chapter 11

6.9K 212 8
                                    

ANNA'S POV

Maaga ang punta ko kanila bossing ngayon tutal ay na-asikaso ko na ang mga kapatid ko sa bahay. kagaya ng nakagawi ay lunes ang balik ko sa bahay ni bossing. Balak ko din tulungan si manang rose sa mga labahan ngayon.

Syempre hindi ako aalis ng bahay ng hindi nabibilinan ang mga kapatid ko. Buti nalang talaga madiskarte at maaasahan sila at hindi ako nahihirapan sa pag-aalaga sa kanila. Kapag umuuwi ako sa amin syempre hindi mawawala ang mga pasalubong ko. buti nga ngayon at nabibilhan ko na sila kahit papano ng mga kailangan nila. Laking pasalamat ko talaga kay bossing.

papasok na ako ng bahay ni bossing nang mapansin kong may bagong sasakyan. Teka, alas diyes palang ng umaga. sigurado nasa school pa yun. Kanino naman kaya to sasakyan?

Agad akong pumasok sa loob at hinanap si manang rose. Pero imbis na si manang rose ang nakita ko ay isang lalake. At hindi lang yun! May kasama pang babae! At ang mga to sa sala pa talaga naghahalikan! tang'na!

"SINO KAYO?!" sigaw ko dahilan para maghiwalay ang dalawa. Nasaan ba si manang rose? At sino tong mga to?

"And who the fvck are you?" Sabi nung babae.

Takte siya! Inglisin ba ako! Pero buti nalang kahit papano ay naintindihan ko yun.

"Hoy miss, ako una nagtanong kaya sagutin niyo ako. sino kayo?" Tanong ko. wala naman kasi nababanggit si bossing na may bisita siya.

"Anna bat ang aga mo? Ayy ano ba yan, sir drew handa na ang pagkaen." Sabi ni manang na kalalabas lang ng kusina.

"Manang sino sila?"

"Kapatid ni sir drake yan. si sir drew at kaibigan niya."

"Correction, girlfriend niya. and my name is iza." Singit ng babae. Tang'na neto taray ng dating ah?

Tinignan ko yung lalake, hawig nga sila ni bossing drake. Pero mas pogi syempre si bossing ko.

"At ikaw sino ka naman?" tanong sakin nung drew.

"Anna, bro. Prends ni drake." Makikipag kamay sana ako kaso sumingit na naman yung babae. Ano kasi name niya? Isa? tsk. ewan.

"Babe, lets go eat na. I'm hungry."

Di ko mapigilan mapa-ismid. ang arte ng dating eh.

"You go first, I'm still full." Pinauna na niya yung babae kahit nagpumilit pa ito na sabay sila. "So, anna, right? I---"

"Nasa pilipinas tayo, pwedeng magtagalog ka?" Putol ko sa sasabihin niya. baka kasi bumulagta ako dito ng di oras pag di tumigil kaka-inglis ang isang to. Bat kasi ang hilig nila mag-inglis? kaasar.

"Ow, sorry. Anyway. Anong ginagawa mo dito? Binibisita mo ba ang kuya ko?"

"Dito ako nakatira." Bale-walang sagot ko. Parang gusto ko tuloy puntahan si manang sa kusina at tikman ang luto niya. Gutom na ako.

"I see. Matagal kana nakatira dito?"

"Hindi naman. nagtatrabaho ako para sa kanya."

"Really? Katulong ka niya?"

Bat ba ang daming tanong ng lalaking ito? "Parang ganun na nga, basta. Teka, may tatanong kapa? Gutom na kasi ako."

Tumawa naman siya. "So now my brother is into pretty maids huh?" Umiling iling pa siya. "Sige kaen kana."

Buti naman hindi na siya nagtanong kaya pumunta na ako sa kusina para kumaen. nandoon yung babae na kumakaen at utos ng utos kay manang. Aba! Gag* to ah! pinapahirapan si manang. Pinanood ko lang siya habang kumakaen. hindi naman sumunod yung kapatid ni bossing. Saka ko na iintrigahin si bossing tungkol sa kapatid niya pagdating niya.

***

(Drake's POV)

Pagkapark ko ng sasakyan sa bahay ay nakita ko ang isa pang naka-park na kotse. Kanino naman kaya ito? I'm not expecting any visitors. Unless, sila mama or papa or...sh!t! Wag sana si...

"Drew?" Tawag ko ng makita si drew sa sala. Fvck! At hindi lang siya. Kasama niya si anna habang naglalaro ng xbox ko. Tang ina! Minamalas nga naman ako. Don't get me wrong. I love my brother pero kapag nandyan siya ay puro sakit ng ulo ang dala niya.

"Hey kuya!" He grinned when he saw me. Agad na lumapit siya sa akin and gave me a warm bear hug. Sh!t. "Miss me?"

"What brought you here?" I asked him instead. Tinignan ko si anna na nakatutok padin ang mata sa screen.

"I knew it. You didn't miss me. tsk. I'm hurt kuya." He tried to act hurt. binatukan ko siya. "Aww."

"Stop with the act. Does dad know your here?"

"Ahh. No. Tumakas ako."

"What?" I glared at him he just grinned back.

"Relax lang kuya. stop over lang naman ako dito. Nakaka bagot na sa states eh." He shrugged his shoulders. "And don't worry about dad 'mom will take care of him. Alam naman ni mom kung nasaan ako."

"Sira ka talaga. Bakit hindi kay dad ikaw nagpaalam."

He chuckled. "You think papayagan ako ni tanda? Na-ah. Tsk. Tsaka mas ok na yung tumakas ako. Ang cool ko kaya. I was like in a freaking action movie when dad's bodyguards chased me---AWW!"

Binatukan ko ulit siya. "Puro ka kalokohan." 

"OYY! PARENG DREW! DALIAN MO NA! May match pa tayo!" sigaw ni anna ng hindi kami nililingon.

"Oh WAIT LANG TOL!" Natatawang sabi ni drew bago bumalik sa upuan sa tabi ni anna.

What the heck? Close agad sila? At tinawag pa talaga ni drew ng tol si anna? Fvck! Mamaya ay matuluyan tong maging tibo si anna. Sh!t. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong nandito na si drew. Puro kalokohan pa naman ito.

Oh great!

***

A/N: medyo mabagal ang UD nito kumpara sa story ko na 'bleeding love'. Ang hirap kasi pagsabayin isulat ang dalawang story na magkaiba ang genre. Kaiyak.

~~~ZeeDee

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now