"Ate anna? Woah! anyare sayo teh? Infairness mukha ka nang tao." sabay tawa ng malakas. Binatukan ko agad siya. Bago dumiretso sa kwarto.

"Ate! Bakit ang ganda mo?" tanong ni alfred. Yung iba naman nakatingin lang sa akin habang nag eempake ako. Nagtataka lahat sila.

"Aba alfred, parang sinabi mo nadin na panget ako dati ah?"

"Hindi naman po." Nakangising sagot nito.

"Nasan si nanay?" Tanong ko. Nagtanong pa ako eh alam ko naman ang sagot. "Di bale na. Labas muna kayo lahat sa sala. kakausapin ko kayo."

"Ikakasal kana ate kaya ka maglalayas?" tanong ni alex na kalong kalong si andy.

Tang ina naman. pagkamalan pa akong ikakasal? Tsk. "Labas na!" utos ko. nagsisunuran naman sila. Nagmamadali kasi ako dahil naghihintay si bossing sa may kanto. Sabi daw niya bilisan ko.

Hindi naman talaga ako papayag sa mga gusto niya eh. nagkataon lang na mas importante sa akin ang pera. Atsaka bukod sa madali ang mga pinapagawa niya ay pwede nadin ako umalis sa gawain ko. Nag-aalangan lang talaga ako dahil parang ang hirap mag panggap na girlfriend niya. Tsk. Ewan ko ba. kinakabahan ako kapag sobrang lapit niya. lalo na nang hawakan niya ang kamay ko kanina. Aish! tang ina naman.

Kaunti lang ang mga dinala kong damit dahil may mga binili naman si drake na damit para sa akin. Yung mga matitino lang dinala ko. Pagkalabas ko ay nasa sala lahat sila at tahimik. Nagtataka sila lalo na ng mapatingin sa gamit na dala ko.

"San ka pupunta ate?" Tanong ni alden. Parang naiiyak na siya ng makita ako.

"Diyan lang sa kapit bahay." biro ko. wala namang tumawa sa kanila.

"Ate saan nga kasi? iiwan mo na kami?" naiiritang tanong ni anthony.

"Relax lang kayo. may nakuha na kasi akong trabaho. 'Eh stay in ako doon. sabado at linggo lang ang day off ko." Paliwanag ko sa kanila.

"Anong trabaho?"

"Saan?"

"Magkano sahod?"

"Sama kami."

"STAAHP!" sigaw ko ng tuloy tuloy ang pagsasalita nila. grabe lang daig ko pa ang nasa job interview. "Okey okey. Katulong ako at malayo dito yung lugar. bawal kayo doon. Wag kayong mag alala mataas ang sahod." sagot ko sa mga tanong nila. Sinabi ko nalang na katulong ako kesa sabihin ko na ang trabaho ko ay magpanggap na girlfriend ng isang mayamang lalake. Hindi pa maniwala sa akin tong mga to.

"Ate." Lumapit sa akin si amy at nagpakalong. naka nguso pa. "Matagal kang mawawala?"

Ang hirap talagang ipa-intindi sa bata ang sitwasyon. "Hindi. Uuwi naman si ate kada sabado at linggo. Habang wala ako si anthony muna bahala sa inyo ha?" Tinignan ko si anthony. grabe ang ngisi nito. hindi naman kasi ako pwedeng umasa sa nanay namin.

"Oh, rinig niyo? I'm in charge! Ako ang reyna at kayo ang mga alipin." Tumayo pa ito at kumendeng kendeng. sarap batukan.

"Hoy tumigil ka anthony! Kayo ha. Walang mag aaway sa inyo." Tumayo na ako kasi nag riring na yung cellphone. Baka si bossing na yung tumatawag. "Teka saglit." kinuha ko yung cellphone at sinagot. "Hello?"

Buti nalang talaga hindi mahilig mag text si drake. naku yari ako kung sakali dahil hindi ako marunong magbasa. tss. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya sa kanya at ayaw kong malaman niya na bobo ako sa mga ganitong bagay. Kung mahirap lang siguro siya kagaya ko hindi naman ako mahihiyang ipa-alam sa kanya.

"Nasaan kana? Ang tagal mo. Bilisan mo."

"Relax! Pa punta na bossing." Agad kong pinatay yung cellphone baka madami pang sabihin 'eh. "Oh tumawag na yung amo ko. Anthony eto 'oh." Inabot ko sa kanya yung tatlong libo. "Pagkasyahin mo yan hanggang sa sabado. Ikaw nang bahala mag budget ng pagkaen at baon ng mga kapatid mo. Ikaw nadin magpaliwanag kay nanay. Ayusin mo anthony, malaki ang tiwala ko sayo."

Tuwang tuwa naman niyang kinuha ang pera. Malaki ang tiwala ko sa kanya dahil masinop siya sa pera at ma-aasahan sa ganitong bagay.

"Opo ate. Akong bahala sa lahat."

Nagpaalam ako sa lahat. Mabuti nalang at naiintindihan ng mga kapatid ko ang pag-alis ko. para sa kanila naman lahat ang ginagawa ko.

"Bat ang tagal mo?" tanong agad ni drake ng sumakay na ako sa kotse niya.

"Uyy si bossing 'miss agad ako." Tukso ko. Sarap niya kasing asarin masyadong seryoso.

"Tss."

hindi na siya nag salita. Haha.

Nakarating naman agad kami sa bahay niya. Ang laki talaga ng bahay kahit siya lang mag isa nakatira. May kasama din pala siya si manang rose na nag-aalaga sa kanya. Ayaw naman sabihin ni bossing sa akin kung nasaan mga kamag-anak niya. Tss. malihim din si bossing 'eh.

"Kapag wala akong ipapa-gawa sa iyo tulungan mo si manang dito sa bahay." Sabi niya habang nilalagay ang gamit ko sa kwarto na binigay sa akin. simple lang yung laki ng kwarto. Naalala ko tuloy mga kapatid ko. sana maranasan din nila na tumira sa ganitong klaseng bahay.

"Yes bossing."

"May mga gamit na din diyan sa banyo para sa mga pangangailangan mo. Kapag may kailangan ka pa sabihin mo lang sa akin."

Tumango ako. Parang ang hirap padin kasi paniwalaan na nangyayari ng lahat ng ito sa akin. sa isang iglap lang may isang tao na nag alis sa akin sa mga gawain ko. Kung hindi naman dahil sa pangangailangan namin ay hindi ko gagawin ang mga bagay na iyon. Kaya laking pasalamat ko sa taong ito na inalis niya ako sa ganoong gawain.

"Salamat bossing. Salamat talaga sa tulong." Nginitian ko siya. Magkahagrap kami at nakatingin lang siya sa akin.

"Kailangan kita kaya bayad lang ito sa serbisyo mo."

Napangiwi ako. Para kasing iba ang dating sa akin ng sinabi niya. tss.

"Matulog kana."

"Sige. Goodnight."

Tumango lang siya. Bago siya lumabas ay lumingon pa siya na parang may gustong sabihin. Magsasalita pa sana ako kaso umalis nadin siya.

napabuntong hininga ako at inilibot ang paningin sa silid. Sumilay ang ngiti sa labi ko bago nag-umpisang kalkalin ang mga gamit ko.

****

A/N: I feel so empty T.T

V and C?

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now