chapter 8

7.5K 174 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

"May cellphone ka ba?" tanong niya kay anna habang pauwi na sila. Nasa daan lang ang tingin niya habang nag mamaneho.

"Huh? wala 'eh. bibili mo ako?"

Napatingin siya dito at kitang kita niya ang ngisi nito. Medyo abuso din ito ha? Pero kailangan din kasi may cellphone ito para madali niyang ma contact kapag kailangan.

"Tss. Fine." Agad niliko niya ang sasakyan pa puntang mall.

"Ang swerte ko talaga sayo bossing. Bait mooooo. Tanga lang ng ex mo dahil iniwan ka."

Medyo nainis siya sa pagtawag nito ng 'tanga' sa dating kasintahan. "Wag mo siyang tawaging 'tanga'. ako din naman may kasalanan kung bakit kami nag hiwalay."

"Talaga? Kwento mo naman bossing."

"Ayoko mag kwento. Hindi kita binabayaran para pakealaman ang buhay ko."

"Tss. damot."

Buti naman hindi na ito nag salita pagkatapos. Nakarating na sila sa mall ng walang hindi nagkikibuan. Mas gusto na niya ang ganito kesa dumaldal ng dumaldal si anna.

"Pwede na ba to?" Turo niya sa isang cellphone nang iphone na nakadisplay.

"Yan?" Her eyes grew wide. halosi idikit na nito ang mukha sa glass window ng cellphone store. "Pero bossing ang mahal niyan."

Medyo may kamahalan nga ang iphone kahit na hindi iyon ang latest brand. "Ayaw mo? Ako naman ang bibili diba."

Nakita niyang napailing ito. "Mahal yan bossing. Pang text at tawag lang naman ang kailangan ko. Magnet pa naman ng mga kawatan ang ganyan."

"Kagaya mo?" Biro niya dito. Tinignan lang siya nito at hindi na nagsalita. Para tuloy na guilty siya. Pero mukha namang hindi ito nainis.

"Pwede na sa akin to." Mayamaya ay turo nito sa isang cellphone na brand ay nokia. It's only worth 3000.

"Ok na yan?" Tumango lang ito. Hindi na siya nagtanong pa at kinuha na agad ang cellphone. Pinakabit niya agad ang sim card at nang ok na ay agad niyang sinave ang number niya sa cellphone nito at kinuha din niya ang number nito. "Oh' ingatan mo yan." Inabot niya dito ang phone pagkatapos.

"Salamat bossing." tuwang tuwa ito habang pinapakealaman ang cellphone na binili niya. "Uuwi na ba tayo?"

Palabas na silang dalawa ng mall. "Yup."

"Ah... eh... kailangan ba bossing dun ako mag stay sa bahay mo?" nag-aalangan tanong nito.

"Yup. Para hindi na ako mahirapan mag hatid sundo sayo. Pwede kadin mag trabaho sa bahay para hindi sayang yung bayad ko sa iyo." Diretsong sabi niya at pinasakay na ito ng sasakyan. "Don't worry. Day off mo naman kapag saturday and sunday."

"Ganun ba...ummn ano kasi eh... ummn..."

Tinignan niya ito dahil mukhang may gusto itong sabihin. "May sasabihin ka ba?"

"Pwede bang umuwi muna ako? Magbibilin lang kasi ako sa mga kapatid ko. baka magtaka mga yun eh." Tinignan siya nito sa mata. "Sige na bossing."

He let out a sigh. "Fine."

***

(Anna's POV)

pagkadating ko agad sa bahay ay sinalubong ako ng mga kapatid ko.

"Sino ka?!" Nakataas na kilay na tanong ni anthony.

"Sapak anthony gusto mo?" Pinakita ko pa sa kanya ang kamao ko.

the thief who stole my heart [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora