chapter 23

6.8K 162 5
                                    

A/N: I will be changing the way how I write stories. So expect niyo po na puro third person's pov na ang gagamitin ko unless needed ng first person's pov.
.
.
THIRD PERSON'S POV

"Kuya bert, parang awa mo na tulungan mo akong maka-alis dito oh! Gipit lang talaga ako, kailangan ko lang ng pera dahil nasa hospital ang kapatid ko." pagmamakaawa ni anna.

hindi niya alintana ang namamagang mata gawa ng pag-kakasuntok sa kanya at ang pumutok na labi. Duguan din ang damit niya na galing mula sa sugat niya.

Pinakulong siya ng may-ari ng bahay na pinag-nakawan nila ni gibo. Nakatakas na naman si gibo at siya na naman ang na dali. Kahit nag-makaawa siya kay pat ay walang nagawa ito dahil sa kagustuhan ng nanay nito na makulong siya dahil may mga natangay na gamit si gibo.

"Ano ba naman kasi anna yang pinasok mo? Aba'y kahit gusto kitang tulungan wala na akong magagawa. Nag-demanda na sila at alam mo namang iba na ang chief namin dito. hindi kita pwedeng tulungan. Pwera nalang kung may pyansa ka." Bakas sa mukha ng pulis ang awa sa kanya.

"Kuya bert sige na naman..." napaluha na siya. "Kailangan ako ng mga kapatid ko."

Napailing ang pulis. "Pupuntahan ko ang mga kapatid mo para abutan ng pera. sa ngayon ay yun lang ang tulong na kaya kong ibigay. Kung ano lang ang maibigay ko ay pagpasensyahan mo na, alam mo namang mahirap lang din ako."

Pinunasan ni anna ang luha niya. "S-salamat kuya bert."

Tumango ito. Hindi pa man nakaka-alis kuya bert ay may dumating na isa pang pulis.

"Hoy lopez! laya kana." Sabi nito bago buksan ang rehas kung nasaan siya.

"T-talaga ho?" Di makapaniwalang tanong niya. "Papaano po nangyari iyon?"

"May nag-pyansa sa iyo."

Lumabas siya ng rehas at nagtatakang sinundan ang pulis. Sino naman kaya ang magbabayad para makalabas siya? tinulungan kaya siya ni gibo?

Napahinto siya ng makita ang lalaking kausap ang isang pulis.

"Siya ang nag-bayad para makalaya ka." Giniya siya nito sa lamesa kung nasaan si drake. "Pumirma ka muna dito bago ka makalabas."

Binigay sa kanya ang papel kung saan siya pipirma. Bago niya pa kunin iyon ay inagaw na sa kanya ni drake iyon at ito ang pumirma. may sinabi pa ito sa mga pulis na hindi niya maintindihan dahil sa ingles.

"Tara na." Seryosong sabi ni drake bago siya hinila palabas ng presinto.

Parang wala siya sa sarili na napasunod dito hanggang makarating sila sa kotse nito. Binuksan nito ang pinto at akmang pasasakayin siya ng matauhan siya.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong niya dito.

"Sumakay kana." Seryoso ang mukha nito at matalim ang tingin sa kanya. hindi nakaligtas sa kanya ang ginawa nitong pagtingin mula ulo hanggang paa sa kanya.

Hindi niya mapigilang mang-liit sa ginawa nito. daig pa niya ang lalaking nakipag-bugbugan sa ayos niya na duguan ang damit at may mga pasa sa mukha.

"Bakit ako sasama sa iyo? Para ano ha?" Napailing siya. "Dahil ba ikaw ang nag-bayad para makalaya ako ay kailangan ko nang sumama sa iyo, ganoon ba iyon?"

Nakakunot ang noo nito at hindi niya inaasahan ang ginawa nito nang bigla nalang nitong binalibag pasara ang pinto ng kotse nito. bakas sa mukha nito ang matinding galit. "DAMNIT ANNA! Bakit ba ang hirap mong kausapin ha? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Bakit ba gustong gusto mong pinapahamak ang sarili mo?!"

