kuya salamat" inangat ko yung ulo ko para makapag pasalamat ng maayos sa kanya.

"Ok lang, I'm Red Montenegro" ngumiti siya, isang maamong ngiti, nakalahad yung kamay niya kaya inabot ko ito para hindi siya mapahiya

"I'm" pinutol niya ang sasabihin ko

"Charlene Yu, girlfriend ni Justin Broquez" napakunot ang noo ko, natawa siya ng bahagya at nagsalita muli "Nakita ko kung gaano kayo ka sweet ni Justin kanina" ngumiti ako ng mapait, pakiramdam ko lahat ng nakakita sa eksena namin kanina ay malamang pinagtatawanan na ako. Iniisip nila sigurong kawawa ako dahil pagkatapos akong pakiligin ay iba naman ang hinahalikan ng boyfriend ko

"Nanood ka kanina ng laban?" pag iiba ko ng usapan

"Hindi, ako yung captain ball ng Scofold Academy" nagulat ako, bakit andito siya? Paano siya napunta rito?

"Kalaban ka pala namin" natawa siya at tumingin sa malayo

"Pwede mo naman akong hindi ituring na kalaban" ngumiti ako. Bakit hindi? Mabait naman siya, at saka kaonti lang ang kaibigan ko rito, si Luke pa lang. Hindi naman purkit kalaban siya ng school namin di ko na siya pwedeng maging kaibigan "nakita ko rin kung paano halikan ni Margarette si Justin" lumingon siya sakin na parang naaawa

"Red please tama na, wag mo munang ipaalala sakin, ang sakit lang isipin na ako yung girlfriend niya, pero iba yung hinahalikan niya" di ko na naman maiwasan yung pagtulo luha ko, napaka iyakin ko talaga

"Alam mo bang mag ex si Margarette at Justin?" napataas na lang ako ng kilay dahil sa sinabi ni Red, walang nababanggit si Justin tungkol sa kanila ni Margarette. Mukhang naintindihan naman ni Red ang reaction ko "mukhang hindi mo alam mas mabuting sa kanya mo na malaman"

"No, Red sabihin mo sakin ayokong magmukhang tanga dito" pag mamakaawa ko, para saan pa ang pag iwas ko sa katotohanan? Mas mabuti nang alam ko para hindi na ako magugulat sa mga makikita ko.

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now