Chapter 31

8K 178 5
                                    

***

Naramdaman ko ang isang braso na mahigpit na nakayakap sa akin mula sa likuran.

Mahinang napamura ako kasabay ng dahan dahan na pag-mulat ng mga mata.

Oh fvck...

Totoo nga ang mga nangyari kagabi. Nandito ako sa condo ni drake, sa kama niya at higit sa lahat nandito ako yakap niya.

Humigpit lalo ang yakap niya at ramdam ko ang init ng hininga niya sa batok ko gayun din ang init ng katawan niya na nakadikit sa kahubadan ko.

Oh fvck!

hindi ko mapigilang pamulahan pag-naiisip ang mga nangyari kagabi. Drake and I made love. yes, I gave myself to him. Kahit na alam kung mali, hindi pwede at baka pagsisihan ko.

But no. I didn't feel any regret when we made it. Basta ang alam ko lang ay mahal ko siya.

Pero hindi ako makasarili na dahil may nangyari na sa amin ay pagpipilitan ko na ang sarili ko sa kanya. He's getting married. at ayokong ng dahil sa akin ay hindi matuloy ang kasal niya sa taong mahal niya.

Gaga! mahal ka nga din daw niya diba? My subconscious yelled.

Yun nga eh. mahal daw niya ako pero ikakasal siya! Urgh, tengene lang.

Kailangan kong mag-isip.

Nanigas ako ng gumalaw ng bahagya si drake sa likuran ko, lalo na at may naramdaman din akong ibang matigas.

Ahhh! P@?@#/@?! Talaga!

Bago pa ako manghalay ng tulog ay dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin.

He groaned pero hindi naman siya nagising kaya tagumpay akong nakawala sa yakap niya. napangiwi pa ako ng maramdaman ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko.

I really need to get out of here before he wakes up.

Isang beses ko siyang sinulyapan at ginawaran ng halik sa labi bago nagmamadaling nagbihis.

Kailangan ko nang umalis habang hindi pa siya nagigising at baka pigilan ako... dahil kung nagkataon ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

***

"Hay naku ate! buti naman at naisipan mo pang pumasok. Lagi kayang pumupunta si kuya pogi dito at hinahanap ka. naku kung di mo lang sinabing wag kong paalam ang bahay natin baka na chika ko na sa kanya. Parang iba kasi ang pakay eh! Charing ka teh, anong meron sa inyo ni kuya pogi?"

Nagpintig ang tenga ko sa walang sawang kadaldalan ng baklita kong kapatid.

Apat na araw nadin akong hindi pumupunta sa shop at kay anthony ko pinapa-asikaso ang lahat. At kagaya nga ng lagi niyang sinasabi ay madalas daw ako hanapin ni drake.

Tsk. Ayoko mag-assume. tama na siguro yung nangyari sa amin.

isa pa kung talagang mahal niya ako kagaya ng sinabi niya ay hindi niya na itutuloy ang kasal. pero tignan mo naman ito, halos kumpleto na ang detalyeng binigay ni drake kay anthony para sa kasal.

Nakakainis lang. Kaya nga hanggat maaari ay si anthony ang pinapagawa ko sa lahat.

"Anthony, kuha mo muna ako ng kape, sumasakit ulo ko sayo." Taboy ko sa kanya.

"Ano ba naman yan, feel na feel mo ang pagiging assistant ko. Imbyerna to." Nagdadabog na wika niya bago lumabas ng office ko.

Napasandal nalang ako sa swivel chair at inihilig ang ulo ko. Parang balewala ang pag-iwas ko kay drake dahil kahit anong pilit kong dikta sa sarili na kalimutan na lamang siya, ay siya namang pilit niyang pumapasok sa isipan ko.

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now