AGTTAG 33

323 8 0
                                    

Solenn POV


Napahilamos na lang ako ng palad sa mukha ko, ang galing kong mag advice pero sa sarili ko hindi ko mai-apply, tinuruan ko siya na dapat ipaglaban niya yung nararamdaman niya, pero ako hindi ko maipaglaban kung ano yung nararamdaman ko sa kanya.


Napaupo na ako sa damuhan, wala namang tao dito, walang makakakita sakin kung gaano ako katanga sa pag-ibig. Paano ko naman kasi ipaglalaban ang nararamdaman ko sa kanya kung alam kong sa una ay wala na akong laban, alam kong talo na ako.


Nung una ko tong naramdaman sinabi ko sa sarili ko na ititigil ko to dahil alam kong mahal niya si Charlene pero wala ee minahal ko siya kahit alam kong mali.


Tapos ngayon iiyak iyak ako dahil ang dating tanong ko sa sarili ko ngayon ay nasagot na, sagot na ngayon ay nakakasakit ng sobra sa puso ko.


Nagulat na lang ako ng may humawak sa balikat ko, pagharap ko nakita ko si Pau agad akong tumayo, tapos pinunasan yung mga luha ko, dahil sa kanya nakilala ko si Luke pero hindi ko pinagsisisihan yon, natuto ako sa katangahan ko.


"Pau-- anjan ka pala, naku may gagawin pa pala ako, mauna na ako ha ?" Tumalikod na ako sa kanya ayokong makita niya akong nagkakaganito pero hinila niya ako at kinulong sa mga braso niya.


"Iiyak mo lang--" - Pau ... nagulat ako sa sinabi niya pero kusang tumulo ang luha ko, feeling ko basang basa na yung damit niya hindi naman siya nagrereklamo, hina-hagod hagod niya lang yung likod ko.


Siguro ilang minuto din kaming magkayakap ng maisipan kong bumitaw na aba abuso siya.


"Pasensya na Pau-- salamat na rin kasi anjan ka" halos piyok kong sabi nginitian niya ako


"Ayos lang, lagi akong nandito para sayo" - Pau


"Salamat talaga Pau" bahagya siyang lumapit sakin, kinuha niya yung kamay ko at inilagay sa dibdib niya tapat kung nasan ang puso niya.


"Buksan mo ang puso mo sa iba, sa taong maipaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga" - Pau ... natulala ako sa sinabi niya


"Pau--"


"Kung manhid si Luke mas manhid ka, manhid ka kasi andito lang naman ako pero hindi mo maramdaman ang presensya ko, bulag ka kasi hindi mo makita kung gaano ako nagseselos kapag siya lagi ang gusto mong kasama, nagseselos ako kasi--" - Pau


"Kasi ?--"


"I will give you time to think, I will give you time to move on, iintayin ko yung araw na pwede na-- na pwede ko ng maiparamdam sayo kung gaano kita ka-mahal" - Pau ... lalo pang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya m-mahal niya ako ? Tinalikuran niya ako, diba--


"D-diba ?--"


"Kung si Luke nga nagawang maging lalaki ng dahil kay Charlene ako pa kayang naging lalaki din ng dahil sayo" - Pau ... literal na akong napanganga kung ganon lalaki na din siya ? Omg anong nangyayari sa mundo ? "Please lang Solenn, sana makuha ko ng ang sagot mo bago ako umalis--"

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang