AGTTAG 9

587 23 0
                                    

Charlene POV

"What do you want baby?" tanong ni Justin, sweet talaga nito no? Hindi ko pa nadadaanan yung nga gamit ko kasi naman siya na lang daw ang bahala.


"Anything Justin" hindi naman kasi ako gutom tapos dito niya pa ako dinala sa yellow cab, balak ata akong busugin ng sobra.


"Ts. Ako na wait lang ha?" paalam ni Justin at tsaka um-order, kanina pa kami andito sa mall pagod na nga ako kakalakad, bukas may pasok na.


Ilang minuto pa dumating na din si Justin dala yung mga in-order niya agad na kaming kumain tahimik lang kami nung magsalita siya.


"Charlene—" sumagot ako pero tuloy lang ako sa pagkain.


"Hmm?"


"I love you"


"Ackkk ehem ehem" ahh! Ang sakit nabulunan naman ako bigla! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kasabay namin kumain!


"Oh tubig!" inabot sakin ni Justin yung tubig, puno ng pag aalala yung mukha nya, grabe naman kasi ang sweet kasi nya!


"S-salamat"


"Ok ka lang baby?" tumango na lang ako, nakakahiya parang bigla akong nailang nung sinabi niya sakin yon, dati naman sanay na ako. Natapos na kami kumain nanatili lang kami sa loob ng Yellow Cab, nag papahinga busog na busog ako!


"Baby peram phone" agad kong kinuha yung cellphone ko at binigay sa kanya "selfie tayo baby"


"A-ano?"


"Matagal na tayong mag in-relationship pero wala pa tayong picture kokonti lang" napayuko na lang ako totoo naman kasi, takot kasi ako sa camera hindi ako mahilig mag selfie. Yung facebook account ko nga hinahanapan nila ng pictures ko wala silang makita.


"Justin alam mo namang—"


"Please?" nag pout sya! Omg sya ang kuhanan nyo! Gosh! Justin Broquez nag pout dahil gusto lang magselfie kaming dalawa! Makakatanggi pa ba ako nyan?


"Hays oo na nga" ngumiti siya ngiting tagumpay!


"Tara dito sa tabi ko" tumabi na lang ako sa kanya tapos umakbay siya sakin, naka ilang shots din kami may wacky, may pa peace sign, may duling, ngayon ko lang na-realize na enjoy pala ang mag selfie haha tao na ako!

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن