AGTTAG 38

315 7 0
                                    

Charlene POV



"Charlene ! Gumising kana anong oras na oh !" Naalimpungatan ako sa sigaw ni Mama, ang sarap sarap ng tulog ko tapos-- hays :(



"Mama naman ! Maaga pa oh ? Wala namang pasok mamaya pa naman yung prom ala sais wag kayong magmadali jan" inaantok kong sagot



"Sige ikaw bahala kung gusto mong ma-late ala una pa lang naman--" agad akong napa bangon sa sinabi ni Mama



"Ala una ?!"



"Oo ! Kanina pa kita ginigising pero tulog na tulog ka-- nag aalala na nga ako kanina pa ee pano di ka gumigising"



"Sh*t sorry Mama napasarap lang yung tulog ko wag ka na ngang mag isip ng kung ano ano jan"



"Oo na pero anjan na kasi yung stylist na mag aayos sayo mukhang nababagot na nga kakaintay sa paggising mo"



"Aish ! Nakaka inis talaga ! Bakit ngayon lang ako nagising !" Agad akong tumayo at pumunta sa banyo, naligo ako kahit 15 minutes lang, di ko na pwedeng tagalan baka layasan ako nung mag aayos sakin, bakit naman kasi na-late ako ng gising di pa ako nakakapag breakfast at lunch jusq naman -_-



Pagkatapos ko bumaba agad ako at nadatnan ko silang nakikipag kwentuhan kay Mama tatlo sila isang bakla at dalawang babae.



"Hello po pasensya na kung late akong nagising" sabi ko



"Kiber lang madam ! Halika na't maayos na natin yang feslalu mo, dyosang tunay naingget ang beauty ko kalurki !" Ano daw HAHAHA pero nakitawa lang ako sa kanila.



Pinaupo nila ako at kung ano ano nang ginawa nila sakin, yung isa inaayos yung buhok ko, yung isa nag manicure at pedicure tapos yung bakla syempre sa mukha ko, hindi sila magkanda ugaga kase naman anong oras na.



"Charlene kumain ka muna at uminom ng gamot" sabi ni Mama



"Luh~ madam kaloka kana man magugulo ulit yung inayos namin pag pinakain mo siya" sabi nung bakla



"Pero hindi pwede kase--" - Mama



"Mamaya po sa prom dun na lang po ako kakain sure naman na may catering don, don na lang din ako iinom ng gamot" sagot ko



"Wag kang matigas ang ulo !" - Mama



"Mama naman ! Mamaya promise di po ako susuway sa inyo iinumin ko po yan di po pwedeng ngayon sige na please"



"Hays ikaw bahala wag mo akong sisihin na di kita pinaalalahanan basta uminom ka ng gamot mo mamaya" tapos umalis na sa kwarto si Mama, ano ba yan nakaka guilty iinumin ko naman talaga yon mamaya ee.



"Galit ata si mother" sabi nung bakla



"Hindi yon sige na ayusin niyo na anong oras na kasi"



"Sige ang ganda mo talaga kung ganyan din ang itsura ko nako ! May boyfriend ka ateng ?"



"Oo meron" nakangiti kong sabi "at alam mo bang-- bakla din siya dati katulad mo"



"Truelalu ?! Owemgee bess ! Paano nangyari ?" Mangha niyang sabi



"Wala ee, na-inlove siya sakin" natatawa kong sabi



A Gay turns to a Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now