Napa-atras siya ng makita ang galit na mukha ni drake. Pinilig niya ang ulo at sinubukang pigilan ang nagbabadya niyang luha. "Noon pa man ganito na ang buhay ko. Hindi na bago sa akin ang makulong... hindi ko hiningi ang tulong mo drake."

"Then what? Kung hindi kita tutulungan sa tingin mo makakalaya ka pa sa kulungan? Kung hindi pa ako tinawagan ni pat hindi ko pa malalaman ang mga kalokokohanm mo. Yan nalang ba ang alam mong gawin? Ang magnakaw?"

Napabuntong hininga siya at pilit kinakalma ang sarili. Ngumisi siya at pilit tinatago ang sakit na nadarama. "Baka nakakalimutan mo drake kung papaano mo ako nakilala. Magnanakaw ako, ano bang bago doon? Yun lang alam kong gawin eh. Ano pa bang gusto mong gawin ko ha? Mag-bago ako? Malabo yun drake. Wala kang mapapala sa isang kagaya ko kundi sakit ng ulo. kaya mabuti pa hayaan mo nalang akong umalis." Tatalikuran niya sana ito ng hawakan nito ang braso niya.

"Saan ka na naman pupunta? gagawa ka na naman ng ikakapahamak mo?"

"Wala ka nang pakealam doon drake. Kung ano man ang gawin ko sa buhay ko ay sa akin nalang ito, wala ka nang pakealam sa akin diba? Salamat nalang sa tulong mo ngayon. Kung mag-kano man ang nagastos mo idagdag mo nalang sa listahan ng mga utang ko sayo, malay mo balang araw mabayaran kita. Sa ngayon walang wala talaga ako."

Tinalikuran na niya ito bago pa ito makapag-salita ay agad siyang tumakbo palayo dito. rinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya.

Binilisan niya ang takbo takot na habulin siya ni drake, takot na makita siya nitong umiiyak. Ito ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makikita sa kanya na mahina.

Sa tanang buhay niya ay hindi siya nag-pakita ng kahinaan kahit kanino. siya lang ang sandigan ng mga kapatid niya at oras na maging mahina siya ay ang mga kapatid niya ang magdurusa.

Bigla siyang napahinto, patuloy padin ang tulo ng luha niya. "Pu*ang ina!" Mura niya at bumalik sa dinaanan niya. Napayuko siya at pinulot ang napigtas na tsinelas niya. Sa sobra atang bilis ng takbo niya ay bumigay na ang kahuli-hulihang tsinelas niya.

Lahat nalang ata ng kamalasan ay natamo niya.

Nilakad niya lang pauwi dahil ni-isang kusing ay walang-wala siya. Hindi alintana sa kanya ang mga tinging pinupukol sa kanya ng mga tao dahil sa itsura niya, dagdagan pa na wala siyang suot na isang tsinelds.

Gusto niyang sisihin si gibo pero alam niyang kasalanan din niya. Pumayag siya sa plano nito kahit na ikaka-pahamak niya.

Bago pa siya makapasok ay nakita niya si ate daisy na nag-sasampay ng mga damit. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya na lapitan ito.

"Ate daisy." mahinang tawag niya dito.

Nilingon naman agad siya nito. "Oh anna bakit? teka... anong nangyari sayo bakit ganyang ang itsura mo?"

Napakamot siya ng ulo. "Mahabang kwento ate." nahihiyang tumingin siya dito. "Ate diba sabi mo nangangailangan kayo sa pinapasukan mo? Baka pwedeng ipasok mo ako doon. Kailangan ko talaga ng pera."

Napataas ng kilay ito. "Sigurado ka ba? Baka pagsisihan mo yun."

"W-wala na talaga akong alam na paraan ito nalang."

Nakita niya naman ang awa sa mukha ng kapitbahay niya. "Ang akin lang ay siguraduhin mo muna. baka mamaya sisihin mo ako sa mangyayare sa iyo. alam mo naman kung anong klase ang trabaho na papasukin mo. Sure ka na ba?"

Hindi siya agad nakasagot dahil sa pangamba sa papasukin niyang trabaho. pero naisip niya ang mga kapatid niya... para sa mga kapatid niya.

Nakita niya nalang ang sarili na pumapayag sa alok nito.

***

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now