AGTTAG 13

551 22 1
                                    

Charlene POV




"Ugh" ang sakit ng ulo ko, agad akong bumangon sa pagkakahiga, nagulat ako dahil hindi ko alam kung sa'n ako nakahiga! Hindi ko alam kung nasaan ako pero sure akong hindi ito ang kwarto ko sa mansion nila Luke!





   Agad akong tumayo at sumilip sa bintana, may nakadikit na sticky note na kulay pink dito.





   "Good Evening Charlene nagustuhan mo ba yung lugar na 'to? O baka galit ka sakin ngayon? Anyway, get dress we will have a dinner, nasa table yung dress mo iintayin kita sa baba"

-Luke





   Anong pakana ng bakla na' to? Nasan ba ako? Ang ganda kasi ng lugar, sumilip ulit ako sa malaking bintana, tanaw dito yung river tapos puno ng mga ilaw ang mga daanan.





   Agad akong nagtungo sa mesa kung nasan yung dress na aking isusuot, kulay red siya na tube, tapos above the knee, meron ding heels na 3 inches ang taas. Pumasok na ako sa cr, pati sa cr namamangha ako ang ganda talaga! Pagkatapos kong magbihis nag ayos ako ng konti, yung buhok ko nilagay ko sa side para mas magmukhang elegante, at para makita yung kagandahan nung dress.






   Ilang minuto pa okay na ako. Pag labas ko sa kwarto bumungad sakin ang napaka ganda at laking chandelier, dalawang malalapad at mahahabang hagdan na may red carpet pa! Nasan ba talaga ako?






   May sumalubong saking isang lalaking naka suot ng pang waiter, pero hindi mo mahahalatang waiter siya ang gwapo kasi!






"Good Evening Ms. Charlene Yu this way" bakit niya ako kilala hala? Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanya. Lahat ng nadadaanan namin napapatingin sakin, actually ngayon lang ako nag suot ng ganito minsan kasi ayokong nakukuha ang atensyon ng mga tao.







   Ilang lakad pa huminto kami sa isang malaking pinto kwarto ba to? Anong meron dito? Ang laki kasi ng pinto!






"Come in Ma'am" tumango lang ako dahan dahan niyang binuksan ang pinto, bumungad sakin ang isang lamesang puno ng pagkain, sobrang sweet tignan ng pagkakaayos sa loob ng kwarto, candle light dinner ang peg ng lola niyo! Daming pagkain mukhang ang sasarap!






"Nagustuhan mo?" nakita ko si Luke na naka tuxedo, nakataas pa yung buhok niya sure ako nag gel 'to! Bakit ba ang gwapo ng baklang 'to?






"Anong pakulo to Luke?"





"Sabi mo kasi gusto mo siyang makalimutan ayan gumawa ako ng paraan hindi mo ba nagustuhan?" biglang lumungkot yung mukha niya lakas maka kunsensya ng baklang 'to






"Ano ka ba! Nagustuhan ko syempre hehe, saang lugar ba 'to hindi ko akalain na meron sa Pilipinas nito. Siguro meron pero yung mga nag tatrabaho dito parang mga foreigners!"






A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα