chapter 21

6.6K 171 14
                                    

Beware of typos and wrong grammar.

(Anna's POV)

"Ate, hinanap kas ni amy si nanay kaya lumabas siya ng bahay. Hindi namin alam na nakarating siya sa may kanto." Paliwanag ni alfred na siyang kasama ni amy na naiwan sa bahay.

Kanina pa namumuo ang luha sa mga mata ko pero pilit kong hindi umiyak sa harap ng mga kapatid ko. Kailangan maging matapang ako sa harap nila.

"N-nasan si nanay?" Hindi ko mapigilang gumaralgal ang boses.

Napayuko si anthony at napaiyak nadin kagaya ni alfred. "U-umalis siya at dinala si ash."

"Saan sila pumunta?" Tanong ko.

"H-hindi namin alam... may dala siyang mga gamit nila ni ash."

"ANO?!" Napasigaw na ako kaya napalingon sa akin ang mga tao sa kwarto ng pam-publikong hospital kung saan dinala si amy.

Napamura ako.

Tahimik lang ang mga kapatid ko na umiiyak. Si alfred at anthony lang kasama ko at umuwi na si tisoy para samahan muna ang mga kapatid ko.

Malala ang aksidente ng kapatid ko dahil napuruhan ang ulo nito. Sabi ng doctor ay kailangan daw nitong maoperahan para tanggalin ang namuong dugo sa ulo. Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng doctor. ang tumatak lang sa isip ko ay ang gagastusin para sa operasyon nito.

Pera.

Yan na naman ang problema ko. Ang mahirap lang dahil malaki ang kakailanganin kong halaga ngayon.

Saan naman kaya ako kukuha ng malaking halaga?

"Ate pwede tayong tulungan ni kuya pogi. diba mayaman naman siya?" sabi ni anthony.

"Huh? si drake?" napaisip. Tama si anthony... si drake, kaya niya akong tulungan.

Ang tanong lang ay kung tutulungan niya ako.

***

"Wala siya dito anna." sabi ni manang rose ng pumunta ako sa bahay ni drake.

Kinapalan ko na ang mukha ko alang alang sa buhay ng kapatid ko. Wala na akong pakealam kung ano ang magiging tingin sa akin ni drake.

"Ganoon po ba? sige hintayin ko nalang po siya dito sa labas."

Hindi ako pinapasok ni manang dahil kabilin bilinan daw ni drake dito na wag magpapa-pasok ng tao sa bahay. Lalo na ako.

Umupo ako sa malapit sa gate para hintayin ang pagdating niya. Kung ano man ang mangyare ay bahala na. kung kailangang lumuhod pa ako gagawin ko matulungan niya lang ako.

Mahigit dalawang oras din ako nag-hintay at ramdam ko na ang pagkulo ng tiyan ko dahil hindi pa ako nakaka kaen ng tanghalian. Napatayo ako ng makita ang sasakyan ni drake na parating. Huminto iyon sa tapat ng gate.

"Drake." kinatok ko ang bintana ng kotse niya. Ilang sandali pa ay bumakas ang pinto at lumabas si drake na nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Parang bigla akong napipi at tinablan ng kaba. Hindi ko mapigilang manliit sa sa sarili ng pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Sigurado akong nandidiri siya sa akin ngayon. Nakasuot lang ako ng maluwang na tshirt at pantalon na may mga kaunting punit pa. Parang gusto ko din itago ang paa ko na nakasuot ng tsinelas. Puro buhangin kasi iyon gawa ng naglakad lang ako papunta dito para makatipid sa pamasahe.

"Ahh... ehh. Drake, h-hingi sana ako ng tulong mo." nakayuko kong turan.

"Pera ba?" Tanong agad nito.

napa-angat ako ng tingin at kita ko ang bakas ng pag-kainis sa mukha niya.

"Ano ka---"

"Sabihin mo na kasi kung pera lang ang kailangan mo." Putol niya sa sasabihin ko.

Tumango ako.

Napangisi siya. "Ang tindi mo... nagawa mo na nga akong pagnakawan tapos magagawa mo pang pumunta dito para humingi ng pera! Pera? yan lang ba ang mahalaga sayo?"

"Drake, h-hindi mo---"

"ENOUGH!" sigaw niya. "Umalis kana!"

"Drake, parang awa mo na. Kailangan ko talaga ng pera..."

"Tsk. Shut up ok? Your irritating the hell out of me."

Natigil ako ng makita ang galit sa mga mata niya. Kahit siguro anong dahilan ko ay wala siyang balak na pakinggan ako.

iba talaga nagagawa ng galit ng tao.

Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko kaya yumuko ako para itago ang sakit na nararamdaman ko. "Pasensya kana... desperado na talaga ako. i-ikaw lang talaga ang alam kong mahihiraman ko."

"Hiram? Nagbibiro ka ba? Wala ka ngang maipakain sa sarili mo manghihiram ka pa? Hingi ang kailangan mo hindi hiram."

Pumatak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Agad ko iyong pinunasan. Bakit ba kapag si drake na ang nasa harap ko ay nagiging mahina ako?

Nakita ko ang pagdukot niya sa bulsa. Nilabas niya ang pitaka at bumunot ng pera. Hindi ko inaasahan nang ihagis niya iyon sa harap ko.

"Ayan! Masaya kana? Teka, baka kulang pa yan sayo... dyan ka lang ikukuha pa kita ng makontento kana." Akmang aalis siya ng magsalita ako.

"W-wag na... tama na ito, malaking tulong ito. salamat." Pumiyok ang boses ko sa huling salita.

Yumuko ako para pulutin ang ilang libo na nagkalat sa daan. halos manlabo na ang paningin ko ng tuluyang umagos ang mga luha ko.

Wala na akong pakealam kung magmukha akong tanga na umiiyak habang pinupulot ang pera niya.

Pinunasan ko ang luha ko at nakayukong tumayo sa harapan niya. "S-salamat drake. Wag kang mag-alala huli na ito."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tinalikuran ko na siya. Gustong gusto ko nang umalis sa lugar na iyon. Masakit sa akin ang ginawa ni drake. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat pero sarado ang isip niya na pakinggan ako.

Tama nga siguro na huli na iyon na lapit ko sa kanya.

***

the thief who stole my heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon