AGTTAG 24

436 12 1
                                    

Luke POV

"Nakakaasar ! Argh !" Sigaw ko ... halos lahat ata ng tao dito sa mall nakatingin sakin kelan ba ako naging eskandaloso ?

"Bakit ka ba sumisigaw ?!" - Solenn

"Napaka walang kwenta mo ee !" Sigaw ko sa kanya ... ooops below the belt na ata yung sinabi ko

"Tanggapin mo na lang kasi ! Kelanman hindi magiging kayo !" - Solenn

   'Tanggapin mo na lang kasi ! Kelanman hindi magiging kayo !' Feeling ko isinampal sakin yung sinabi niya tama naman siya ee. Bakit ba ako nag kakaganito ? Diba nagbago ako para magsisi siya ? Pero bakit ganito ? Ang sakit sakit makitang ang saya saya nila habang ako nasasaktan ? Talaga bang mahal ko na yung babaeng yon ?

"Luke. Hindi ko gusto yung sinabi ko sayo. Sorry." - Solenn

"Aa yun ba wala yon mauuna na ako ha ? Sige" tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon pa gulong gulo na ako. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko. Bakit ako nagkaganito ? Bakit ako nagkagusto sa babaeng yon ?

   Sumakay lang ako ng taxi pauwi sa bahay nag commute lang kasi kami kasi sinundan namin sila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko naisipang magmukhang tanga kakasunod sa kanila dinamay ko pa si Solenn at napag sabihan ng walang kwenta.

   Akala ko nung dumating siya sa buhay ko ayos na wala na akong iintindihing problema yung lalagyan niya ng kulay yung buhay ko pero bakit ngayon sobrang naaapektuhan ako sa bawat bagay na ginagawa niya ? Sobrang nagseselos ako kay Justin.

   Ilang minuto pa nakarating na ako sa bahay naabutan ko si Mom and Dad sa sala.

"Luke andyan kana pala" - Dad

"Tumawag samin yung adviser mo magkakaroon daw kayo ng trip ? Pumayag na kami ng Dad mo maghanda kana ng mga gamit mo" - Mom

"Ganon po ba ? Sige po akyat na po ako—"

"Luke kamusta na kayo ni Charlene ?" - Dad

"Masaya na po siya at masaya na din po ako" nilapitan ako ni Mom at hinawakan sa mukha

"Alam ko kung kelan ka nagsasabi ng totoo at kung kelan hindi." - Mom

"Hindi pa rin po kami ok ngayon" sabi ko

"Luke gusto mo bang kausapin ko siya ? Gusto kong malaman kung bakit siya nagkaganon ee—" - Mom

"Si Justin ang dahilan yung anak ng ka business partner niyo si Mr. & Mrs. Broquez. Siya talaga ang boyfriend ni Charlene" nanlaki yung mata ni Mom nd Dad

"Si Justin yung pumunta dito ?" - Dad

"Siya nga po Dad" pinagpalit niya ako don kahit alam niyang niloloko lang naman siya non.

"Gusto mo bang kausapin ko si Mr. Broquez—" - Dad

"Wag po Dad ok na po talaga ako. Mauna na ako sa taas" agad akong umakyat sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.

   Nilibot ko ng tingin yung kwarto ko puro litrato namin sa Singapore ewan ko ba simula nung nakasama ko siya gusto ko laging nakikita ang mukha niya kaya pina-print ko lahat ng selfie namin at tsaka dinikit ko sa dingding ng kwarto ko.

   May mga stolen shots solo niya tapos magkasama kaming dalawa. Akala ko pagbalik namin dito ok na limot niya na pero sa isang iglap bumalik siya don. Sana pala hindi ko na lang siya inuwi dito.

   Ang hirap magsinungaling na ok ako kahit hindi naman talaga. Nung pumasok siya kanina parang may nag tutulak saking yakapin ko siya pero pinipigilan ako ng selos ko.

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now