AGTTAG 36

329 8 0
                                    

Charlene POV

"Wala pa rin si Luke ?" Nasabi ko na lang kase naman late na pero wala pa rin siya.

"Bakit mo naman hinahanap si Luke ?" Narinig kong sabi ni Margarette

"Aa wala lang lagi naman siyang maagang pumapasok diba ? Bakit ngayon wala pa siya ?"

"Baka may iba lang ginawa, hindi ka lang siguro sanay hayaan mo na wag kang mag isip isip jan ng kung ano ano" tinanguan ko na lang siya, dumating na yung prof pero wala pa rin siya, baka nga may ginawa lang.

"So class napagdesisyonan ng mga teachers at ng principal na magkaroon kayo ng prom" panimula nung prof

"Talaga maam ? Ano naman po ang theme ?" Tanong nung isa kong classmate na babae

"Ang napagdesisyonan ata ay Masquerade Ball next week na yon kaya maghanda handa na kayo okay ?"

"Yes maam" sagot naming lahat

*kriiiiiing*

"Kaninong phone yon ?" Tanong nung prof

"Akin po maam, excuse lang po baka po importante yung tawag na to" - Margarette ... tapos lumabas siya nag discuss lang si maam nung pumasok ulit si Margarette. "Maam excuse po pwede po ba kaming makalabas ni Charlene ?"

"Ha ?" Tanong ko

"Bakit naman Margarette ? Nasa oras kayo ng klase ko"

"Emergency po talaga kase maam" - Margarette

"Ano bang nangyayare ?" Kinakabahan kong tanong, huminga ng malalim si Marga at tsaka muling nagsalita

"Si Luke-- nasa ospital nabugbog daw" tila bumagsak ang balikat ko sa narinig ko, nagulat din ang lahat ng mga kaklase namin dahil sa sinabi ni Marga biglang nag ring phone ko, kinuha ko ito at tsaka tinignan kung sino yung nag text.

Nagulat ako sa nakita ko, video siya kung paano binugbog kagabi si Luke napaiyak na lang ako ng napanood ko ito, nagmamakaawa na siya pero hindi pa rin siya tinatantanan.

"Luke-- Maam payagan niyo na po kami" sabi ko, dahan dahang tumango yung prof samin kinuha ko yung bag ko at tsaka kami nag umpisang nagtatakbo ni Margarette.

Sino naman ang wala sa matinong utak ang gagawa non kay Luke ?! Wala ba siyang awa ? May nagawa bang kasalanan sa kanya si Luke ? Patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko.

"Teka--" napahinto ako, napahinto din si Marga sa pagtakbo

"Bakit ?" Tanong ni sakin

"Posible kayang--"

"Huh ?"

"Si Justin ang may gawa nito !" Sigaw ko "mauna kana sa ospital pupuntahan ko lang si Justin !" Akmang babalik na ako papunta sa room nila Justin ng hawakan ni Marga yung kamay ko

"Unahin mo muna si Luke, hinahanap ka daw niya kanina pa" napahinga ako ng malalim at tsaka nagpatianod sa hila ni Marga.

Tahimik lang kami habang nakasakay kami sa sasakyan ni Margarette, hindi pa rin ako makapaniwala nangyari siguro yung pagbubugbog kagabi nung hinatid ako ni Luke sa bahay, pero paano nalaman yon ni Justin ? Paano niya nalaman na magkasama kami kagabi ni Luke ? Napaka sama niya.

"Andito na tayo" sabi ni Margarette, agad kaming bumaba sa kotse niya at nagmamadaling pumasok sa ospital, nakita namin si Red kasama yung Dad niya.

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon