chapter 17

6.7K 213 10
                                    

A/N: pasensya na po mabagal ang update nito.

(Drake's POV)

"Sino siya?" tanong ni anna nang pumunta siya sa sala. Tinutukoy niya ay ang kinuha kong private tutor.

"Anna, eto si mrs. Esmeralda David. Pwede mo siyang tawagin ma'am david. Kinuha ko siya para sayo." pakilala ko.

"Hi anna." bati sa kanya ng ginang. Nagtataka padin si anna na nakipagkamay dito.

"Para sa akin? Bakit?"

"Kinuha ko siya para maging tutor mo. Para maturuan kang makapag basa at magsulat."

Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga?! Di nga bossing, seryoso?"

Nginitian ko siya. "Gusto kong tulungan ka anna. Kaya kung papayag ka siya na magiging guro mo."

Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako bigla. "Salamat bossing! salamat!... ma'am salamat po." niyakap niya din si mrs.david.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa reaksyon niya.

"Ngayon na mag uumpisa ang lesson mo." sabi ko sa kanya. Pumunta muna si mrs.david sa isang room para ayusin ang mga gagamitin nila sa lesson ni anna.

"Huh? teka bossing... hindi tayo pupunta sa school mo?"

Umiling ako. "simula ngayon hindi ka nadin magtatrabaho bilang girlfriend ko."

She frowned. "Teka bossing, anong ibig mong sabihin tanggal na ako? Bakit? Dahil ba napahiya ako sa madaming tao kaya ayaw mo na 'na ako ang girlfriend mo?"

"Hindi..." inakbayan ko siya. "Wala akong pakealam sa sasabihin nila, ang gusto ko lang ay itigil na natin ang pagpapanggap... pero wag kang mag-alala sasahuran padin kita."

"Bakit bossing, naka-move on kana?"

Kung alam mo lang anna. "Sabihin na nating oo."

"Talaga? pero teka bossing... hindi naman ata patas na sasahuran mo ako ng hindi nagtatrabaho sayo."

Napangiti ako. She's really is something. "Bakit ba hindi ka nalang magpasalamat na tinutulungan kita?"

"Eh kasi naman bos---"

"Hep." I stopped her. "Pwede ka namang tumulong dito sa bahay. Basta ang gusto ko mag-aral kang mabuti. Para sa iyo din naman yan eh."

"Naku bossing, pangako ko sayo mag-aaral akong mabuti!!"

***

"AYOKO NA!"

Salubong agad sa akin ni anna pagkauwi ko ng bahay galing school. naabutan ko siya sa study room niya na nakahiga sa carpet floor. nagkalat din ang mga papel sa sahig.

"Anong ayaw mo na?" tanong ko.

"Bossing, ayoko na! suko na ako. Tang'na ganito pala kahirap mag-aral! Dudugo ang utak ko." Nakasimangot siya habang kakamot kamot ng ulo.

"Akala ko ba gusto mong mag-aral?"

"Akala ko madali lang eh."

Tinabihan ko siya at nahiga din ako sa carpet. "Ganyan talaga. Hindi lahat ng bagay na naisin mo ay madali mong makukuha. Kailangan paghirapan mo muna. Katulad ng pag-aaral, kung gusto mo talagang matuto kailangan mo munang mag-sikap."

"Eh ang hirap kaya."

"Ikaw din naman ang aani niyan balang araw. Hindi kita mapipilit kung ayaw mo na. pero isipin mo nalang ang pagkakataon na ito para sayo. Mas marami kang magagawa anna kung may pinag-aralan ka."

Tumagilid siya para harapin ako. "Sa tingin mo ba bossing kung matututo ako mas madami akong magagawa? Yung bang may tatanggap na sa akin na trabaho, hindi na ako mamaliitin ng mga tao?"

Tumango ako.

"Talaga? Ibig sabihin din ba neto ay may magkakagusto na sa akin?"

Napatingin ako sa kanya. "Huh?"

"Eh kasi bossing wala pang nagkakagusto sa akin. Iniisip ko ngang dahilan ay dahil wala akong pinag-aralan. Kung bang marunong na ako ay may magkakagusto na sa akin?"

What? Hindi ata ako makakapayag na may magkakagusto sa kanya na iba. "Gusto naman kita ah." Tumagilid din ako para magkaharap kami.

"Alam ko bossing gusto mo ako... pero yung ibig kong sabihin yung 'gusto' na liligawan, yung bang magiging girlfriend." Nakangisi pa siya.

Does it mean that she doesn't even have the slightest idea that I really like her more than a friend? "Akala mo gusto lang kita bilang kaibigan?" Asar na tanong ko.

Tumango lang siya.

"Hindi ba pumasok sa isip mo na may gusto talaga ako sayo?"

Umiling siya.

Damn!

Bakit ba ang naive niya?

"Teka teka!" Tinaasan niya ako ng kilay. "Wag mong sabihin... woah! May gusto ko talaga sa akin bossing?"

Napa-iwas ako ng tingin at bumalik sa pagkakahiga.

"Uyy... bossing! Ano? sabihin mo! may gusto ka sa akin?" Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "uyy! uyy!"

I felt my face heating up. Sh!t.

"Uyy! Bossing! Hala! namumula ka." tinusok tusok niya ang pisngi ko. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko paharap sa kanya. "Sabihin mo na kasi!" Nakangisi siya na parang nang-aasar.

Inaasar pa talaga ako. tsk.

"Dali na! may gusto ko ba sa ak---"

hindi ko na siya pinatapos at hinalikan siya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko dahil nakanganga pa siya.

"Ang ingay mo." I said before claiming her lips again. Hindi ko na mapigilang angkinin ang labi niya.

Before I was hesitant about my feelings towards her but now I'm pretty sure that I like her... really really like her.

I pulled her head to deepen our kiss. Unti-unting gumalaw ang labi ko ng wala akong makuhang reaksyon sa kanya. Her lips taste like strawberry. Sweet.

I smiled inwardly when she started responding to my kiss. Damn. Feels like heaven. no doubt about my feelings towards her. Sana pareho kami ng nararamdaman. I bit her bottom lip. I was about to seek for entrance when I heard the door open.

"AYY JUSKO PO!" sigaw ni manang.

Agad kaming napahiwalay ni anna sa isa't isa.

Tsk. pangalawa na to ni manang!

"Manang naman! Kumatok naman sana kayo." reklamo ko. Bitin na bitin kaya!

"Ayy naku ser, malay ko bang may ginagawa kayo dito. sasabihin ko lang sanang handa na ang pagkaen... naku mga kabataan talaga." Iiling-iling pa siya. napasimangot lalo ako.

Napalingon naman ako kay anna ng bumangon ito na tatawa-tawa.

"Manang kakaen na po kami... bossing tumayo kana diyan... tuloy nalang natin mamaya." Tumawa pa siya bago hinila si manang palabas.

Naiwan naman akong tulala.

Did she really say we will continue it later? Sh!t.

Narinig ko pa si anna sa labas na sinasabi kay manang na.

"Manang, si bossing crush ako."

***

A/N: thank you for reading. :)

the thief who stole my heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon