AGTTAG 5

747 25 2
                                    

Justin

"Justin hayaan mo na siya!" sigaw ni Margarette,  kanina pa ako nabibingi sa boses niya, kahit sobrang lakas ng music dito sa loob ng bar rinig na rinig ko pa rin ang boses niya. Sinamaan ko siya ng tingin

"Margarette can you please damn stop? Dahil sayo nagalit yung girlfriend ko!" inis na inis ako sa sarili ko. Oo aamin ako, sa loob ng isang taon may nararamdaman pa rin ako kay Margarette pero unti unti na itong nawawala dahil kay Charlene, siya nagpuna ng pagkukulang ni Margarette.

"Wow! Proud boyfriend ka na? Niloloko mo lang siya! Diba nga may relasyon tayo kahit kayo pa?" napatigil ako, fck anong kagaguhan ang nagawa ko. Oo kami ni Margarette pero nadala lang ako akala ko kasi yung pagmamahal ko kay Charlene ay parang kapatid lang pero mali pala ako mahal ko na pala talaga siya.

"Buti pinaalala mo yan ngayon, break na tayo" ayokong lokohin si Charlene mahal na mahal ko siya pero fck! Paano pag nalaman niyang niloko ko siya?

"What? Nakikipag break ka sakin ng dahil lang kay Charlene? Mas pinipili mo na siya ngayon?" masasamang tingin ang ipinupukol niya sakin ngayon, wala na iyang magagawa Margarette, mahalaga ka sakin, dahil minsan na rin tayong may nakaraan, pero hindi ko kayang mawala si Charlene.

"Mas mahal ko siya kesa sayo!" mas lalo siyang nainis at pinaghahampas ang aking dibdib.

"No! Hindi ka pwedeng makipag hiwalay sakin! Sabi mo mahal mo ako?" galit niyang sigaw

"Hindi kita mahal sinabi ko lang iyon para makabawi sa lahat ng pananakit na ginawa niyo sakin ni Red!" niloko nila ako, hindi ko makakalimutan na yung best friend ko sinulot ang girlfriend ko.

"What? Joke lang to diba? Sabihin mo sakin please,  sabihin mong mahal mo pa ako hanggang ngayon" niyakap niya ako tapos hinawakan niya yung mukha ko at tsaka hinalikan, alam kong mali to pero dahil sa alak tinugon ko ang mga halik niya, palalim ng palalim yung bawat halik namin. Nag iinit na ako, ayokong gawin ito pero ito ang gusto ko, na hindi maibigay ni Charlene.

Biglang nag flashback sa akin ang mukha ni Charlene na umiiyak, agad kong naitulak si Margarette, mali to may girlfriend ako kahit hindi ko pa siya nahahalikan at okay lang iyon. Tumayo ako, inayos ko yung sarili ko at nag simula nang maglakad.

"Justin alam ko mahal mo pa ako hindi mo naman siguro tutugunin pabalik yung halik ko kung wala ka nang nararamdaman sakin diba?" pagpigil sakin ni Margarette, hindi pa rin ba siya titigil?

"Tumigil kana matagal na tayong tapos" hahakbang na ulit ako pero hinawakan na niya ang braso ko na agad kong inalis.

"You can't break up with me, kung ayaw mong ipaalam ko kay Charlene ang lahat!" napaharap ako sa kanya, nababaliw na ba siya?

"Are you crazy Margarette!" takot, takot ang nararamdaman ko ngayon. Takot na malaman ni Charlene ang lahat.

"Of course no! Kasi akin ka lang Justin!" hindi ko na siya sinagot dahil natatakot ako na masaktan ko pa siya. "Sige, ganyan ba ang gusto mo? Hahaha sakin ka pa rin naman babagsak, kapag nalaman ni Charlene ang lahat lahat!" tinalikuran ko na siya, hindi niya kami mapag hihiwalay ni Charlene, mahal na mahal namin ang isa't isa. Paglabas ko ng bar may humarang sa aking motor, agad niyang tinanggal yung helmet niya.

"Hindi kita nakamusta kanina Justin" pagbati ni Red, hindi na siya nag abalang bumaba ng kanyang motor

"Maayos naman ako at maayos kami ng girlfriend ko kaya wag mo na siyang lalapitan" seryoso kong sabi sa kanya. Napatawa siya.

"Bakit naman? Magkaibigan kami kaya walang masama kung lalapit ako sa kanya bakit natatakot ka bang maagaw ko din siya sayo?" mapang asar niyang sabi, sasabog na ata ako sa galit. Kulang pa ba na inagaw na niya sakin si Margarette noon tapos pati ngayon kukunin niya pati si Charlene?

A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now