chapter 14

7K 240 10
                                    

(Drake's POV)

"Manang ok na po ba yung mga niluto niyo?" Tanong ko kay manang rose nang puntahan ko siya sa kusina. Ngayon kasi ang birthday ng kapatid ni anna. And just as I promised, dito sa bahay ang celebration.

"Opo ser. Parating na po ba sila?"

"Baka parating na po."

Sinundo pa kasi ni anna ang mga kapatid niya. Sasama nga dapat ako pero sabi niya ay wag na daw at siya na ang bahala.

"Si drew po nasaan?" tanong ko.

"Ay ewan ser... umalis ng hindi nagpapa-alam."

"Ganun po ba, sige hintayin ko nalang sila."

Nagpalit muna ako ang ng damit bago bumaba ulit para i-check kung ok na lahat. I'm just excited to this little party I prepared for her. Sigurado akong matutuwa si anna at ang mga kapatid niya.

Napatingin ako sa pinto ng narinig ko ang pag-bukas ng gate. Agad na lumapit ako para salubungin sila.

"WOW! ANG TARAY NG HOUSE!" sigaw ng isa na for sure na kapatid ni anna. Who obviously is gay. "AYY BET KO TO!"

"WOW ATE ANG LAKI NG BAHAY!"

"Dito ka nakatira ate?"

"Ang swerte mo naman ate."

"Ahem." I cleared my throat to get their attention. Napatingin naman lahat sila sa akin. "Ahmm...hi."

"uy bossing! Pasensya na natagalan kami...hehe. eto nga pala ang mga kapatid ko...eto si anthony---"

"Ate it's anthonette, hi kuya pogi." Singit ng kapatid niya.

"Tumahimik ka... eto si alex, si andrea tapos ito si anne... yung kambal si alfred at si alden tapos ito si andy at ang may birthday na si amy... tsaka nanay ko nga pala at ang bunso namin si ash."

"Hello... ako nga po pala si drake." Pakilala ko sa nanay ni anna at nginitian ang mga kapatid niya. Para naman silang nasapian na nakatulala lang sa akin. Napansin ko lang na kahit hindi mamahalin ang mga suot nila ay mahahalata na may mga itsura sila.

Yumuko ako para magkapantay kami ni amy. "Hi... ako si kuya drake. Happy birthday... may gift ako sayo mamaya." Imbis na sumagot ay nagtago siya sa likod ni anna.

"Uyy. Magpasalamat kay kay kuya drake mo, aba siya nag-handa para sa birthday mo." utos ni anna dito at pinapunta sa harap ko.

Ang cute ni amy at halatang nahihiya. She was hiding her little hands behind her back. "T-thank you pooo." She almost said whispering. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi at tumakbo pabalik sa likod ni anna. Napangiti ako sa inasal niya. That was sweet.

"Aba tsansing ka amy ha. naka-kiss kapa talaga kay kuya pogi." Sabi ni anthony.

"Pasok na po kayo." niyaya ko na sila sa loob. tuwang tuwa naman sila sa mga nakikita nila. I suddenly remembered the first time Anna came here. Manghang mangha din siya.

"Salamat dito iho sa handa mo. Naku! ang swerte ng anak ko na ikaw ang amo niya." Sabi ng nanay ni anna ng lumapit sa akin.

"Wala po yun. Maswerte din naman po ako kay anna." Napatingin ako sa gawi ni anna na abala sa pag-asikaso ng mga kapatid niya. I can't help but to smile seeing her happy like this.

"Ikaw ba ay walang gusto sa anak ko?"

"Po?" Napatingin ako sa kanya. bakit yun naman ang tanong niya?

"Alam mo iho, ako kasi sa palagay ko ay may gusto iyang anak ko sa iyo... aba tignan mo kung maka-tingin sayo."

Napatingin ulit ako kay anna at nakatingin nga sa akin na naka-kunot ang noo.

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now