2

1.1K 33 2
                                    

"Anak, o Justin! Andito ka pala!" bungad ni Mama sa amin ni Justin

"Opo tita mano po" nagmano si Justin kay Mama, in good terms talaga sila ni Mama one year na rin naman kaming in a relationship.

"Pumasok kayo sa loob magbe-bake ako ng cookies" sabi ni Mama bago sya pumuntang kusina.

Pumasok na kami ni Justin. Hilig talaga ni Mama ang mag bake kaya walang duda na ang business namin ay pastries. Naupo lang kami ni Justin sa sala habang hinihintay si Mama.

"Hindi ka ata masyadong nagsasalita ngayon baby?" Niyakap n'ya ako sa bewang at siniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Wala lang akong masabi. Uhm kilala mo ba yung classmate kong gay?" If I'm not mistaken, his name is Luke.

"Kapag bakla hindi ko kilala" bagot na sagot ni Justin.

"Do you hate gays?" Tanong ko sa kanya.

"I don't hate them, I super hate them" sabi nya na halos diring diri, natawa na lang ako sa sinabi niya, ayaw pala talaga siya sa mga bakla.

"Kung makapag salita ka parang mas gay ka pa sa kanila" sabi ko sabay tawa, sinamaan niya ako ng tingin.

"What did you say huh?" tapos nilapit niya yung mukha niya sakin. Ayoko ng ganito, naiilang ako, kaya agad kong iniwas yung mukha ko sa kanya. Kahit 1 year na kami hindi niya pa ako nahahalikan sa lips hanggang cheeks lang, para kasi sakin ang first kiss ay mahalaga.

"Sorry" sabi ko. Lumayo siya sakin, ang awkward tuloy, minsan nagkakatampuhan kami dahil lang sa bagay na yan pero minsan naiintindihan niya ako pero isa lang yung minsan.

"Ok lang" Lumapit siya sakin tapos niyakap niya ulit ako "I love you baby" ang sweet niya talaga mahal na mahal ko si Justin, alam ko namang mahal niya din ako may tiwala ako sa kanya naniniwala akong hindi niya ako lolokohin.

"I love you too baby" tapos hinalikan niya ako sa noo.

"Sweet naman naiinggit tuloy ako" rinig naming react ni Mama, sa gulat ko napa layo ako kay Justin, yung katabi ko naman ay natawa lang.

"Mama!" kahit kelan isip bata talaga 'to.

"Joke lang eto na yung cookies" tapos nilapag nya na ang mga ito, amoy pa lang nakakagutom na!

"Thanks po Tita pero mauuna na po ako" paalam ni Justin

"Bakit naman?"

"Emergency po kasi Tita" tapos may tina-type siya sa phone niya.

"Gusto mo sumama ako sayo?" rekomenda ko, pero umiling lang siya.

"No, no need, dito ka lang" lumapit sakin si Justin at hinalikan ako sa noo "Mauna na po ako. Tita next time na lang po pasensya na"

"Sige ok lang mag iingat ka" sabi ni Mama, tumango si Justin tapos umalis. Mamimiss ko na naman siya.

"Baby girl?" Tawag sakin ni mama

"Mama hindi na ako baby" nag pout pa ako, natawa si Mama kaya niyakap niya ako tsaka hinalikan sa cheeks.

"Seryoso ka ba talaga kay Justin anak?" Tanong nya sakin.

"Po? Oo naman po Mama bakit niyo natanong?"

"Wala lang ayoko lang kitang makitang masaktan anak, ikaw na lang ang meron ako ngayon" napangiti ako, alam ko ang hirap ni Mama para maitaguyod ako ng maayos, simula ng nawala si Papa nahirapan siya pero bumangon para saming dalawa.

"Don't worry Ma hindi ako masasaktan may tiwala po ako kay Justin" tumango siya at bumuntong hininga

"Oo na basta mag iingat ka pa rin. Sige na umakyat kana at magpalit kana ng damit tapos bumaba ka na lang kung gusto mo nang mag dinner tayo"

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now