chapter 19

6.4K 179 7
                                    

(Anna's POV)

Hindi ako nakauwi kagabi dahil dumiretso ako sa bahay at nagpatulong kay anthony para sa pang reregalo ko kay bossing.

Dahil mahirap lang ako ay isang keychain lang na ginawa ko ang ibibigay ko sa kanya. Nilagyan ko ng pangalan niya sa harap at pangalan ko naman sa likod. sigurado ako ay kikiligin si bossing pag natanggap niya ang regalo ko. Yun pa? eh patay na patay sa akin iyon. hehehe

Tuwang tuwa nga ako sa pag-gawa kahit na nagkanda paso pa ako sa pagdikit ng mga letra. At hindi lang iyon ang regalo ko syempre... gumawa din ako ng sulat. Aba ang swerte ni bossing dahil siya ang kauna unahang tao na mapagbibigyan ko ng sulat. Kahit na hirap na hirap ako sa pagsulat nito ay ayos lang, maiparating ko lang sa kanya ang pasasalamat ko.

Sigurado akong hinahanap na ako ni bossing niyan. hindi ko pamo nadala ang cellphone ko kakamadali kahapon.

Pagkarating ko sa bahay ni bossing ay nagtaka pa ako na naka-lock ang gate. Madalas naman hindi nila-lock ni manang ito.

"Manang! yuhuu! Andito na po ako." Pinindot ko yung doorbell ng hindi pa lumalabas si manang.

Lumabas naman si manang maya-maya pero bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Anna, sana hindi kana bumalik." Alinlangan na sabi niya.

"Huh? bakit po manang? May nangyari po ba? Teka andyan na po ba si bossing?"

Sasagot na sana siya ng may magsalita sa likuran nito. Si bossing!

"Pumasok na kayo sa loob manang, ako na bahala dito."

Pero teka! Wala ata sa mood si bossing dahil masama ang timpla ng mukha. aruuh! tiyak matindi ang pag-alala nito sa akin dahil hindi ako naka-uwi kagabi.

"Hi bossing." nginitian ko siya.

"Ang lakas naman ng loob mong bumalik pa dito." Galit na turan niya.

Hala? masyado naman atang OA itong si bossing. "Bakit bossing? Bawal na ba ako dito?" nakangisi pa ako.

"Fvck it anna! Don't try to act so innocent with me! hindi mo ako maloloko!"

"Teka teka! tang'na naman hindi kita maintindihan tapos nag-ingles kapa eh di hindi kita lalong maintindihan! Ano bang pinag-sasabi mong niloloko kita?" Medyo asar na turan ko. Alam niyo naman na madali akong maasar kapag ini-ingles ako.

"Wala ka pa talagang balak umamin? Akala mo hindi ko alam na pumasok ka sa kwarto---"

"Ano?" putol ko sa sasabihin niya. "G*go ka ba drake? para pag-pasok lang sa kwarto mo ikinagagalit mo na? tang'na naman! tsaka bakit hindi mo buksan tong gate nang makapag usap tayo ng maayos sa loob."

"You can't fool me. Pinag-katiwalaan kita kahit hindi ka katiwa-tiwala... pinag-mukha kitang tao at pinag-aral tapos ito ang igaganti mo sa akin?" singhal niya.

P*tang ina naman! Ang gulo niya! "Sinabi nang hindi ko alam ang pinagsasabi mo eh! Atsaka p*tang ina! hindi ko naman hiniling sayo na bihisan ako at pag-aralin!"

"Hindi ka ba talaga aamin?!"

"Ano bang aaminin ko?"

"Alam kong ikaw ang nag-nakaw ng pera ko, nag mamaang-maangan ka pa! Sa una palang dapat hindi na talaga ako nag tiwala sa iyo eh! Alam ko namang magnanakaw ka at walang magandang maidudulot sa akin. Sinayang ko na nga ang pera ko sayo tapos pinagnakawan mo pa ako. Bakit ba hindi ko naisip na pera lang ang pakinabang ko sayo?." napa-iling ito.

Tagos sa puso ko ang sinabi niya. Napaawang ang labi ko sa dahilang wala akong maisagot sa kanya.

Hanggang ngayon parin pala magnanakaw padin ang tingin niya sa akin. Akala ko nagbago na eh. Kasi binago ko ang sarili ko para sa kanya. Sinubukan kong alisin lahat ng pangit sa pagkatao ko para sa kanya dahil ayaw kong madismaya siya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil binigyan niya ako ng pagkakataong baguhin ang sarili ko. inaakala ko na may tiwala na siya sa akin... mali ako, magnanakaw padin pala ang tingin niya sa akin.

"You know what? Wala na akong pakealam sa pera na kinuha mo! sayo na iyon... pero ito ang tandaan mo! Ayaw ko na makita yang pagmumukha mo!" Tatalikuran na sana niya ako ng magsalita ako.

"H-hindi ko magagawa sayo yun drake."

"Sa tingin mo ba paniniwalaan kita? May ibidensya na magsisinungaling kapa... tama nga ang sabi nila; ang magnanakaw kapatid ng sinungaling."

Umiling ako. Masakit pala marinig ang mga katagang iyon lalo na sa taong importante sa iyo. "Maniwala ka drake, hindi ko yon magagawa."

"Stop lying! Just get the fvck out of here." Bulyaw niya.

Nagmamakaawa ang mga mata ko na tumingin sa kanya. gusto kong paniwalaan niya ako. "Hindi ko yun maga---"

"P*TANG INA NAMAN! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?" napangisi siya na mapang-uyam. "Nakalimutan ko, BOBO ka nga pala! Lumayas kana dito at wag nang magpapakita pa sa akin! ayan tagalog na sana maintindihan mo na!" Tinalikuran na niya ako at pumasok sa loob ng bahay.

Namalayan ko nalang ang pagpatak ng mga luha ko.

Akala ko masakit na na malamang wala siyang tiwala sa akin.... mas masakit pala na sa bibig niya mismo manggaling ang salitang dumurog sa akin.

BOBO!

oo, tama naman siya eh. Bobo naman talaga ako. Pero masakit lang ang pagsupalpal niya ng salitang iyon sa mukha ko.

Pinunasan ko agad ang luha ko.

Tang'inang buhay to!

Agad din palang mawawala ang taong tutulong sa akin... ang taong akala kong hindi huhusga sa pagkatao ko. ang taong unti-unti ko nang natututunang mahalin... ang masaklap, hindi naman ako ang lumayo eh... siya ang nawala.

Ano na naman ang mangyayari sa akin?

Balik na naman ba sa dati?

***

A/N; drama muna ang peg na tambalang drake and anna.

the thief who stole my heart [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن