chapter 3

9.3K 196 8
                                    

(Anna's POV)

"Anna may raket sila gibo ngayon gabi, ano sama ka?" Sabi ni tisoy sakin na kasama ko palabas ng barangay.

"Anong racket yan? Malaki ba kikitain ko? Tang na, nung dating niyaya ako ni gibo maliit lang binigay na porsyento sa akin nun." Dugas pa naman nang isang iyon. mabuti nang makasigurado.

"Oo malaki. Sumama na ako dati kay gibo dito eh. Tsaka wag kang mag alala, tayong tatlo lang para malaki ang porsento ng hatian." Paninigurado pa ni tisoy.

"Ano ngang racket yan?"

"Alam mo yung malaking eskwelahan sa bayan?" tumango ako. "Papasukin natin yun. Madaming spare parts ng mga kompyuter dun saka mga appliances tol, tiba tiba tayo. Nung huling punta namin naka pitong libo ako."

Napaisip ako. "Gag@ to, diba delikado yan? Mahigpit ata bantay dun tol." Kapag napapadaan kasi ako dun madaming bantay.

"Hindi! Ganito lang yan. Banda ala sais kasi yung mga guard halos nasa dalawang gate na nakabantay mga yan dahil labasan na ng mga estudyante nun. Pagkatapos Sa likod tayo dadaan. Magpapanggap muna tayong estudyante hanggang mag si-alisan na mga tao. kasi pag ala syete na roronda na ang mga guard at kakaunti nalang ang mga tao nun. kailangan hintayin nating matapos yung ronda nila bago tayo kumilos." paliwanag ni tisoy.

"hoy tisoy, sigurado ka ba diyan sa plano na yan?" Tumango pa siya. "Tang na mo pag nabulilyaso tayo, isusunog talaga kita sa araw ng mawala ang pagiging tisoy mo." Banta ko pa. Kagaya ko kasi ay maputi talaga to. Di nga halatang taga skwater dahil sa kutis. Anak porener din kasi pero iniwan ng parehong magulang sa ampunan.

"Eto naman si anna. syempre di kita papahamak. takot ko lang na bugbugin mo." ngumisi pa siya. "Oh siya, una na ako. Kita tayo mamayang alas kwatro sa gilid ng paaralan."

Nag paalam nadin ako at dumiretso muna ako sa isa ko pang racket. pahinga muna ako sa pandurukot ngayong araw, mahirap na baka makita na naman ako ni kuya bert. Kaya dun muna ako sa palengke dumiretso bitbit ang mga paninda ko. Side line lang naman ito. Hehe

Nung makakita na ako ng pwesto ay naglabas ako ng kaunting paninda. "OH DVD DVD! BILI NA MGA SUKI! DVD DVD, MURANG MURA." sigaw ko. "OY KUYA! DVD!" Tawag ko dun sa lalake na nakatingin sakin. Suki ko to eh.

"May bold ba?" Tanong niya.

"Aba syempre meron! Anong gusto mo kuya?"

***

Mag aalas kwatro na nang makarating ako sa pinag usapang lugar. Palinga linga pa ako para hanapin si gibo at tisoy. malamang nandito na ang mga iyon. Hindi nga ako nag kamali ng mahagilap ng mata ko si tisoy na umiinom pa ng softdrinks sa di kalayuan sakin. Kumaway siya ng makita ako kaya dalidali akong pumunta sa kinaroroonan niya.

"Oh, nasan si gibo?" tanong ko ng mapansin na siya lang mag-isa.

"Padating na daw tol, kinuha lang yung sasakyan niya. Lam mo na? Run away car. Sosyal diba?" Ngingisi ngisi pa si tisoy at inalok sakin yung softdrinks niya na agad ko din kinuha dahil uhaw din ako.

"Uyy. pag ito talaga pumalpak. Pag uuntugin ko kayong dalawa ni gibo."

"Relax lang anna. Parang di ka sanay sa takbuhan. hehe. tsaka tiba tiba tayo neto niyan kung sakali. Laki pa naman ng saintford na to." Umangat pa yung tingin ni tisoy sa likod ko kung saan ang pader ng eskwelahan na papasukin namin. Seyntpord daw yung pangalan ng school.

Mga tatlumpung minuto pa bago dumating si gibo lulan nga ng owner niya. Inutusan niya kaming dalawa ni tisoy na sumakay at pinaandar na ang sasakyan. Huminto kami sa may likuran kung saan bakanteng lote at isang malaking bahay lang na mukhang walang nakatira ang nandoon. kaya siguro madaling dumaan sa bahaging ito dahil walang katao tao sa paligid na makakakita.

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now