AGTTAG 41

282 7 1
                                    

AGTTAG 41

--

Napamulat ako at agad na naramdaman ang sakit ng buo kong katawan. Nasa isang madilim at maalikabok akong silid, gusto kong tumayo pero nakatali ang kamay at paa ko. Sinubukan kong sumigaw pero paos na ata ako dahil sobrang dry ng lalamunan ko. Gusto kong uminom.

"Gising kana pala Charlene ko" napakunot agad ang noo ko at masamang tinitigan ang taong may gawa nito, madilim man sa kwartong 'to, kilala ko naman ang taong nasa likod nito. Nang tuluyan nya ng buksan ang ilaw, parang ibang Justin ang kaharap ko ngayon, sobrang laki ng eyebags nya, gulo gulo ang buhok at mukhang stressed na stressed tignan.

"Eto tubig, uminom ka" iniabot niya sakin ang tubig, tinaasan ko siya ng kilay, tanga ba siya, nakatali kamay at paa ko, sa tingin niya ba mahahawakan ko yung basong tubig na iniaabot nya?

"Kung sa tingin mo maiisahan mo 'ko nagkakamali ka! Hindi ko tatanggalin yang tali sayo! Bahala ka mauhaw!" nababaliw na talaga ang isang 'to! Hindi ko akalain na ang isang Justin na isang edukadong tao ay makakagawa ng ganitong klase ng krimen

"J-Justin, uhaw na uhaw na ako" pilit kong pagsasalita, kahit gasgas na gasgas na ang lalamunan ko. Lumapit siya sakin at iniangat ang ulo ko, dahan dahan niya ako pinainom, halos sipsipin ko na ang baso para lang makuha ang laman na tubig pero agad itong binawi ni Justin at tumingin sakin ng nakakaasar

"Oops. Akala mo ba nakalimutan ko na mga ginawa mo sakin? Sa pagpili mo sa baklang 'yon!"

"Pinili kong maging masaya! Pinili ko s'ya kasi hindi mo deserve ang piliin! Kasi manloloko ka!" hinagis n'ya ang basong may lamang tubig malapit sa 'kin. Iniwasan ko ang mga bubog na nagsiliparan pero tumama pa din ang ilan nito sa balat ko. Hinawakan n'ya ang panga ko ng sobrang higpit

"Manloloko ka, habang tayo pa nakipag deal ka sa baklang yon! Enjoy na enjoy ka namang malandi ka!" pinipigilan kong maiyak sa sakit dahil ayokong masiyahan ang baliw na 'to dahil nasasaktan n'ya ako.

"Justin ikaw ang matagal nang nanloloko sating dalawa. Tayo pa pero kayo pa din pala ni Margarette, actually wala na akong kung ano mang galit na nararamdaman, lalo na't sobrang bait at magkaibigan na kami ni Margarette, ikaw na lang ang di maka move-on, masaya na ako Justin! Hayaan mo na akong maging masaya kay Luke!" tumawa ng nakakatakot si Justin, talagang baliw na ang isang 'to!

"Akala mo mangyayare yun? Alam mo ba sabi ng magaling mong ina? Sakin s'ya boto, ako ang gusto n'ya para sayo, gagawin n'ya lahat para paghiwalayin kayo ng magaling na Luke na 'yan. Ang saya diba? Di lang ako ang magpupumilit na maging tayo" hindi, hindi yun magagawa ni Mama, gustong gusto n'ya si Luke para sakin!

"Hindi! Hindi totoo yan!"

"Totoo 'to Charlene! Wala ka ng takas sakin, kung nagbabalak ka mang tumakas, sana handa ka sa mga consequences na kakaharapin mo"

"Dimonyo ka talaga! Baliw!" humarap s'ya sakin at kita ko na paluha na s'ya. Baliw na talaga 'to!

"Mahal kita, baby please maniwala ka namang mahal kita, sorry na sa lahat, nagawa ko lang naman yun kasi malandi yung Margarette na 'yun, alam mo naman yun diba? Kita mo naman 'yon noon, alam mo kung pano n'ya ako akitin, lalaki lang ako baby, may kailangan ako, na di mo maibigay kaya bumigay ako" napatawa ako ng mapakla

"Lalaki ka lang at may needs ka? Gago ka pala! Kadiri ka alam mo 'yon? So totoong lalaki kana n'yan? Kasi kaya mong maghanap ng iba kasi di maibigay ng girlfriend mo ang kailangan mo!"

"Hindi sa ganon baby! Mahal kita! Inakit lang nga ako!"

"Kadiri ka pa din, umalis ka, ayoko kita makita, ayoko makita mukha mo, ikakamatay kita Justin" napayuko si Justin at di na lumaban pa, tinignan n'ya ako at susubukan n'ya sana akong halikan sa pisngi pero umiwas ako, sumama ang tingin n'ya sakin pero tumayo na s'ya

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя