Epilogue

789 14 19
                                    

"Are you fine hijo?" hinawakan ni Mom ang balikat ko, tumango ako at pilit ngumiti




"I'm okay Mom, magiging maayos din po ako" hindi ko na kayang ipahalata ang takot na nararamdaman ko ngayon




"Bakit kasi hindi mo pa dalawin si Charlene? Bakit natitiis mo siya ng ganito? Lagi namang pumupunta sila Red at Margatette dito para sabihin ang lagay ng girlfriend mo, bakit hindi umaasa ka lang sa balita nila? Bakit ayaw mo puntahan hijo?"




"Mom, ayoko pa siya makita" ayoko makita yung babaeng sobrang mahal ko na nahihirapan dahil malapit na siyang mawala, hindi ko kakayanin. Napabuntong hininga na lang si Mom at lumabas ng kwarto




Totoo na alam ko na nahanap na si Charlene, na naibalik na siya kasama si Tita, alam ko na agaw buhay si Tita pati na din ang babaeng mahal ko. Alam ko lahat ng nangyayare sa kanya, pero hindi ko magawang lumapit, o magpakita pa, pagkatapos ng mga bagay na gagawin ko.




Alam ko na ilang araw, linggo, o buwan na lang ang itatagal niya, sinabi sakin yun nila Red at Marga, ayoko makita siyang nahihirapan habang wala akong magawa. Tumutulong ako sa paghahanap ng donor pero wala akong mahanap. Nagkaroon pa ng problema sa company. Wala din akong mukhang maiharap dahil alam kong ayaw ni Tita na makita ako.




Pero ang gago ko sa totoo lang, mas lalo kong pinapahirapan ang kalagayan ni Charlene sa pag iwas ko sa kanya. Puntahan ko na kaya siya? Ngumiti ako agad na kinuha ang keys sa drawer ko, lumabas ako ng kwarto ng nagmamadali ako nakita pa ako ni Mom.




"Oh saan ka pupunta?"




"Mom, di ko na kayang mag stay pa dito sa bahay habang nag hihirap yung girlfriend ko, gusto kong makasama niya ako habang buhay. Kahit anong mangyari gusto kong humaba ang buhay niya. At miss na miss ko na siya Mom" di ko na napigilan ang mga luha na unti unting pumapatak mula sa mga mata ko. Agad akong niyakap ni Mom at hinalikan ang noo.




"Hay nako, ba't ngayon mo lang naisip 'yan? Hala sige na dalian mo na at puntahan mo na siya" ngumiti ako at hinalikan ang pisngi ni Mom.




Agad akong pumunta sa garage ng bahay at sumakay sa kotse. Halos manginig ako sa sobrang pagka excite! Ano nga bang naisip ko at hinayaan ko na hindi kami magkita na dalawa? Dahil siguro sa hiya sa mga nangyare at dahil na din sa mga sunod sunod na problema na dumating sa pamilya namin.




Naisip ko na huminto muna sa isang flower shop para ibili si Charlene ng bulaklak, magugustuhan niya 'to. Pagkain din kaya? Kumakain kaya ng maayos ang girlfriend ko?




Wala na akong inaksayang panahon at binili na ang mga pasalubong para kay Charlene, ang malas dahil nagkaroon pa ng traffic! Ayos lang, ayos lang magka traffic basta makita ko ang babaeng sobrang mahal ko.




Hininto ko ang kotse sa intersection, napaka bagal naman ng mga sasakyang 'to, hindi ba nila alam na may mga taong nag mamadali? Pula pa din ang ilaw, pero wala nang tumatawid na sasakyan. Agad kong pinaharurot ang kotse patawid, magiging kulay green din naman 'yan! Nagmamadali na ako!




Nakarinig ako ng malakas na mga busina, mula sa likod ng sasakyan ko, ayaw pa ba nila umandar? Wala nang tumatawid na ibang sasakyan. Nakarinig din ako ng isa pang busina sa aking kanan, halos manlaki ang mata ko dahil isang truck at patawid pa sa intersection, gusto ko mang ipreno ngunit dahil sa taranta ko ay hindi ko na nagawa. Naramdaman ko na lang ang nakakabinging pagtama nito sa aking kotse.




"Sir sir! Ayos lang po ba kayo?" narinig kong tanong ng isang lalaki, ay nako kung bakla pa ako malamang sinabunutan ko 'to, nabangga ako ng truck, tapos tatanunging okay lang ako? Ngumiti ako at hinawakan ang balikat nito




A Gay turns to a Guy [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن