AGTTAG 31

320 7 0
                                    

Charlene POV


Natapos ang ilang subject, hindi pa rin ako maka get over sa sinabi ni Margarette, parang may alam siya ee, pero paano naman ? Wala namang kaming ibang pinagsabihan, si Red ako at ang Dad niya lang ang may alam kaya imposibleng malaman niya, baka may ibang meaning siya don at masyado ko lang iniisip yon.

Nabalik ako sa wisyo nung narinig ko ang ring bell, parang saglit lang na oras ay lunch break na namin, naunang tumayo si Luke kinaladkad niya si Solenn palabas, si Margarette naman inaayos pa yung mga gamit niya, nagulat ako nung biglang nag ring yung phone ko.

Justin~ calling...

"Hello ?"

"Baby punta ka dito sa laboratory"

"Pero hindi pa ako kumakain, ikaw ba kumain kana ?"

"Basta pumunta ka dito please ? Iintayin kita"

"Sige sige pupunta ako"

"I love you"

"Uh-- I love you too Justin" pinatay ko na agad yung tawag, bakit kaya pag kinakausap ko siya minsan nagiging awkward, lalo na pag sinasabihan ko siya ng I love you, napadako ang tingin ko kay Margarette, nakatingin lang siya sakin na para bang may mali sa itsura ko.

"Uh-- Margarette ? May kailangan ka ba ?" Tanong ko, umiwas lang siya ng tingin.

"W-Wala naman, di ka ba kakain ?" - Margarette ... nagulat ako sa tanong niya akalain mo yon ?

"Aa yon ba kakain ako, kaso pupuntahan ko muna si Justin sa laboratory" biglang naging palagay yung loob ko sa kanya, parang walang malaking batong nakaharang sa pagitan namin, dati kasi galit na galit siya sakin pero ngayon parang iba na nakakapanibago.

"Ganon ba, pagkagaling mo don kumain ka--" - Margarette

"Teka ikaw ba talaga yan Margarette ? Sa pagkakakilala ko sayo galit na galit ka sakin pero ngayon--"

"Stop it ! Sundin mo na lang ako ok ? Ang tigas ng ulo peste na yan ! Tsee !" - Margarette ... tapos kinuha niya yung bag niya at umalis, yan ang Margarette na kilala ko.

Kinuha ko na din yung bag ko at tsaka umalis, naglakad ako papunta sa laboratory, pero habang naglalakad ako meron akong nakasalubong na babae at lalaki, inabutan nila ako ng rose.

"Hello po pinabibigay po sa inyo" sabi nung babae.

"Ha ? Sino naman nagpapabigay nito ?" Tanong ko.

"Secret po" sagot ng lalaki, tapos iniwanan na nila ako, nag shrug lang ako, baka napag tripan lang ako, kaso may lumapit na naman saking babae at lalaki.

"Para po sa inyo" sabi nung lalaki.

"Sino ba talaga--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko tumakbo na sila paalis. Valentines ba ngayon ? Parang di naman aa ?

Nung malapit na ako may isang lalaki na lumapit ulit, inabot niya sakin yung rose tapos may sulat.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung makilala kita, ang dating walang sigla kong mundo nabigyan mo ng buhay at kulay, salamat sa second chance pangako hindi ko sasayangin yon. Mahal na mahal kita Charlene Yu, happy 1 year and 3 months. I love you" - Justin Broquez

Napatakip na lang ako sa bibig ko, anong date ba ngayon ? 8 pala ngayon geez bakit ko nakalimutan yung araw namin na to. Pigil luha akong pumasok ng laboratory namangha ako sa nakita ko, para akong nasa loob ng isang mamahaling restaurant, ang daming pagkain, nagkalat yung mga petals ng mga rose. Lumabas si Justin na naka tuxedo omo, ang gwapo niya.

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now