AGTTAG 28

359 8 1
                                    

Charlene POV


"Red salamat nga pala sa paghatid" nasa tapat kami ng bahay ngayon at nag prisinta si Red na ihatid ako sinabi ko naman na kaya ko pero sobrang kulit niya.


"Wala yon alam mo namang nangako ako sayo na babantayan kita simula ngayon ?" - Red


"Hindi mo naman kelangang gawin yon kaya ko naman na hindi pa naman to malala at malalabanan ko pa"


"Paano kungㅡ" - Red


"Hindi mangyayari yon ok ? Sige na pasok na ako" tatanggalin ko na sana yung seatbelt ko pero pinigilan niya ako.


"Basta andito lang ako Charlene isang tawag mo lang pupuntahan agad kita. Eto nga pala yung reseta ni Dad yung mga gamot na dapat mong inumin wag mong kalilimutan" - Red


"Opo doctor Red" tumawa siya tapos ginulo niya yung buhok ko pag baba ko kinawayan niya lang ako at tsaka umalis na pagpasok ko sa bahay nagulat si Mama


"Teka bat ang bilis mo naman ata umuwi may nangyari ba ?" - Mama


"Aa ano kasi Mama nagpaalam na akong umuwi kasi namimiss na kita" ngumiti si Mama at tsaka ako niyakap


"Yung anak ko naglalambing umakyat kana nga sa kwarto mo at magpahinga" - Mama


"Opo sige po" pagka akyat ko sa kwarto agad kong binagsak yung katawan ko sa kama hindi ko na naman napigilan yung pag tulo ng luha ko hindi ko pa rin matanggap na may sakit ako.


   Bakit etong puso pa ang napunta sakin bakit may sakit pa ? Napaka dami kong tanong hindi ba ako mahal ng diyos kaya binigay niya sakin yung sakit na to ? Marami ba akong nagawang kasalanan kaya nagkaroon ako ng sakit ?


   Bakit ako pa ? Tumayo ako at tinignan yung resulta. Hindi na ba talaga to mababago talaga bang may sakit ako ? Napa face palm na lang ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari hindi ko alam kung saan ako mag sisimula.


   Hindi, sa ngayon dapat tatagan ko ang loob ko sakit lang yon kaya ko yong labanan dapat maagapan ko agad.


*kriiiiiiiiiiiiing*


   Justin calling...


"Hello ?"


"Baby na-discharge kana pala hindi mo manlang sinabi"


"Ayokong maabala ka pahinga ka na muna kaya ?"


"Ok lang ako, bukas dalawin kita ha ?"


"Akala ko ba bumalik kaㅡ"


"Wala kana man doon ee, anyways ikaw ang magpahinga ok ? I love you baby"


"Uhm love you too" tapos pinatay niya na yung tawag.


   Nahiga ulit ako sa kama ko hindi ako makatulog biglang nag flash yung mukha ni Luke yung wala siyang pakielam habang ako nahihirapang huminga bakit parang ang sakit sa bandang dibdib ko dati naman wala lang sakin pero ngayon may epekto ee.


   Mas maraming oras ko siyang naiisip kesa kay Justin nung nagbalikan kami ni Justin parang wala lang wala ng spark parang nabaligtad parang masㅡ hindi tumigil ka Charlene panggulo lang yung Luke na yan hayaan mo silang dalawa ni Solenn ang dapat mong intindihin ngayon ay ang maagapan ang sakit mo.


A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now